GERALDINE: NAGMAMADALI akong lumabas ng unit matapos naming mag-agahan nila Ayca at Fyang. Malapit lang naman dito ang DM'S shipping airlines na pinapasukan ko pero ayoko talagang nali-late ako sa trabaho. Paglabas ko ng condominium, sakto namang may dumaan na grab na pinara ko. "Kuya, sa DM'S shipping airlines po." Sagot ko. Napakamot pa ito sa ulo na sinilip ako sa rear view mirror. "Ma'am, saang branch po?" tanong nito. "BGC, Kuya." Tumango ito na pinasilab na ang taxi. Napahinga ako ng malalim na napasulyap ng wristwatch ko. May thirty minutes pa naman ako pero mahirap ng maipit ako sa traffic. Naaalala ko naman ang sinabi ni Ayca kanina tungkol sa bagong kapitbahay namin sa unit. Na kamukha raw ito ng kanyang ama. Hindi ko naman itinago sa kanya kung sino ang ama niya

