5 YEARS LATER GERALDINE: MAAGA pa lang ay bumangon na ako para maihanda ang agahan namin ni Ayca. Apat na taon pa lang ang anak ko kaya sa tuwing gan'tong papasok ako ng trabaho, iniiwan ko siya sa kanyang yaya na kasama namin dito sa condo. Limang taon na rin ang nakalipas magmula nang lumipat ako ng tirahan dito sa Manila. Si Papa naman ay kasalukuyan ng Senator ng bansa. Siya ang bumili ng condo na tinitirhan naming mag-ina dito sa BGC. Monthly naman itong may binibigay na pera sa aming mag-ina. Pero katulad dati, nakatago pa rin ang relasyon naming mag-ama. Nagtatrabaho ako sa isang kumpanya bilang manager ng HR department. Sa ngayon ay naka-focus na lang ako sa dalawang bagay. Sa trabaho at sa anak ko. Ayoko namang iasa ang lahat kay Papa. Kaya kahit ayaw nito ay namasukan pa rin

