GERALDINE: NAKAHINGA ako nang maluwag na hindi ko nakita sa klase si Stella at mga kaibigan nito. Hanggang sa huling klase ay hindi sila nagpakita, bagay na ipinagpapa salamat ko. Kung hindi lang dahil kay Mama, matagal na akong lumipat ng university para makaiwas kina Stella. Mapapalayo kasi ako kay Mama at walang maiiwang mag-aalaga at maglilinis palagi sa bahay at puntod nito kapag lumipat pa ako ng university. Graduating naman na ako kaya pagtityagahan ko na lamang ang pambu-bully sa akin nila Stella. Ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob? May Donnie akong handang protektahan ako. At ang Papa ko. Hindi man siya nagpapakita sa akin at patago ang relasyon naming mag-ama, ang mahalaga ay may tauhan itong nagbabantay sa akin. Palabas na ako ng university nang may pumigil sa aking ik

