GERALDINE: NAGING usap-usapan sa classroom namin ang tungkol kay Donnie. Mabuti na lang at hindi pa nila ito nakikilala at iba ang binigay nitong pangalan sa land lady nito maging sa trabaho. May suot din itong round reading glasses at napakasimple niyang pumorma. Kaya naman walang nag-aakalang isa itong bilyonaryo. Matapos ang klase namin ay dumaan na muna ako ng comfort room para ayusin ang sarili. Naghilamos na muna ako at umihi. Akmang lalabas na ako ng pinto nang pumasok si Stella. . . kasama ang mga kaibigan nito. Napalunok ako na binundol ng kaba sa dibdib at sa akin sila nakamata na may ngisi sa mga labi. "Anong ginawa mo, huh?" may kariinang tanong ni Stella habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin dito sa countertop. "Ano bang sinasabi mo?" sagot ko na pilit pinatapa

