Chapter 21

1437 Words
Sabado ngayon at andito pa din kami sa bacolod.hiling kasi ng mommy ni Jacob na dito muna kami bago siya bumalik ng Manila. Simula nong nagka sakit ako mas naging close kami ni Jacob at maalaga din siya sakin. “Iha isukat mo nga ito”abot ni tita sakin ng magandang dress. “Ay hindi na po tita” nahihiya kong sabi.sinama nya kasi akong namasyal.nanuod kami ng sine at kumain sa fast food.kwento pa ni tita laki din daw siya sa hirap pero dahil nag sipag siya kaya siya nakatapos ng pag aaral bilang guro pero hindi daw siya nakapasa sa board exam kaya nag apply nalang siya sa thailand bilang English teacher pinalad naman siya makuha at doon nya mga daw nakikita daddy ni Jacob.nong minsan daw namasyal siya sa night market at tinulungan nya daw daddy ni Jacob dahil nga sa di ito marunong sa language na thai. “Sige na iha at excited ako na makita suot mo, paano kasi wala akong anak na babae.”sabi niya pa na pinipilit sakin yong dress. “Nakakahiya po kasi,at saka wala po akong pang bayad nito” sabi ko . “No! No! Akong bahala.sige na,Alam mo ba noong nalaman ko na buntis ako sa kapatid ni Jacob tuwang tuwa ako kasi umaasa ako na babae pero sa awa ng Dios lalaki din” sabi nya na nakangiti kaya napangiti na rin ako. “Ganon po ba tita? Kumusta po si Jacob noong maliit pa?makulit po ba siya kasi po ngayon sobra po” sabi ko sa kanya na nakangiti. “Simula pagka bata mabait at masunurin Anak ang anak kong yon di kagaya ng kapatid niya lagalag” sabi ni tita. “Sige na sukat mo na please?” Dagdag niya pang sabi kaya kinuha ko na ang dress saka pumasok sa fitting room. Pag ka suot ko tiningnan ko sarili ko sa salamin at jusko kasyang kasya sakin at ang ganda ng tela.v shape siya sa harap kaya medyo litaw ang cleavage ko,hanggang tuhod ko ang haba ng dress at hakab na hakab ang kurba ng baywang ko.lumabas ako para ipakita kay tita. “Wow perfect!! Ang ganda ganda mo iha.” Sabi nya na pumalakpak pa. “Ah hehhehe Salamat po pero hindi kasi ako sanay” sabi ko.nasanay kasi ako sa puro pantalon at t-shirt lang. “Naku masasanay ka rin.ito pa sukat mo ito daliiii !” Sabi niya tinulak pa ako pabalik sa loob ng fitting room.napagod ako sa kabalik balik sa loob ng fitting room at lahat ng magustuhan niya ipasukat sakin binili niya kaya ito ang dami naming bitbit na shopping bags. “Waldo kasama mo ba ang sir mo?” Kausap ni tita si kuya waldo sa telepono. “ okay sige sunduin mo kami ng around 6pm , ok sige, e text ko kung saan.” Sabi nya at binaba na ang twag. “ iha halika at napagud ako mag pahinga muna tayo” sabi niya na inakay akay ako papasok sa isang salon.pag pasok namin sinalubong kami ng dalawang bading . “Hello madam!!! Upo po kayo” sabi nong isa. “Hello guy’s, napagud ako kaya kailangan ko ng foot spa” sabi ni tita. “Sure madam, dito po tayo” sagot ng bading na victor daw pangalan niya sa araw at vecky sa gabi kaya natawa ako. “Oi madam anak nyo po itong kasama nyo?” Tanong naman nong isa. “Girlfriend ng anak ko kaya ayusin nyo ang pag aayos sa kanya dahil may bunos kayo sakin” sagot ni tita. “Ay sayang gurl nauhana ka na kay papa jake mo” sabi naman nong isa. “Ah hehee hindi ko po bo— upo kana iha para makapag relax ka din” singit ni tita.umupo nalang ako at mayamaya pa sinuklay nila buhok ko kaya nag taka ako.yong isa naman nilagay yong paa ko sa parang palanggana na kumukulo ayaw ko sana ilagay paa ko baka maluto pero natawa sila sa sinabi ko. “Hala bakit kumukulo yan naku Salamat nalang po at di po bulalo ang paa ko” gulat na gulat sila sa sinabi ko pero ng makabawi bigla silang tumawa ng malakas. “Hahahhahaha joker pala tong girlfriend ni papa jake!” Sabi nong vecky.napa simangot ako kasi tatawa tawa parin sila. “Iha tubig lang yan na may sabon para masahiin ang paa mo kaya gumagalaw ang tubig”sabi ni tita at unti unti kong nilagay yong paa ko. Akala ko mainit pero di naman pala maligamgam lang kaya nilagay ko na dalawang paa ko at totoo nga nakaka relax.mayamaya pa may umupo sa harap ng paa ko ang isang babae na may dala siyang gamit. Pinanuod ko lang siya aa giangawa sa paa ko.meron palang ganito sa paa? Ilang minuto din ang pag kuskos ni ate sa paa ko at pagkatapos pedicure naman ginawa niya sa kuko ko.yong isa naman bading hinawak hawakan ang buhok ko. “Madam anong gawin ko sa buhok nito?” Tanong niya kay tita. “Ano sa tingin mo ang bagay sa kanyang hair style?” Sagot naman ni tita. “Maganda na itong buhok nya at malago pa, e layer ko nalang madam ng kunti at ahitan ko na rin yong kilay nya .” Sabi niya kay tita. “Make her more beautiful” sagot ni tita. “Ma’am ano pong shampoo nyo kasi ang ganda ng buhok mo” tanong niya sakin . “Shampoo? Minsan lang naman po ako nag shampoo. Madalas po tide bar at gata ng niyog po ang gamit ko sa buhok ko” sagot ko sa kanila na ikinagulat nila. “Weeeh meron pa bang ganon?” Sabi nong isang bading, “Naku hwag na maraming tanong gawin nyo na ang trabaho niyo” sabat ni tita kaya nag umpisa na sila sa pag aayos ng buhok ko.may nilagay sila na parang cream sa buhok ko tapos binalot ng parang plastic at pinasandal nila ako saka naman nila nilagyan ng maligamgam na towel ang mukha ko. “Pikit po kayo ma’am ilagay ko lang tong towel sa face nyo para mag relax ang muscle niyo.” Sinunod ko nalang .marami pa silang ginawa sa buhok, mukha at kuko ko.pag tingin ko sa kamay at paa ko amg ganda na ng kuko ko dahil may kulay ang mga ito. “Ayan tapos na, perfecto!!! Wow pang miss universe ang ganda ni ma’am” sabi nong isa na tinanggal ang maitim na kapa sa balikat ko saka ako inikot paharap sa salamin.namangha ako sa nakikita ko sa salamin parang hindi ako. Naging manipis ang makapal kong kilay at ang gaan ng pakiramdam ko sa mukha ko. “Wow iha ang ganda ganda mo talaga”sabi ni tita na nakangiti sakin. “Ay Salamat po tita,nahihiya tuloy ako” sagot ko na Tipid ngumiti sa kanila. “ naku tiyak mag laway si papa jake nito” sabat ng isa. “Inggit ka gurl?” Sabi naman nong isa. “ tseehh lamang ng limang paligo si ma’am sakin pero magkasing ganda kami” sabi nya kaya natawa ako.hinawakan ko siya sa kamay. “Thank you ha ang galing mo naman” sabi ko . “Hala ma’am hwag nyo po akong ngitian ng ganyan kasi baka ligawan kita” sabi niya pinalalaki ang bosea kaya nag tawanan sila. “Abay kung kasing gwapo mo ba ay sige sinasagot na kita” biro ko rin kaya bigla naman silang napatigil sa katatawa. Ako naman ang natawa sa reaction nila. “Wahhahahhaha laugh trip si ma’am at yong mukha ni bea sobrang epek” tawa ni vecky ganon din si tita . “Ay grabi kayo sakin ha,” asar ma sagot ni bea pala ang pangalan niya. “Girls dahil maganda ang service niyo ito ang bunos ko para sa inyong lahat!” Sabi ni tita at may inabot na ilang lilibuhin na pera kay vecky. “Naku madam maraming salamat talaga.dagdag pang jowa ko ito” sabi niya na tumili pa kaya natawa ako. “Maraming salamat sa inyong lahat” sabi ko “Iha bago tayo lumabas mag bihis ka muna, nasa labas na daw si Jacob” sabi ni tita na inabot sakin ang isang damit.sinamahan naman ako ni vecky sa banyo para mag bihis. “Wow ang ganda mo talaga ma’am bagay na bagay sayo ang dress” puri nuya sakin kaya napangiti nalang ako at nagpasalamat sa kanya.lumabas na kami at nakita ko na nakasandal si Jacob sa hood ng kotse niya nakatalikod sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD