Chapter 22

1627 Words
“Jacob anak kanina ka pa ba?” Bungad ni tita sa kanya kaya bigla naman itong napalingon samin. “Hindi naman po mga 10 minutes pa lang.nasaa si Sharon mom?” Tanong niya kay tita.anong ibig niyang sabihin kung nasaan ako?eh andito nga ako nakasunod sa mommy niya. “Bakit di mo ba nakikila?” Tanong ni tita sa kanya saka tumingin sakin. “Po? Wait! Sharon babe?” Gulat niyang sabi at titig na titig naman siya sakin mula ulo hanggang paa. “Wow you look like—-a goddess” paos niyang sab. “Oh di ba mas lalo siyang gumanda?” Sabi ni tita.nahihiya tuloy ako dahil naka tingin sila sakin. “Ah eh hindi naman po.” Nahihiya kong sabi. “Mom ? Now i am in big trouble” sabi ni Jacob sa mommy niya. “Why iho?you don’t like the idea about her look?” Nalilitong tanong ni tita sa anak niya. “Nothing mom, let’s go?” Sabi niya saka binuksan ang pinto sa likuran pumasok naman si tita at binuksan niya din ang pinto sa passenger seat. “ get in babe” sabi niya sabay hawak sa siko ko at sa may ulohan ko ng papasok ako ng kotse.pagka sara nya umikot siya sa driver seat saka nag maneho pabalik ng hotel. “Anak isasama ko si Sharon sa party ng mga amiga ko sa Sunday”sabi ni tita . “ but mom, mga matatanda ang na doon, mabored lang si Sharon” sagot ni Jacob sa mommy niya. “Hey mag dahan dahan ka sa pananalita mo Jacob Andrew Rickman! Sinasabi mo bang matanda na ako?”mataas na boses ni tita pero napukaw ng attention ko ang tinawag niya kay Jacob. “Tita ano po nga ulit tinawag niyo kay Jacob?” Tanong ko kay tita nanlalamig na ako sa kaba bakit parang iba. “Jacob Andrew Rickman. Bakit iha?” Tanong niya sakin. “ ikaw si sir Andrew Rickman?” Tanong ko kay Jacob na nagtataka. “Yes why?” Sagot nya. “Totoo? Ikaw si Andrew Rickman? Paano?” Sabi ko na nag iisip. “Ormoc city 1998 may nakilala akong Andrew Rickman.siya ang tumulong sakin noong nagka landslide” tumulo na luha ko sa saya at sakit.naalala ko na naman ang trahedya na yon na kumitil ng buhay ng mga magulang ko. “Yes babe that was me” sabi nya na hinawakan ako sa braso. “Matagal mo na bang alam?” Tanong ko sa kanya. “Four days ago ko lang nalaman.pina trace ko ang sinabi ni nanay azon sakin kung paano ka napunta sa kanya.” Sabi nya kaya mas lalo akong naiyak. Bigla nalang akong yumakap sa kanya. “Sa wakas nakita din kita.hinanap kita nong nakapag lakad na ako pero sabi naka alis ka na daw.” sabi ko na umiiyak. “Sssshhhh, please stop crying babe” sabi nya na pinunasan ang luha ko. “Wow!!!! this is called , destiny!” Sabi naman ni tita. “Iha pwede ba kitang ampunin?” Tanong ni tita na hinawakan ako sa braso. “Mom..? No way…!!! Hindi pwede!” Biglang sabi ni gurang kaya napabitiw ako sa kamay niya.nasaktan ako sa sinabi niya. “And why is that? She’s an orphan so I don’t think I need your opinion!” Sabi ni tita na hinila ako mula sa kanya sumunod naman ako. “But mom please?” Stress na sabi niya kay tita na napa kamot sa ulo. “Iha do you want to be my daughter?” Tanong ni tita sakin pero naka kindat. “Ah eh hehheheh di ko po alam tita” sagot ko nalang kasi di ko magets ang sinyas niya sakin. “Mom stop it!!!” Singit ni Jacob kaya natawa na si tita. “Bakit naman anak? eh wala naman kayo kapatid na babae so pwede si Sharon maging kapatid mo” sabi ni tita na nakangiti at kumindat ulit sakin. “F**k !! Hell No!” Sabi niya sabay alis at iniwan kami ni tita sa living room. “Hey watch your mouth Jacob Andrew!!!”sigaw ni tita sa palayong anak. “Hahahhahhaa! Nakita mo ba itsura ng anak ko iha?” Tumatawang tanong niya sakin.ako naman pangiti ngiti lang. “Iha gusto kong makilala ang kumupkop sayo. At kung pahintulutan mo ako gusto kitang pag aralin.nabanggit saki sakin ni Jacob na nasa college pa daw?”mahabang sabi ni tita ng kumakain kami ng breakfast kinabukasan. “Wala pong maging problema kung gusto niyo po makilala si nanay Azon.at sa pag aaral naman po eh nakakahiya po” sabi ko sa kanya. “Naku iha hwag mo ng isipin yon.mag aaral ka at ako ang bahala” sabi niya ng may biglang sumingit sa usapan namin. “Good morning! the two beautiful women in my life! Mey kaya ko siyang pag aralin” sabat ni gurang na magulo pa ang buhok. Simula kasi ng gumaling ako sa trangkaso katabi ko na matulog si tita sa kwarto total daw malaki naman ang kama which is totoo naman. “Pwede din naman total marami ka ng pera” sagot ni tita . “Mey hindi po pero sapat lang para sa kinabukasan ng maging family ko.”sabi niya at tumingin sakin saka ngumiti.bigla nalang ako na uhaw kaya uminom ako agad ng juice. “Sabagay, matagal ko na gusto na mag asawa ka.”sabi ni tita. “Ano sa tingin mo iha?” Baling naman ni tita sakin kaya napa angat ako ng mukha mula sa plato . “Ah opo kasi gurang na siya tita” sabi ko na dapat nasa isip ko lang. “Damn it babe hindi ako gurang!” Inis niyang sabi at si tita naman malakas na tumawa. “Ops sorry!!” Sabi ko saka nag peace sign finger sa kanya. “Hahahhahahah!!! I love that iha hahahhaha!!” Sani ni tita . “Mom, naman !! Mamaya pala tawagan ko si dad sabihin ko andito ka” bigla sabi ni gurang sa mommy niya At sinimangutan naman siya ni tita. “Sige sabihin mo at mag lalayas ako ulit at this time siguradihin kong di niyo ako makikita” banta niya kay Jacob.mayamaya may narinig kaming nag doorbell. Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Jacob at siya na ang nag bukas ng pinto. “Where is your mother? Honey !!!” Sigaw mula sa pinto at bigla naman napatayo si tita mula sa upuan. “Dad,join us for breakfast!” Boses ni Jacob na papalapit na sila samin.at pumasok ang isang may edad na lalaki na sa tingin ko amerikano pero parang hindi. “Anong ginagawa mo dito?” Agad na tanong ni tita. “Honey, I am—- hi mommy?” Isa pang lalaki pumasok din na kasunod ni Jacob at mas kamukha niya yong naunang lalaki pero mas bata lang ito parang halos kaidad ko lang. “Teka anong ginagawa nyo dito? Bakit kayo pumunta dito?” Tanong ni tita .naka tingin lang ako sa kanila dahil parang nagtatampo si tita sa dalawa. “Dad ,John nag breakfast na ba kayo?” Tanong ni Jacob.so ito pala daddy niya at kapatid. “Kuya hindi pa kasi si dad ang aga nang gising nong malaman niya na andito si mommy” sagot nong tinawag na John. Tumawag naman si Jacob sa baba para mag order ng dagdag na pagkain. “Honey, why did you left with out telling me?”tanong ng daddy ni Jacob at niyakap si tita pero nakasimangot pa rin. “Tigilan mo ako! Iha tapos ka na kumain? Samahan mo ako sa labas gagala tayo.” Sabi baling sakin ni tita at lahat naman sila napatingin sakin. “Ah eh Opo tita” sagot na nahihiya.di ko malaman ang gagawin kung tatayo ba ako o ano. “Wow, may bisita pala tayo?” Sabi nong John na nakangiti sakin. “Hi,I’m John Andriel Rickman the youngest son and the most handsome” pakilala niya na nakangiti sakin kaya napangiti na rin ako. “Hello,I’m Sharon Po—-Tsk!!! Handsome? Saan banda?” Asik ni Jacob kaya natawa silang lahat malliban samin ni Jacob.tatanggapin ko na sana kamay ni John ng hilahin ako ni Jacob. “Don’t touch her!” Sinamaan niya ng tingin kapatid niya tatawa-tawa. “Oohhh possessive!!! Hahahhahaha.” Pang aasar pa niya sa kuya niya.naka tingin naman silang lahat sakin at nakangiti naman si tita.mayamaya pa may nag doorbell ulit kaya binuksan ni Jacob ang pinto at kasama niya ang staff ng hotel na may tulak na food cart. “Thanks kuya at yong favorite ko pa ang in order mo” sabi ni John ng makita ang sunny side up eggs,hotdogs,daing na bangus at lungganisa.meron din black coffee at fried rice with hiniwang mangga at saging. “Babe sit down ang finish your food” sabi ni Jacob sakin kaya napatingin na naman sila samin.sinunod ko nalang siya at nilagyan nya ako ng hiniwang mangga. “Honey, where’s my food?” Tanong naman ng daddy nila.napaikot naman ng eyeballs si tita. “May sarili kang kamay kumuha ka” sabi niya. “Mom ,dad please. Mamaya na kayo mag loving-loving dahil kumakain pa ako at baka masuka ako sa ka cornihan niyo” sabi ni John na kumakain na. “Yong mommy mo ayaw akong bigyan ng pagkain.di na yata ako mahal kita mo nga at natiis niyang iwan tayo” sumbong naman ni tito kaya napangiti ako sa kanila kasi ang cute nila tiningnan.naramdaman ko naman ang kamay ni Jacob na humawak sa isa kong kamay at pinisil niya ito.Pinisil ko rin pabalik ang kamay niya saka ngumiti ng matamis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD