Chapter 7

1280 Words
Kinabukasan Alas kwatro pa lang gising na ako para tulungan si Nanay mag handa ng lulutuin . “Good Nay,”bati ko sa kanya . “Good morning din anak.ang aga mo naman yatang nagising?” Bating tanong nya sakin. “Tutulong po ako mag luto Nay bago ako baba sa bayan” sagot ko. “Ikaw talagang bata ka,Salamat anak” sagot nya. “Pero kumain muna tayo o mag kape bago tayo kikilos” dagdag nya sabi.nag init ako ng tubig saka ko nilagay sa thermos.nag saing na rin ako at si nanay naman nag hihiwa ng mga rekado.nag prito ako ng itlog,tuyo at nag hiwa narin ng kamatis at sebuyas. “Nay kain na po tayo,ito na po kape nyo.” Sabi ko at nilapag ko ang kape sa harapan nya. “Salamat anak.” Kumain kami ng almusal. Pagkatapos naming kumain nag umpisa na kaming mag luto.inuna ko ang pancit,ginisang ampalaya na may itlog,si nanay naman sa sinigang na baka at iba pang ulam.iksaktong alas sais binuksan ko na ang canteen ni nanay.at nilagay ko na rin ang luto ng ulam pang agahan. “Nay,maligo lang po ako kasi nangangamoy ulam ako.”paalam ko sa kanya. “Sige anak,Salamat sa tulong mo.”sagot ni nanay.lumabas na ako ng tindahan para pumasok sa bahay. Maliit lang itong tindahan ni nanay nasa apat na table lang ang nasa loob pero dinadayo ito dahil masarap ang luto nya.sa may gilid naman pwede ka rin tumambay dahil may upuan na gawa sa kawayan at malaking puno ng mangga at acacia na nag bibigay ng lilim at sariwang hangin. Gawa naman sa cemento at plywood ang bahay ni nanay na dalawang palapag.dalawang kwarto sa taas at isa sa baba. Dating kagawad ng baranggay ang asawa ni nanay pero nabaril daw yon at dahil nga medyo may kaya ang nakabaril imbes na makulong ang nakabaril ayon malaya.dahil wala rin kakayahan si nanay na mag sampa ng kaso kaya ayon areglo ang nanyari at binigyan sila ng pera kaya iyon ang ginamit ni nanay na pang simula ng tindahan. “Ang sarap talaga ng luto nyo nanay Azon” dinig ko sabi ni kuya Waldo.sinilip ko sya kung kasama nya ba si gurang pero himala at mag isa sya. Teka bat ko ba hinahanap si gurang? “Salamat naman at nagustuhan mo ang luto ko.ito na pala ang order mo para kay Jacob”abot ni nanay sa supot na pagkain.inayos ko muna ang iba pang paninda ni nanay at ang punas na rin ng mga gamit.meron din kasing sari-sari store si nanay kaya dito ako tumambay. “Paano nanay Azon mauna na po ako at busy si sir ngayon sa ginagawang bahay.mukhang mag aasawa na sya” balita na paalam ni kuya Waldo. “Siya pala ang naka bili ng lupa nila benjamin?” Tanong ni nanay. “Ay hindi lang po si sir kundi kasama ho yong kaibigan nya pero si sir po ang gumawagawa ng bahay nila at balita ko darating yong kaibigan ni sir kaya minamadali ng matapos” mahabang sabi ni kuya. “Pag mayaman ka nga naman noh? Ang bilis matapos ng bahay.”sabi nalang ni nanay. “Sige po ona na ako, Sharon ona na ako” paaalam ni kuya at tumango lang ako sa kanya.hindi ko alam perp nong narinig ko na mag aasawa na si gurang parang mabigat sa loob ko. “Sharon Anak andito si Jacob asikasuhin mo muna at marami ang bumibili” sabi ni nanay.andito ako sa lababo nag huhugas dahil wala yong taga hugas namin nagka sakit daw ang anak. Tsk ano na naman kaya at andito na naman si gurang.malamang kakain yon!. “Opo Nay andiyan na po” sagot ko na nag punas ng kamay. Nakita ko na naka upo si gurang sa labas doon sa may upoang kawayan.may kasama sya isang lalaki at mukhang mayaman din. “Umm sir magandang tanghali ano pong atin?” Tanong ko ng makalapit sa kanila.tumingin ito sakin pero biglang kumunot ang noo tapos napa tiim bagang na nakatingin sakin. “Pumasok ka sa loob at mag bihis!” Malakas nyang sabi na ikinagulat ko. “Ho? Ah eh bakit naman po?” Tanong ko sa kanya. Narinig ko naman natawa ang katabi nya kaya doon nabaling ang paningin ko at hindi ko nagustuhan ang paghagod ng tingin sakin mula ulo hanggang paa.naka capris short ako,puting t-shirt at naka tsinelas lang naman pero itong kasama nya kung makatingin akala mo naka h***d ako. “Because I said so.! Now go inside or else gusto mo ako pa mag bihis sayo” sabi nya hinawakan na ang braso ko para italikod sa kanila. “Look at your chest i can see it clearly your boobs” bulong nya sakin kaya nanayo ang balahibo ko sa katawan saka ako napatingin sa dindib ko.basa nga ito at jusko parang gusto kung lumubog sa kinatatayuan ko ngayon.bakat kasi ang dibdib ko sa basang tshirt ko.dali dali akong pumasok sa loob para mag bihis.grrrrr!!!! Narinig ko pa ang tawa ng kasama ni gurang.sa edad kong twenty one wala pang nakakita ng katawan ko kaya hiyanh hiya ako. Ayaw ko sana lumabas kung di lang ako tinawag ni nanay dahil nga wala si ate Janice na tutulong sa kanya sa tindahan. Kumakain na sila pag labas ko.hindi na ako lumapit pa dahil nahihiya ako sa kanila. “Anak ibalot mo itong budbud at order yan ni Jacob” sabi ni nanay na tinuro sakin ang kakanin. “Ilan po nito nay?” Tanong ko. “Lahat na daw dahil ipang merienda nya sa tauhan nya” sabi ni nanay kaya nagulat ako dahil marami ito at nasa two hundred din.mayaman pala talaga sya,sakin kasi sobrang laki na ng pera na yon.naalala ko pa nong naka ipon ako ng fifty pesos pero kinuha ni ate Janice kaya grabi iyak ko noon.pag maalala ko yon matatawa nalang ako . Nilagay ko lahat ng budbud sa isang malaking plastic bag. “Ito na po Nay,” sabi ko pero wala si nanay sa gilid ko kaya napalingon ako at nahuli ko naman naka tingin sakin yong kasama ni gurang. Gwapo sana kaya lang mukhang babaero.ngising aso kasi pag nakatingin sakin. Binibit ko na ang supot saka ako lumapit sa kanila. “Sir ito na po yong binili nyo” sabi ko na pinatong ko sa gilid ng lamesa. “Bro,hindi ko alam na may maganda pala dito sa probinsya,mukhang mapapadalas ako dito at masarap pa ang pagkain” sabi nong kasama ni gurang . “Back off Salcido!”sagot ni gurang na naka simangot. “Wow bro !! This is new.hahahhahhaha” sabi nya .nag lakad na ako paalis ng tawagin nya ako. “Miss anong panga—— I said back off” singit ni gurang kaya mas lalong natawa yong kasama nya. Napa iling nalang ako dahil madilim ang mukha ni gurang na nakatingin sa kasama nya na tinawag nyang Salcido. “Anak kumain na tayo dahil nagugutom na ako.mag ala ona na pala” bungad ni nanay pag balik ko sa loob. “Sige po nay mag sandok lang ako ng pagkain natin”sabi ko. “Sige doon nalang tayo sa may labas kakain.mainit dito sa loob ng tindahan” sabi nya kaya tumango nalang ako. Dalawang ulam nalang natira yong paksiw na bangus at sinabawang bisugo na may talbos ng kamote kaya yon nalang din ang ulam namin.pero parang ayaw ko doon kami kakain sa labas dahil ayaw kong makita si gurang .kaya nag dahilan nalang ako kay nanay na dito nalang kami sa loob kumain at pumayag naman sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD