Chapter 8

1277 Words
Arnel calling…hello? “Bro labas tayo,may bagong bukas sa may timog” bungad nya sakin,. “Naku bro im busy right now at out of town ako” sagot ko. “Where? Bro,sometimes we need to relax” “Dumaguite city” tipid kong sagot. “Wow,umm where is that?” Tanong nya tsk akala ko pa naman alam nya. “Somewhere in visayas bro” sagot ko. “Ah okay,anyway that’s why I called because im going to Iloilo the next day.just want to have some drinks before I go” sabi nya. “Hmmmm how about you come see me here?from Iloilo to Dumaguite”suggestion ko. “Ok I’ll check my schedule,I’ll let you know” sabi nya kaya napatango ako. “Sounds good,” “Yeah bye bro” “Bye” binaba ko na tawag.busy ako ngayon dahil pina pa rush ni Aiden ang bahay nya.binili namin itong lupa para tayu an ng apartment at ang target namin ay yong may maliit na kita na hindi afford bumili ng bahay pero afford mag renta sa mababang halaga. Noon pa man gusto ko na talagang tumulong sa mga kapos palad dahil sabi ni sister kaya daw maraming bata sa ampunan dahil di sila kayang buhayin ng magulang nila at yong iba naman nasa kalye walang bahay kaya kinuha nila at dinala sa ampuna. Bumili na rin ako ng lupa dito dahil gusto ko ang lugar na to sobrang peaceful at nakakarelax.sinama ako ang mga tauhan ko galing manila pero kumuha din ako ng mga taga rito . “Sir andito na po yong materyales” pasok ni waldo sa dito maliit kung space.kasama na ang kama sofa at working table ko. Welll sanay naman ako dahil kahit may pera sila mommy at daddy hindi naman ako maluho. “Sige lalabas na ako” tumayo na ako para tingnan ang materials na diniliver ng Salcido supplies. “Good afternoon engineer Rickman” bati sakin ng nag delivered. “Paki sign nalang po ako ng order slip” sabi nya kaya pinirmahan ko na. “Thanks, Waldo paki sabi nalang sa kanila kung saan ilagay ang mga yan at make sure na yong cemento may takip para di mabasa ng ulan” baling ko kay waldo. “Opo sir” sagot nya “Alis muna ako,akin na susi” sabi ko pero parang ayaw nya ibigay, “akin na” ulit ko kaya napilitan sua ibigay. “Pero sir dapat kasama ako, ako mag drive ibilin ko nalang sa kanila yong inutos nyo sakin.” Sabi nya pero umiling ako. “Nope, you stay here and keep an eye on them.diyan lang ako sa canteen ni nanay Azon” sabi ko nalang. “Aw ok po,ingat po kayo.” Sabi nya at nag drive na ako paalis . Malapit na ako sa tindahan ng may nadaanan akong dalawang tao nag uusap.nasa gilid sila ng kalsada at nag tatawanan. . . “Ohh Ronald paano ba yan ona na ako Salamat ulit sa libring sakay” sabi ko sa kanya. Weekend na naman kasi at umuwi ako. “Naku walang anuman basta ikaw”sagot nya. At pina andar na nya ang tricycle.kumaway ako ng may malakas na busina sa likuran ko.napatalon pa ako sa gulat.pag lingon ko walang iba kundi si gurang pala ang nag busina kaya gumilid pa ako para naman maka daan sya pero ang bwisit huminto pa talaga sa tapat ko. “Sino yong kausap mo?” Tanong nya na nakasimangot. “Bakit tatay ba kita?” Pilusopo kong sagot. “Tsk!! Tanghaling tapat nasa gitna ka ng daan nakikipag huntahan” bulong nya “Anong sabi mo?” Tanong ko.pero umusad lang sya ng kaunti para mag park sa gilid ng kalsada. Lumakad na rin ako papasok dahil ayaw ko sya makita. “Nayy andito na po ako” sabi ko sa kanya sabay yakap mula sa likuran nya. “Ay kabayo ka! Ano ba naman bata to nangugulat!” Sabi nya na hinampas ako sa braso. “Aray po nanay! Mano po” kunwari kong nasaktan sa hampas nya. Sumimangot naman si ate Janice ng makita ang harutan namin ni nanay.kahit kailan talaga selusa to. “Mano po ate Janice” biro kung sabi sabay abot sa kamay nya kaya natawa si nanay. “Tigilan mo ako di pa ako matanda!” Irap nyang sabi kaya mas lalo akong napangiti. “Na miss po kita ate ko” sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.nakita ko si nanay na nakangiting nakatingin samin. “Huwag mo akong bulahin. Pumasok ka na doon para maligo amoy araw ka” pabirong sabi nya sabay mahinang tulak sakin. “Ay grabi sya naligo kaya ako bago pumunta dito” sabi ko na nakanguso. “Hello po nanay Azon,may ulam pa po kayo?” Biglang singit ng nasa labas ng pintuan. “Ohh ikaw pala engineer pasok ka” sabat ni ate Janice.tumayo pa talaga sya at inayos ang lamesa kaya napa taas ako ng kilay. “Gulay at pritong isda nalang ito natira anak”sabi ni nanay sa kanya. “Sige Nay Azon bigyan nyo po ako ng gulay at isda.” Sagot nya kaya nag sandok naman si ate para sa kanya. Kumuha ako ng tubig sa ref para uminum dahil nauhaw ako bigla. Mag babayad na sana sya ng kinain nya ng tinanggihan ni nanay. “Naku !wag na anak at wala din akong panukli nyan.at saka pang ulam lang yon namin”sabi ni nanay, “Sige na nanay pang dagdag nyo sa puhunan nyo.” Pilit nya kaya wala ng nagawa si nanay kundi kunin ang pera na binigay nya. “Salamat, hwag ka muna umalis at mag luluto ako ng merienda. Sharon anak tulungan mo ako ha?” Sabi ni nanay sakin kaya tumango lang ako. Pumasok ako ng bahay para mag bihis ng komportabling damit.short na hanggang tuhod at hapit na sleeveless dahil mainit ang panahon.kahit morena ako pero di naman patatalo ang hugis ng katawan ko. Oh ha 34-26-36 yata to kaya confident naman ako mag suot minsan ng maayos na damit pero pag andito ako mas gusto ko yong madali akong makakilos. “Anak ito dalhin mo na sa may duyan andoon si Jacob” sabi ni nanay ng luto na ang bananaque. “Ah eh akala ko po umalis na sya” sabi ko. “Nasa labas siya .sige na isama mo na rin itong juice.” Utos ni nanay kaya wala na akong nagawa kundi dalhin sa kanyan bwisita.nakita ko na may kausap sya sa cellphone nya kaya binaba ko nalang sa upuan ang dala ko. “Ok sige . Yeah yeah bye” dinig kong sabi nya ng makita nya ako na nilapag sa upuan ang dala ko. “Umm pinabibigay po ni nanay” sabi ko “Thank you babe” sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay sa huling sinabi nya pero ang walang hiya kumindat pa. “Hindi beb ang pangalan ko.” Sabi ko sa kanya.natawa naman sya sa sinabi ko.alam ko ang ibig nyang sabihin pero ayaw ko lang sya bigyan ng idea na porket gwapo sya kaya nya akong bulahin. “I know,but I like to call you my babe” sabi nya na kumindat ulit kaya inirapan ko na sya at tumalikod. “Iwan ko sayo diyan ka na nga”sabi ko. “Wait di mo ba ako saluhan?” Sabi nya na hinagod ako ng tingin mula ulo hangga paa.kinilabutan tuloy ako sa ginawa nyang pag titig sakin.napalunok ako ng wala sa oras at mabilis na umalis sa harapan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD