“Anak dito ka ba mag dinner mamaya?” Si mommy.ang kaisa isang babae sa buhay ko.
“I will try mey,dami ko gawin ngayon.”sagot habang kumakain ng almusal ko.
Ako si Jacob Rickman.ampon lang ako pero minahal nila ako na parang kadugo.may kapatid ako si John na ngayon nasa college.si daddy ay isang Pilot sa isang airlines at si mommy naman teacher sya noon sa thailand.doon sila nagka kilala ni daddy at nauwi nga sa kasalan.matagal sila di nagka anak kaya nag punta sila noon sa ampunan para tumulong sa mga bata.
“Mga bata? May mga bisita tayo kaya magpakabait kayo!” Sabi ni sister Remedios.kaya lahat ng bata nakinig at tahimik.maya maya pa pumasok na ang dalawang tao.pareho silang nakangiti at binati sila ng mga bata ng sabay sabay. May dala silang mga boxes at pinag linya lahat ng bata para binigyan ng laruan,damit,sapatos at pagkain.masaya ang lahat kasi bihira lang sila makatanggap o magkaroon ng panauhin na may dalang ganito para sa kanila.madalas kasi ay puro pagkain at damit lang pero wala naman nag reklamo at least may makain sa tatlong beses sa isang araw.nakita ng ginang ang isang batang lalaki na bagaman payat ito ay makikita na napaka gwapo.mukhang may dugong banyaga ang bata na kahit luma ang suot ay lutang ang kaibahan sa ibang bata.nilapitan ito ng ginang.
“Hello? Do you like the toy that i gave you?” Tanong ng ginang sa bata pero tumingin lang ang bata sa kanya.
“Pasinsya po hindi ko po kayo maintindihan” sagot ng bata kaya natawa ang ang ginang.
“Ay Oo nga pala, nagustuhan mo ba ang laruan na bigay ko?” Tanong ng ginang
“Opo! Salamat po ng marami kasi nagkaroon po ako ng truck truckan.”sagot ng bata habang hawak ang laruan.
“Ilang taon ka na? Ang ganda mong bata” saad ng ginang.
“Hindi po ako maganda kundi gwapo po ako. Sabi ni sister five na daw po ako”sagot namna ng bata kaya lalo natuwa ang ginang sa kanya. Maya maya pa lumapit ang asawa nito.
“Hon, he is cute right?” Tanong ng ginang at tumango naman ang asawa nito. “Hon do you mind if we adopt him?” Nakiusap ang ginang sa asawa.alam ng asawa na matagal na nila gusto magka anak pero tatlong taon na silang kasal wala parin.
“I’ll talk to sister Remedios about this honey” sagot ng asawa.
Makalipas nga ang ilang buwan nakuha nila ang adoption paper at walang inaksaya ng oras ang mag asawa. Para din blessings in disguise si Jacob sa buhay nila dahil pagkaraan ng dalawang buwan nag buntis ang ginang kaya mas lalo silang naging masaya. Pinaramdam nila sa bata na parang tunay na anak.
“Baka masyado mo namang pinapagod ang sarili mo.” Sabi ni mommy kaya napatingin ako sa kanya.tumayo ako at hinalikan sya sa noo.
“Mey ok na ok po ako oh?” Sabi ko na nag flex pa ng muscles ko.
“Ay naku ayan ka na naman dyan sa pa muscles mo eh wala namang laman.”Sabi ni mommy kaya napa simangot ako.
“Sinabi mo pa mommy at ang pangit pa” singit ng kapatid ko kaya tiningnan ko ito ng masama.
“Tsk!! Nag salita ang pangit din” sagot ko at pareho silang natawa ni mommy.
“At least ako may cru- ah mommy ona na po ako” sabi nya hahahhaha muntik na nyang masabi na may crush sya.
“Okay sige mag ingat ka.sabihin mo kay mando na mag dahan dahan sa pag drive” bilin ni mommy kaya ako tumayo na rin para umalis.
“Mey I have to go na baka uusok na naman ilong ni dad dahil late ako.” Paalam ko pero natawa lang si mommy at may inabot sakin.
“Ito i abot mo sa daddy mo para di ka pagalitan” sabi ni mommy yong lunch ni dad pala yon.
“Okay mey the best ka talaga!” Sabi ko sabay yakap.
“Sige na, namnola ka pa”taboy ni mommy sakin.
Sabi nila masarap daw ako kasama dahil masayahin akong tao pero di nila alam deep inside malungkot ako dahil hanggang ngayon di ko pa rin kilala o alam kung sino ba talaga ako. Bakit ako iniwan ng magulang ko sa simbahan. Pero nagpapa Salamat parin ako dahil mabait sila mommy at daddy sakin kahit di nila ako kadugo.kaya lahat ng gusto nila sinusunod ko pati ang pag aaral ng business management dahil yon ang gusto ni daddy pero ang talagang gusto ko ang gumawa ng building. Kaya nga lihim akong nag aaral ng engineer kahit tapos na ako sa business management.kunti nalang at matapos na ako.
“Jacob what’s this?”hinagis ni dad sakin ang envelope.may pangalan ko at may pangalan ng school na pinapasukan ko.dinampot ko ito at tiningnan sya ng malungkot.
“Dad i can explain please? I know I already finish the business management but I want to try different things.like to build something,like building or houses.”explain ko sa kanya.
“Why you didn’t tell me if this is what you want?”tanong nya na seryuso ang mukha.
“Because I don’t want to disappoint you dad” sagot ko na malungkot.
“Still you lied,do you really think that I am that selfish?” Sabi nya sa malungkot na tinig.
“No dad please I never think of you like that. I owe you my life and in return I don’t want to disappoint you.” Sagot ko na lumapit sa kanya .
“Jacob you are my son and I will support you whatever you like.but you never mention anything about it when I told you to manage our company” sabi nya kaya tumahimik ako.
“I’m so sorry dad” sagot ko na malungkot at naka yuko,sa edad kong 21 tumutulong na ako kay dad sa company namin.
“I will send you abroad,you can finish your study there and come back here.” Sabi nya kaya halos nabingi ako,di ako nakakibo agad.
“But dad, I don’t want to leave you guy’s here,” sagot ko ng matauhan.
“Finish it then come back here son. Only two years left right? So , I will send you to Boston and I will talk to my friend there.let you stay in his apartment” sabi ni dad kaya tumango nalang ako.
Araw ng alis ko umiiyak si mommy kasi daw paano ako doon mag isa lang. Pero inasure naman sya ni daddy na maging ok lang ako.madami pa syang bilin sakin.
“Mey tahan na po,malaki na kaya tong anak mo at gwapo pa” biro ko sabay punas ng luha nya.
“Anak kung nilalamig ka doon wag ka mag tagal sa labas ha? Mag suot ka ng makapal na medyas at jacket” bilin pa nito kaya natawa ang kapatid ko.
“Mommy naman ginawa mong 2yrs old si kuya eh gurang na yan 23 na .hahahha” pinandilatan nman sya ni mommy kaya natawa ako sa kanya.
“Kahit isa sa inyo malayo sakin mag alala parin ako dahil kahit tumanda man kayo manatili kayong baby ko” sermon ni mommy kaya napakamot nalang sa batok kapatid ko.
“Sige na mey pasok na po ako sa loob baka maiwan ako ng eroplano” paalam ko ulit . Niyakap ko sila ng mahigpit at ganon din si daddy.malungkot ako dahil first time ko malayo sa kanila at sa ibang bansa pa.pero gagalingan ko talaga para maging proud sila sakin. Bye for now Philippines.and Lord please guide me so i can make my parents proud.