Chapter 3

1203 Words
“Congrats anak, graduate kana sa high school” bati ni nanay sakin. Niyakap ko sya dahil naiiyak ako. “Maraming salamat po nanay” umiyak kung sabi na yakap pa rin sya. “Oh naku bata ka bakit ka umiiyak? Masisira ang make up mo sayang naman ang pag aayos sayo ni betty” saway ni nanay sakin. Sa wakas naka graduate din ako. “Nanay sobrang thankful po ako na kinumkop nyo po ako kahit di nyo ako kaanu-ano” garalgal ang boses kong sabi sa kanya. Pinunasan nya luha ko at ngumiti. “Basta lagi mo tandaan na mahal ka ni nanay ha” sabi nya . Mayamaya pa narinig ko na tinawag na ang mga estudyante para mag linya.kasabay ko nga pala nag graduate si ate Janice.kasama ko si nanay pag akyat sa stage sya kasi mag sabit ng medalya ko 2nd honor.pag baba namin nakita ko na nakasimangot si ate Janice. “Pa bida” bulong bulong nya pero dinig na dinig ko at nadinig din sya ni nanay. “Ayan kasi kung nag aral ka rin mabuti di sana meron ka rin.” Sermon ni nanay pero inawat ko na kasi baka kung saan pa mapunta. Pag uwi namin tuwang tuwa ako dahil kasama sila ate betty nag handa sila ng pagkain para samin. “Congrats nening sasaaaa!” Bati nya sakin sabay yakap. Natawa ako sa tili nya paano kasi pinipilit nya mag tunog babae. Opo beke si ate hehehe roberto ang totoo nyang pangalan pero Betty sa gabi daw kaya natawa nalang ako pag ayaw nya tawagin ko syang kuya. “Salamat ate Betty” tipid kong sabi.si ate Betty ang isa sa mga takbuhan ko pag may problema ako.hindi ko kasi nasasabi kay nanay lahat dahil ayaw ko mag alala sya sakin.5years ang tanda ni ate Betty sakin at nag t-trabaho sya sa isang parlor dito samin. “Oh hali na kayo kainan naaaaa..!” Sigaw ng isa pang kasama ni ate na si ateh lala. “Nanay,ito po para sayo,” sabi ko sabay abot kay nanay ang medalya ko kaya nagulat silang lahat. “Naku anak Salamat. Yon ay dahil masipag kang mag aral.di kagaya ng iba dyan naka abot ng ilang taon sa high school” pasalamat na sagot ni nanay sakin. Ngumiti nalang ako. “Tsk ! Pabida talaga!” Dabog na sabi ni ate Janice pero di ko nalang sya pinansin. “Kain na po tayo mukhang masarap ang luto ni ate Betty”masigla kung sabi sa kanila para mawala ang pagka ilang.kaya nagsi kuha na rin sila ng pagkain at may videoke pa sila kinuha kaya ang saya lang . “Nay,magpapaalam sana ako sa inyo” umpisa kong sabi kay nanay. “Oh ano ba yan?” Tanong nya. “Pupunta po sana akong Manila” sabi ko sa kanya kaya napahinto sya sa pag hahalo ng pancit sa kawali. “Ha? Eh anong naman gagawin mo doon?” Tanong nya at parang malungkot. “Mag apply po sana ako ng trabaho para makapag ipon ako kasi gusto ko po mag aral ng kolehiyo” sabi ko sa kanya. “Haaay ,pasensya ka na anak ha? Gustuhin ko man pag aralin ka pero di ko na kaya.pero natatakot ako para sayo kung pupunta ka ng manila.ang layo non anak!” Malungkot nyang sabi. “Mag iingat po ako doon nay.kasama ko naman po yong kakilala ni ate Betty” sabi ko sa kany. “Haay naku wala akong tiwala dyan sa kakilala ni Betty.anak dito ka nalang mag hanap ng trabaho kung yan ang gusto mo”sabi nya kaya medyo nalungkot ako. “Malayo ang Manila anak at natatakot ako para sayo.babae ka pa naman” dagdag nyang sabi kaya mas lalo akong nanlumo. “Sige po nay,try ko po mag hanap ng trabaho sa bayan at tutulong pa rin po ako dito sa tindahan nyo” sabi ko nalang saka ngumiti ng tipid sa kanya. Yon nga ang nangyari nag hanap ako ng mapapasukan sa bayan at sa awa bg dios meron naman sa isang tindahan ng mga damit. Mabait naman ang may ari ng tindahan at yong dalawang kasama ko minsan isinasabay na nila ako sa tricycle nila pauwi kaya nakaka libre ako sa pasahe. “Sharon tawag ka ni at meling sa loob” sabi ng kasama ko. “Ha bakit daw?” Patanong ko sagot, “Abay malay ko,puntahan mo na ng malaman mo”pabalang nyang sagot at mukhang mainit ang ulo kaya pumasok na ako sa loob. “Ate meling tawag nyo daw po ako?” Tanong ko sa kanya kaya napatigil sya sa pag susulat. “Upo ka muna tapusin ko lang to” sabi nya kaya umupo ako.mayamaya natapos din sya. “Umm isang taon ka na pala nag t-trabaho dito sakin.” Simula nya.at ngayon ko lang din naalala na tumagal din ako sa kanila. “Upo ate,”Tipid kung sagot. “Umm sharon,aalis na kasi ako.dumating na ang visa na kinuha ng anak ko sa America” sabi nya kaya nag taka ako. “Ok po ,” yon lang nasabi ko kasi wala namna akong alam. “Sharon,aalis ako papuntang america kaya ikaw ang gagawin kung mag manage nitong tindahan”sabi nya kaya nagulat ako. “Po? Ah eh baka di ko po kaya yon ate” alanganin kung sabi. “Kaya mo at nakita ko naman na masipag ka at matalino.kapalit ng position na to ay sagutin ko ang pag aaral mo sa college. Ikaw ang pipili ng schedule o kurso mo” sabi nya kaya bigla nalang parang umilaw ang mata ko sa narinig. “Pero kaya lang ate nakakahiya naman sa mga kasama ko mas matagal sila dito kaysa sakin” sabi ko kasi baka ano isipin nila sakin. “Huwag kang mag alala nakausap ko na sila.pumasok nga kayo dalawa! Gena at malou” tawag ni ate kaya nagulat ako na pumasok sila ate malou at ate Gena “Mag tulungan kayong tatlo dito ha?.ikaw malou dahil ikaw ang nakakatanda. Pag may pasok sa school si Sharon ikaw ang bahala dito.at ikaw naman Gena mag tulong tulong kayo.” Sabi nya aa amin at tumango naman sila. “Salamat po ate meling sa scholarship ng anak namin” magka sabay na sabi nila ate malou at ate Gena. “Basta mag tulong tulong kayo at tatawag din naman ako sa inyo palagi. Gusto sana ng anak ko na isara na itong tindahan pero iniisip ko kayo,mahirap mag hanap ng trabaho ngayon” mahabang sabi ni ate meling kaya napatango nalamg kami.oo nga naman pag mag sara itong tindahan saan naman ako hahanap ng panibagong trabaho eh ang tinatanggap lang sa iba ay yong mga nakatapos ng college. Makalipas nga ang dalawang buwan lumipad pa America si ate Meling.ako naman nakapag enroll na sa kursong gusto ko.7am to 2pm lang ang klase ko kaya may time pa ako sa tindahan.at dahil nga wala na si ate meling dito na rin ako natutulog sa taas ng tindahan at pinayagan naman ako ni nanay na dito nalang matulog para di ako mahirapan at tuwing weekend nalang ako dadalaw sa kanya doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD