Chapter 4

1304 Words
Two years passed, “Ate malou, na deliver na ba yong order satin na mga t-shirt?” Tanong ko kay ate malou. May nag order kasi na 200 pieces para yata sa pamasko. Mag papasko na rin at busy kami ngayon sa tindahan.tuwang tuwa si ate meling dahil simula ng kami ang humawak ng tindahan tumaas ang sales.sabi pa nila ate malou at ate gena swerti daw ako sa negosyo. “Oo kanina umaga! At sinabihan ko na pala yong supplier natin na dapat bukas andito na yong mga goods” sagot ni ate malou. “Ok po ate Salamat” Friday ngayon at bukas uuwi ako ng bahay. Kasi close naman kami pag sunday. Kinabukasan maaga akong nagising. Hindi na nga ako nag almusal dahil doon nalang ako kakain sa bahay.si ate Gena ang mag bukas ngayon at nag iwan nalang ako ng pera pang lunch nila ate malou.ilang minuto na ako dito nag hihintay ng jeep pero wala pa rin kaya ng may bus na dumaan pinara ko na at bumaba sa may paradahan ng tricycle papasok sa baryo namin.ang mga kinabubuhay naman ng mga tao dito ay pagsasaka ng palay at tubó kaya yong madadaana ko ay tubohan at palayan.masarap at sariwa ang hangin na malalanghap mo. “Inday sakay ka?” Tanong ng driver. “Oo manong, sa may canteen ni Nanay Azon” sagot ko. “Sasa ikaw na?” Mula sa likuran ko boses ng kababata ko na si ronald. “Oh hi ronald Kumusta?”bati ko sa kanya.nakangiti sya sakin kaya napangiti na rin ako. “Ito gwapo pa rin hahhahah.” Biro nya kaya natawa kami pareho. “Kahit kailan talaga mayabang ka pa rin” pabiro kung sabi. “Aba’y siempre wala naman kasi ibang magsasabi na gwapo ako kaya sarili ko nalang” sabi nya kaya pati yong mga tricycle driver natawa din sa sinabi nya. “Buang ka talaga,pauwi ka na din?” Tanong ko. “Ah hindi, namamasada na ako ngayon ng tricycle,alam mo na para may pagkakakitaan” sagot nya at tinuro ang naka park na tricycle. “Ay wow ,asensado ka na pala!” Biro ko sabay tapik sa balikat nya. “Ahh hindi naman, yong kasi amo ni tatay mabait at binigyan kami ng tricycle kaya ito ginamit ko na para makatu—- ay ginoo” sabay namin sigaw ng may bigla nalang tubig na sumabog samin at ganon nalang ang inis ko na hindi tubig kundi putik ang tumalsik samin kaya yong puti kong t-shirt ay ang dumi na .meron pa sa mukha namin tumalsik na putik kaya naiinis akong napatingin sa gumawa noon pero nakita ko isang black everest suv ang dumaan kaya sa sobrang inis ko kumuha ako ng bato at binato ko ang sasakyan. Ayon sapol natamaan ko ang side mirror. Huminto ito at may taong lumabas.naka unifor na pang driver at lumapit samin. “Bakit kayo nang babato?indi nyo ba alam na ang mahal ng sasakayan na yan?” Sabi nya na galit. Eh dahil galit din ako kaya di ako magpapatalo. “Hoy kuya!! Hindi mo ba nakikita ang itsura namin? Ikaw ang may gawa nito bwisit ka!” Galit kong sabi. Napakamot naman ito sa ulo. “Pero bakit ka nangbabato? Ayon oh basag yong side mirror ko” sabi nya at dinuro na ako.kaya dinuro ko rin sya. “Hoy kuya hwag mo akong maduro-duro ha! Baka gusto mo ipabugbog kita sa mga kasama ko.panakot kong sabi sa kanya pero makapal talaga ang mukha at sya pa ang galit. “Bayaran mo ang nasira mo” galit nyang sabi. “Abay bayaran mo rin kami sa perwisyong ginawa mo.may lakad pa naman ako tapos ganito maging itsura ko?” Galit kung sagot sa kanya tahimik naman si ronald sa tabi ko. “Waldo matagal pa yan?nagmamadali ako!” Boses ng lalaki sa loob ng kotse kaya kinatok ko ito. “Hoy lumabas ka dyan!” Sigaw ko. Bumukas ang bintana at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang mukha ng tao. Familyar sakin ang mukha nya medyo nag matured nga lang.kaya natulala ako. “Yes miss may sasabihin ka? Alam ko na gwapo ako kaya laway mo oh” sabi nya na tunog mayabang at mukhang natatawa sya sa itsura ko na puno ng putik ang mukha. “Ikaw gwapo? Saan banda?” Bara kong sagot sa kanya. At mukhang natigilan sya sa sinabi ko. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko kaya sinimangutan ko sya. “Tsk!! Anong kailangan mo sakin?” Tanong nya at bumaba na ito ng sasakyan. “Sir sya po yong bumato sa kotse” sumbong ng driver. “Hoy kuya kung hindi ka ba kaskasiro mag drive di sana di ka naka perwisyo!” Sabat ko.binigyan ako ng towel ni ronald para ipunas sa mukha ko.nakita ko pa na nagpipigil ng tawa yong amo ng driver dahil siguro sa itsura ko.kinuha ko ang bb wipes sa bag ko at nag punas na rin ng mukha para matanggal ang amoy.bwisit talaga oh. “Tara na waldo” aya nya sa driver nya at nag kamot pa sa ulo ang driver na waldo ang ngalan. “Pero sir nabasag nya ang salamin.dapat na bayaran nya” sagot ng driver. “No need, mukhang walang pang bayad yan sakin kaya let’s go” sabi nya sa driver kaya nainis ako . “Hoy mr! Hindi porket di kotse ka eh matahin mo na kami! Ang yabang mo baka nga hiniram mo lang yang kotse!” Sabi ko na naiinis sa pag mumukha nya na nakangisi. Nag mukha tuloy syang playboy sa paningin ko. “Tsk!. I don’t have time for this. You can pay me when times comes.” Sabi nya na nakatitig sa mukha ko sabay ngisi at tiningnan ako mula ulo hangga paa.kinilabutan ako sa titig nya. “Bastos!! Tusukin ko yang mata mo!” Sigaw ko sa kanya. Dahil nakita ko pa na napalunok sya tumingin sa dibdib ko. “Tsk!! Ang tapang mo naman!pero malalaman natin yang tapang mo.halika ka na waldo at nag mamadali ako” aya nya sa driver. “Go to hell!!! Bwisit ka!” Sigaw ko sa paalis na lalaki. At umalis na sila. “Sasa sumakay ka na at ako nalang ang mag hahatid sayo para makaligo na rin ako.” Sabi ni ronald kaya sumakay na ako sa tricycle nya. “Salamat ronald sa libreng sakay.kita nalang tayo mamaya,”pa Salamat kong sabi at bumaba na. “Walang anuman sige alis na ako”paalam nya.nakita ko may mga tao na bumibili ng pagkain sa tindahan ni nanay . “Hello nanay andito na po ako” sigaw ko sabi sa kanya at napalingon naman sya sakin. Nag mano ako pero nagulat sya sa itsura ko puno ng putik ang damit. “Anong nangyari sayo? Bat ganyan itsura mo?” Tanong nya at nakita ko pa si ate Janice na nakatawa .medyo ok na kami pero minsan masungit pa rin sya sakin. Katu-katulong na sya ni nanay dito sa tindahan. “Ah may bwisit lang po na kaskasirong driver na dumaan sa tinatayuan ko para mag hintay ng masakyan.” Sabi ko at doon na natawa si ate. “Hahahhahhaha mukha kang ati-atihan” halakhak nyang sabi kaya napatawa na rin si nanay.kaya napasimangot ako sa kanya. “At leas maganda parin” ganti kong biro sa kanila. “Sige na tama na yan at baka magka pikunan pa kayo nyan.maligo ka na doon.”saway na utos ni nanay.kaya naligo na ako para makakain na dahil tomguts na ako. “Sasa anak ito dalhin mo sa mesa doon sa labas.” Utos ni nanay sakin sabay turo ng ulam na may kanin. Kare-kare, pritong tilapia,sinigang na bangus,menudo at tatlong takal ng kanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD