“Lahat na po ba ito nay?” Tanong ko kay nanay.
“Oo isunod ko nalang yong inumin nila.” Sagot nya kaya binuhat ko na ang tray. Nakita ko na may dalawang tao naka upo sa mesa at ganon nalang ang gulat ko.ang mga walang hiya andito. Pero dahil costumer sila kaya pinigilan ko ang sarili ko.nilapag ko ang tray sa mesa at inisa isang ibabab ang pagkain.tahimik lang sila at mukhang busy sa cellphone.
“Pagkain nyo po mga sir.” Sabi ko pero nag uusok na ang ilong ko sa inis.
“Salamat paki lapag nalang” sagot nong amo. Nasa cellphone ang mata nya. Tiningnan ko naman ng masama ang driver.napakunot sya ng noo sakin malamang di nya ako nakilala dahil malinis na ang mukha ko.
“Yong soft drinks at water namin miss?” Tanong nya pero di ako sumagot dahil nakita ko si nanay na palapit samin.
“Ito na ang inumin nyo Engineer,Salamat naman at nadalaw kayo ulit dito” kausap ni nanay sa lalaki.
“Nay Azon, Jacob nalag po.hindi ako sanay na may tumatawag sakin na engineer” sabi nya kay nanay. tsk! Pa humble pa di naman bagay.tsee!.biblical ang pangalan pero masama naman ang ugali.bigla naman napatingin sila sakin. Naku patay nasabi ko yata ang nasa utak ko lang dapat.
“Mag kakilala kayo?” Tanong ni nanay.
“Hindi! Nope!” Sabay pa namin sagot .
“Engi—- ah Jacob,ito nga pala bunso ko anak si Sharon.” Pakilala ni nanay sakin. Napangiwi tuloy ako dahil ngayon titig na titig na sakin yong Jacob at napangisi sya pagkatapos.kinilabutan tuloy ako.
“Hmmmm nice meeting you,again sharon!” Sabi nya kaya wala na nakilala nya na ako.
“Likewise sir” may diin kong sabi sa kanya. “ excuse me” sabay alis ko sa mesa. So ibig sabihin magka kilala sila ni nanay? Patay baka singilin ako non sa nabasag kong salamin nya. Jusko ayaw ko pa naman bawasan ang ipon ko.mukhang mamahalin yong kotse na yon.tiyak na ubos ang pera ko.
Jacob pov
Hmmmm, so Sharon pala ang pangalan ng babae bumasag sa salamin ng kotse ko. Maamo ang mukha pati mata nya parang nangungusap.morena at makurba ang katawan.hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil imbes na magalit ako dahil nabasag nya ang favorite kung kotse eh natawa pa ako sa kanya. Parang matagal ko na syang kilala.at yong mga mata nya familiar sakin parang nakita ko na sya noon pero di ko lang alam kung saan. Pero imposible naman dahil first time ko naman nag punta dito.
“Sir anong oras po tayo babalik sa bayan?” Tanong ni waldo.
“Baka sa barracks nalang ako mag stay”sagot ko.
“Sige po at sabihan ko na lang sila arnel na ayusin ang higaan ninyo.” Sabi nya, kaya tumango lang ako. Hindi ko lang basta driver si waldo kundi bodyguard ko rin sya at maasahan sya sa mga bagay bagay.tapos na kami kumain pero hindi ko na nakita lumabas si sharon kaya pakiramdam ko nanghihina ako.
“Tawagan mo si mr ching na dapat ma-deliver na ang mga materyales.at tawagan mo na rin si airene.sabihin mo e email nya sakin lahat ng kailangan kong documents”bilin ko kay waldo.
“Ok po sir,” lumayo sya sa lamesa at tinawagan ang nga inutos ko sa kanya. Masarap sa lugar nato dahil presko ang hangin at tahimik.ibang iba sa magulo at maingay na lugar sa manila.tumayo ako at pumunta sa may ilalim ng puno.meron duyan doon na gawa sa kawayan.tiningnan ko muna kung matibay at mukha namang matibay kaya umupo ako .hmmmm ang sarap ng hangin at di ko namalayan nakatulog ako.
.
.
“Ate tikman mo nga iyong ginawa kong binignit?”pakiusap ko kay ate Janice.tahimik naman sya kumain.
“Ummm pwede na rin, mas masarap yong gawa ko kaysa sayo” sabi nya na naka nguso.
“Ate hindi po naman ako nakikipag kumpetensya sayo.gusto ko lang matuto mag luto” sabi ko sa kanya. “Feeling nito eh aagawan ko ng costumer”.
“Iwan ko sayo. Patikim mo kay mama” utos nya sakin at nag dala ako ng isang mangkok.
“Nay, tikman nyo nga po itong gawa ko kung ok na” sabi ko sabay abot ng mangkok.
“Aba! Masarap anak.anong nilagay mo dito at mas masarap pa ito kaysa gawa ko?” Sabi ni mama pero di ako naniwala dahil baka binubola lang ako ni nanay.
“Si nanay naman nang bola pa, sabihin nyo nalang po ang totoo para sa susunod gagalingan ko pa po” sabi ko kay nanay.
“Naku bata ka. Totoo nga na masarap.”pilit pa ni nanay.
“Eh sabi kasi ni ate Janice hindi daw po” malungkot kong sabi.
“Hayaan mo yang ate mo at inggit lang yan” bulong ni nanay sakin.
“Sinong inggit?” Biglang sabat ni ate sa likuran ko.
“Masarap nga kasi tong gawa ni Lani”sabi ni nanay.
“Tsk! Tsamba lang yan sa timpla” ismid na sabi ni ate pero di ko nalang pinansin. Lumabas ako ng kusina at nag punta sa likuran.malapit na ako sa may duyan ng may napansin akong tao.
Oo tao at parang tulog.lumapit pa ako para malaman kung sino ang natutulog.hmmmm bakit kaya dito ito natulog eh wala ba syang bahay?tinitigan ko ang mukha nya. Makapal na kilay, matangos na ilong, manipis na labi at makinis na balat.sa madaling salita gwapo sya pero mayabang nga lang.ano ba yan na inggit pa tuloy ako sa kutis nya .di kagaya ng balat ko na parang balat ng kalabaw hehheheh.
Madalas kong marinig sa mga tao na ( maganda ka sana maitim ka lang!) eh ano gagawin ko di naman kasi ako mistesa.pero kahit ganito ang kulay ng balat ko makinis naman at wala akong pimple sa mukha. Meron nga lang akong malaking piklat sa hita ko dahil muntik na akong mawalan ng paa noon. Buti nalang mabait yong tumulong sakin noon dahil sinagot nya lahat ng gamot ko sa hospital at May therapy pa pagka labas ko.noong gumaling ako sa therapy gusto ko sana pasalamatan ang tumulong sakin pero sabi naka uwi na daw ng Manila hanggang sa dinala ako nila tito dito sa negros dahil taga rito ang asawa nya yon nga lang inapi api ako nila at pinalayas.
“Uuohhhmmmmmm” bumalik ako sa kasalukoyan nong marinig ko ang ungol ni Jacob kaya lumapit ako at tinapik sya sa balikat pero tumagilid lang sya at tuloy pa rin sa tulog kaya hinayaan ko nalang at bumalik ako sa loob para kumuha ng kumot dahil medyo malamig na ang ihip ng hangin.kinumutan ko sya at nilagay ko ang mosquito net para di sya lamukin.
Iniwan ko na sya ng matapos ko ilagay ang mosquito net at tumulong na ako sa pag liligpit sa tindahan at tinabi ang mga paninda ni nanay .hinugasan ko rin ang mga kaldero para di na mahirapan si nanay.pinag pahinga ko nalang sya dahil alam ko pagud sya kanina sa dami ng kustumer namin.
“Lani anong oras ka babalik sa bayan bukas?” Tanong ni ate janice.
“Linggo ng hapon po para may masakyan pa ako papuntang bayan” sagot ko.
“Ok,ikaw muna ang kasama ni mama dito bukas at may lakad kami ni boyet.” Sabi nya sakin.
“Sige po ate, basta bumalik kayo ng maaga para may kasama dito si nanay,4pm ako aalis bukas” sagot ko sa kanya.
Sinabi ko lang yon kay ate pero ang totoo wala naman akong ibang gagawin bukas dahil wala naman akong homework at tapos ko na din yong sa tindahan.kaya ok lang kahit Monday morning na ako baba ng bayan.pero ayaw ko sabihin kay ate kasi baka samantalahin na naman nya ang pagkakataon.