Third Person's POV Nakatitig lamang sa kawalan si Riley habang ang kanyang anak naman ay nakipaghabulan sa kuting. Labag man sa loob niya na bumalik sa mansyon ni Kiefer ay walang na syang magagawa, kung ano man ang plano ni Kiefer sa kanila dapat niya 'yung malaman. Alam nyang hindi ito gagawin ni Kiefer na walang dahilan, ni wala nga itong reaksyon sa drama niya, wala talaga itong pakialam kahit kailan. "Mommy! Sari is so big na! Look at her, Mommy! She's pretty like you." hindi maipagkaila ni Riley na masaya ang kanyang anak sa poder ng ama nito. Ni hindi na nga binanggit ni Peyton ang ama-amahan. Tila nakalimutan niya na ito. "What is her name again?" nagkunwari si Riley na hindi narinig 'yung pangalan ng pusa. Panay kasi ang iwas niya sa pigura ni Kiefer na ngayong papalapit na s

