Riley's POV Hindi ko parin makakalimutan 'yung tawag ni Peyton kay Kiefer. Alam kong matalino ang anak ko, he can easily recognize someone, at sa isang tingin ko alam nyang kamukha niya ito pero hindi s'ya 'yung batang agad na maniwala na kilala niya ito. Pero kung alam na nga ni Peyton na ama niya si Kiefer? Wala na akong magagawa pa, andito na kami, hindi na kami patatakasin pa ni Kiefer. Sa tingin ko rin ay sigurado na si Kiefer na anak niya talaga si Peyton, bakas naman sa mukha niya kahapon ang tuwa habang kinakausap 'yung anak niya, nakita ko ang pag silay ng ngiti galing sa labi niya. Damn it! Habang pinagmamasdan ko s'ya kahapon parang nalulunod ako. Sobrang suplado pa. Alam ko namang ayaw niya akong kasabay na kumain eh, ang daming drama niya naman. Dahan-dahan akong bumangon s

