Araw ng linggo ngayon kaya nasa simbahan kami para manalangin at magpasalamat. Tuwing linggo talaga namin ito ginagawa. Nagpapasalamat at nagdadasal para sa mga kalusugan namin pati na rin sa mga kapwa namin. Mula bata ako ay nakaugalian na talaga nila Mama na magsimba tuwing linggo. Ito lang kasi ang araw na nakakapag bonding kami sa isa't-isa.
Pagkatapos ng misa ay agad kaming dumiretso sa jollibee. Ayaw ng Papa na sa mamagaling restaurant kami pumunta dahil mahal raw iyong mga pagkain roon. Sabi ko no problem dahil sagot ko naman. Aba ang Papa eh Ayaw patalo sa kaniyang anak. Wala akong nagawa kundi magpakumbaba. wala eh, mahal ko sila.
Dapat kaninang umaga sana kami magsisimba. Ang kaso may mga inasikaso pa ako sa Coffee Shop kaya ngayong pang hapon nalang kami nakapag simba. Buti nalang may pang hapon na misa kaya naman kahit papano ay natutuloy pa rin ang lakad naming tatlo.
Halos talaga buong oras ko sa kanila ko binibigay at ginugugol makasama ko lang sila. Wala naman kasi ako ibang pagkakaabalahan dahil iyon naman talaga ang priority ko. Sila Mama at Papa.
Habang kumakain kami panay naman ang harutan ng kasama ko. Ganyan sila palagi, malambing sa isa't isa. Para nga silang mga teenage kung maglambingan. Nakakatuwa lang dahil hindi sila nagsasawa sa isa't-isa. At iyon ang ikinagagalak kong makita sa kanilang dalawa. Hindi nawawala ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Hindi rin ako magsasawang ipagmalaki sila bilang mga magulang ko.
Napangiti nalang ako sa kanila habang kumain. "Sana all." natatawa ko pang sambit.
"Aba tingnan mo ang anak mo Mabelle, naiinggit.?" ani Papa.
"Pa?" natatawang inismiran ko si Papa.
"Ba't kasi hindi kapa maghanap ng boypren mo?" ani Papa.
"At saan naman po aber?"
"Aba! Ang daming nakapila oh?" turo naman ni Mama na ikinalingon ko sa aking likod.
Lumingon naman si Papa sa tinutukoy ni Mama.
"Sa counter.." rinig kong ani Mama. Pinahaba pa ang boses nito. Waring nang-aasar talaga. Sabay pang humalak ng dalawa.
Binalingan ko sila na nakasimangot. Ang tinutukoy pala ni Mama ay ang mga nakapila sa counter para umorder.
"Grace, anak? akala mo yung mga manliligaw mo? HAHAHA! umasa ka ano?" anang pa ni Mama.
"Mama naman? sige pagkaisahan nyo ako." inis kong turan sa kaniya.
"Eh bakit? Umasa kaba na mga manliligaw mo ang tinutukoy ng Mama mo anak?" anang Papa.
"Hmmp!" napairap ako. Natural lang iyong irap dahil sanay na silang asar talo ako pagdating sa mga pag-aasar nila sa akin.
"Magboypren kana kasi Grace. Para naman maranasan mo kung--Paano mainlove." sabi pa ni Papa.
"Boypren boypren. Boy-Friend po Papa 'di boypren."
"Ganon din yun HAHAHA!"
Napailing nalang ako sa kakulitan ng mga ito.
"Wala naman kaso sa amin yan anak kung susubukan mo ring mag boyfriend. Huwag mo lang ibuhos lahat ng pagmamahal sa isang lalaki. Matuto kang magtira. Para kapag dumating yung lalaking para sayo, may ibibigay ka para sa kaniya. Dahil kapag tunay na nagmahal ang lalaki sayo, maubusan ka man ng pagmamasal para sa sarili mo, ibibigay nya rin lahat ng pagmamagal nya para sayo. Ganon ang isang lalaki kapag tunay na nagmamahal. Kaya huwag ka matakot pumasok sa pakikipagrelasyon kung iniisip mong masasaktan ka lang. Dahil darating ang taong iyon kapag lubog ka na sa kinatatayuan mo. Lagi mo yang tatandaan anak." mahabang sabi ni Mama.
Napagdikit ko ang aking mga labi. Sa dami ng mga sinabi ni Mama, lahat iyon natandaan ko. Siguro tama nga sila pero hindi ko pa rin magawa ang nais nila. Hanggat nabubuhay pa sila, sila ang magiging kasintahan ko at bubuhusan ko ng pagmamahal. Ganoon ko sila kamahal.
Napangiti nalang ako habang tumatango sa mga ito.
"Try lang naman hanggang sa makita mo na yung lalaking para talaga sayo." sabi naman ni Papa. "Ayuko ko lang sa barumbadong lalaki ha? Mamaya lokohin ka lang at kunin lang ang kailangan nya sayo. Maganda sana kung minahal ka nito kahit panandalian lang at kahit hindi kayo itinadhana. Maganda rin karanasan yun. Dahil isa rin syang daan para matuto ka sayong sarili." ani pa ni papa.
"Pero masasaktan naman anak natin nya?" siniko naman siya ni Mama.
"Ano kaba? Maganda ang nabobroken harted. Dahil gumaganda at gumagwapo ang isang tao kapag iniwanan sya ng taong mahal nya. Mag-iimprob ba ganon?"
Natawa na nama akong muli. Ganyan talaga magsalota si Papa dahil laki siyang probinsya. Minsa pa nga ay hindi ko sya maintindihan dahil nagsasalita sya ng ibang lingwahe.
"Kaya pala nakipagbalikan ka noon sa akin dahil gumanda ako nong iniwan mo ako?" ani pa ni Mama kay Papa.
"Oo naman! lalo kang gumanda nong nagkul-op tayo noon. Ayaw ko mapunta ka sa iba kaya binalikan kita agad."
"Sus! Ang sabihin mo nagseselos ka lang."
"Aba syempre naman!"
"Hay..." mahina kong sambit habang naiiling. Nakakatuwan talagang pagmasdan itong dalawa. Wala akong masabi kundi napakaswerte ko.
"Ang ganda mo nga talaga noon mahal." sabi pa ni Papa. "Pakipot ka pa kasi binabalikan ka na nga."
"Hoy ikaw talaga! Maya may makarinig sa'tin."
Pero kahit ganito ang mga magulang ko, hindi pa rin magbabago ang pasya ko. No BOYFREIND. period!
Hanggang sa daan sakay ng kotse pauwi, panay parin ang harutan ng dalawa. Minsan kinukurot pa ni Papa si Mama sa tagiliran nito.
"Tama na nga mahal? Magkanta kanta nalang kaya tayo?" maya pa ay suggest ni Mama kay Papa.
"Ay oo nga." sabi naman ni Papa. Doon lang sila natigil sa paghaharutan.
Pinindot ni Papa ang speaker sa sasakyan at pinatugtog iyon. Si Papa nga pala ang nagprisentang magdrive dahil nasa mood daw sya. Malakas pa naman ang Papa at kaya pa nito magbyahe ng pang malayuan.
Nasa likod nila pang ako habang pangiti ngiting pinagmamasdan sila.
Nang magplay ang tugtog, ito yung kanta na lagi nilang kinakanta tuwing magpapatugtog sila sa bahay. Teamsong daw kasi nila ito simula noong magboyfriend palang sila.
TERRIFIED by: Katharine McPheexZachary Levi (song lyrics)
Hmm.. hmm.. hmm..
Si Mama ang unang kumanta. Pasulyap sulyap pa ito kay Papa.
You by the light is the greatest find..
In the world full wrong you're the thing that's right..
Finally made it through the lonely to the other side..
Tumingin naman si Papa kay Mama para sumabay sa pagkanta.
You said it again, my heart's in motion..
Every word feels like a shooting star..
I'm at the edge of my emotions..
Whatching the shadows burning in the dark..
And I'm in love..
And I'm terrified..
For the first time and the last time in my only love..
Halos mangiyak ngiyak naman ako habang pinagmamasdan sila. "Mahal na mahal ko po kayo.." anang ko na ako lang ang nakarinig. Ayukong maudlot ang masaya nilang pagduduet.
And this..
Si Papa naman ngayon ang kumanta.
Could be good..
It's already better than that..
And nothing's worse..
Than knowing you're holding back..
I could be all that you needed if you let me try..
At muli na naman silang nagsabay sa chorus ng kanta. Habang sinasabayan nang mga ito ang musika, tahimik lang ako na nakikisabay sa kanta nila. Ito rin ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ayaw ko pa mag nobyo. Mas gusto kong oras-oras, sila lang palagi ang kasama ko. Kuntinto na ako sa ganong paraan.
Nakikisabay na rin ako sa pagkanta nila, saktong tumigil ang sasakyan namin dahil nag redlight ang tatawiran namin. Lumingon naman sa akin saglit si Mama.
"I love you anak! mahal na mahal ka namin ng Papa mo." nakangiting sabi nito sa akin.
"Ako walang I love you?" tanong ni Papa kay Mama sumulyap.
"Syempre meron! Ikaw pa ba?" at hinalikan ni Mama si Papa sa labi sa mismong harapan ko. Hindi na bago ito sakin dahil lagi naman nilang ginagawa ito sa harap ko.
"I love you.." ani Papa nang maghiwalay sila.
"I love you too." tugon naman ni Mama.
"Mahal na mahal ko rin po kayo ma, pa." sabi ko naman sa kanila.
Nang mag green na ang light ay nirestart na ni papa ang sasakyan. Pinagpatuloy nilang muli ang pagkanta at maging ako ay nakisabay pa.
Masayang masaya kami sa mga oras na iyon.
Nang patawid na kami at liliko sa kabilang side ay may malakas na tunog at nakakasilaw na ilaw ang sumalubong sa aming sasakyan. Pag tingin ko sa kaliwa bigla nalang nanlaki ang aking mga mata at napatigil hanggang sa hindi na ako nakakilos pa dahil sa lakas ng busina at nakakasilaw na ilaw.
Bigla nalang nag black out ang paningin ko hanggang sa nawalan na ng malay.
Nang maalimpungatan ako at marahang iminulat ang mga mata ay dahan dahan kong kinapa ang aking sarili. May naramdaman akong kakaiba sa aking katawan maging sa bawat parte niyon. Masakit rin ang aking ulo at parang ang bigat bigat niyon sa pakiramdam.
Nang iniangat ko ang aking isang kamay ay napangiwi pa ako dahil masakit rin iyon. Mahapdi na hindi maipaliwanag. Pero kahit mabigat ang pakiramdam ko sa katawan ko ay sinikap ko paring kapain ang aking ulo. masakit talaga at hindi ko kinakaya ang sakit niyon. Nalulula rin ako. Laking pagtataka ko kung bakit parang may kung anong kirot na tumusok sa aking sintido nang mahawakan ko ang ulo ko.
Nagtataka ako dahil basa ang nakapa ko sa aking ulo at medyo madulas dulas pa iyon. Nang tingnan ko naman ang aking kamay ay lking gulat ko nalang ng makita ang dugo sa kamay ko.
Umiikot na naman ang paningin ko at pakiramdam ko inaantok na ako. Mabigat na ang talukap ng aking mga mata.
"Ma.. Pa.." tawag ko sa mga magulang ko.
Pumikit ako dahil sa pagkahilo. Pilit ko na namang iminumulat ang mata ko. Nahihirapan na ako sa paghinga. Gusto ko na talagang pumikit at matulog.
Nanlalabo talaga ang paningin ko. May mga naririnig rin akong boses. Boses na humihingi ng saklolo.
"Ma.." sambit ko na namang muli. Pilit kong iginagalaw ang katawan ko. Maya pa ay nakarinig ako ng isang tunog ng ambulansya.
"Pa.." wala parin akong maaninag.
"Tulong! Tulungan nyo kami!" rinig kong boses na sumisigaw.
"Tulong! Pakiusap tulong po!"
"Nako diyos ko!"
"May buhay pa rito! Tulong!" rinig ko pang sabi ng sumisigaw.
Pilit kong inaaninag ang nasa paligid ko. Wala.. nanlalabo pa rin talaga ang paningin ko.
"Miss? Okay ka lang ba dyan? Saglit lang ha? Nandito na ang mga tutulong sayo." yun lang ang narinig kong sabi na boses babae at tuluyan nang nagsara ang talukap ng mga mata ko.