Pag gising ko puro puti ang nakita ko at nanlalabo pa ang paningin ko. Ilang beses pa ang ginawa kong pagpikit-mulat sa aking mata hanggang sa dahan dahan kong naaninag ang bagay na nakikita kong puro puti.
"Na..Nasaan ako..." tanong ko sa nanghihinang boses.
"Jusko! Mabuti at gising kana!" anang babae nang makita kong lumapit siya sa akin.
"N-Nasaan po ako? A-Anong lugar po ito ate?" tanong ko sa babaeng bakas na pag-aalala ang kaniyang mukna.
Nakita ko ang pagkabalisa sa kaniya na mariin pang pinagparte ang mga labi.
"S-Si Mama po? N-Nakita nyo po ba sila? Si P-Papa? Nasaan po sila? A-At.. Si-Sino po kayo?" nanghihina pero sunod sunod ang naging tanong ko sa babae.
"Kamusta pakiramdam mo?" imbes na sagutin ako ay nag-alala pa ito sa akin. "Magpalakas ka muna, hindi maganda ang kalagayan mo ngayon."
"S-Sila.. Mama.." pilit kong iginagalaw ang katawan ko para bumangon.
"Pakiusap! Huwagg ka munang gumalaw. Huwag mong pwersahin ang sarili mo. Huminahon ka lang muna." sabay pigil nito sa gagawin kong pagbangon.
"P-Papa?" nagpalinga linga ako at nagbabaka-sakaling makita ko ang aking mga magulang.
Nasaan sila?
"Huminahon ka muna pakiusap lang." ani pa ng babae.
"M-Mama?"
"P-Papa?" nalibot kona ang paningin ko dito sa silid na kinaroroonan ko ngunit wala yung mga hinahanap ko.
"Ate? N-Nakita nyo po ba sila? Yung--Yung mga magulang ko?" pinakatitigan ko ang babae nang lingunin ko ito. Nangungusap akong tumingin sa mga mata nya. Hinahagilap roon ang kaniyang sasabihin.
Nang hindi siya nagsalita at nakita kong lumungkot ang hitsura nito ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Naiiyak na ako. "A-Ano bang nangyari? Bakit ako nandito? Nasaan ba ako? Nasaan sila Mama at Papa? At bakit.. B-Bakit masakit ang ulo ko? B-Bakit may mga maliliit na hose na nakakabit sa kamay ko?
"Huminahon ka muna. Huwag kang mag-gagalaw at baka kung ano pa ang mangyari sayo." anang babae.
"A-ah!" bigla akong napahawak sa aking ulo kasabay ng pagpikit ng mariin. Bigla kasi itong kumirot at subrang sakit. "A-Ang sakit.. AH!" dalawang kamay na ang naihawak ko sa magkabilaan kong sintido. Subrang sakit.. H-Hindi ko kinakaya ang sakit. "Aray! AH!"
"Nurse! Nurse! May tao ba dyan? Nurse!" sigaw ng babae na sa tingin ko lumabas ito at iniwan ako saglit.
"Anong nangyari?" rinig ko na boses isang lalaki. Hindi ako nagmulat ng mga mata dahil ramdam ko parin ang sakit ng ulo ko.
"AH! Ang sakit! AH!"
"Let me check on you." anang isang lalaki. "Just relax okay?"
Pilit akong kumalma dahil minulat nito ang aking mata at itinutok roon ang isang bagay na nakakasilaw. Nurse? Bigla kong naalala ang narinig kong sigaw ng babae kanina.
Bakit ako nandito? May doctor? Hospital?
Habang sinusuri ako ng isang doctor, hindi ko namalayan na unti unti nang nawawala ang sakit sa aking ulo. May ginawa siguro sila para kumalma ako.
Maging ang buo kong katawan ay sinuri rin nila. Nakita ko naman yung babae na tumawag ng nurse na hindi mapakali at pati ang mga kamay nitong hindi alam ang gagawin. Nasa gilid lang ito habang nakatingin sa akin habang sinusuri.
Napagtanto ko rin na nasa hospital nga ako at hindi ko pa alam kung ano at kung bakit ako narito. Maging mga magulang ko hindi ko pa alam kung nasaan.
"Dyos ko!" anang pa ng babae. Teka? umiiyak ba sya? Bakit?
"B-Bakit ako n-nandito.?" tanong ko sa doctor nang balingan ko ito.
"Huminahon ka lang Miss. Sa susunod na sumakit ang ulo mo, huwag kang magpanic. Natural lang yun dahil sa nangyari sayo. Mas maigi na kumalma ka dahil makakasama ito sa kalusugan mo kapag nagpumilit ka na pwersahin ang iyong sarili."
"Pero doc? Hindi nyo po sinasagot ang tanong ko?" nag-uumpisa na naman akong magpanic dahil wala akong nakukuhang matinong sagot mula rito. Maging ang babae kanina na ngayon ay nakasiksik sa gilid ay hindi rin ako sinasagot.
Ano ba talagang nangyari?
"Doc, sagutin nyo naman po ako? Nasaan po ang mga magulang ko? At bakit po ako narito?"
"Please? Stay calm down?"
"Paano po ako kakalma kung hindi nyo po ako sinasagot? Nasaan po ang mga magulang ko?" mangiyak ngiyak kong sabi.
"Sasabihin ko sayo just stay calm down."
"No! Nasaan-"
"Turukan mo sya ng pampakalma." baling nito sa nurse.
Hinawakan ko ang laylayan ng suot nitong PPE at doon na nga ako tuluyang napaiyak.
"Doc? Please?" pagmamakaawa ko rito pero hindi man lang ako pinansin dahil sumulyap lang ito sa nurse na nasa aking kabilang gilid. Hindi nagtagal ay unti unti na akong nakakaramdam ng bigat at tuluyan na naman akong inaantok.
"Ma.. Pa.." tanging sambit ko habang umiiyak na pumikit.
"Dada.. HUHUHU!"
Napalingon ako sa batang umiiyak. Hindi ko makita ang mukha nito pero alam kong imiihak ito at may hinahanap. Bakit sya narito at nag-iisa?
"Mommy!" sigaw pa ng batang babae. Hindi ko talaga makita ang mukha pero buong buo ang katawan nito.
Napagpasyahan kong lapitan ito para kausapin. Nang malapit na ako sa bata ay may bigla naman sakin tumawag
"Anak, Grace?" boses iyon ni papa kaya napalingon ako kung saan iyon anggagaling.
"Pa?" tawag ko at lumingon lingon pa ko. May nakita namam akong nakatayo patalikod sa akin. "Pa!" tawag ko rito. Subrang liwanag at puti ng paligid at wala akong ibang nakikita kundi puti na parang hamog.
"Pa!" muli kong tawaag. Hindi ito lumingon kaya naisip kong lapitan nalang sya. Ngunit natigilan ako sa paglapit dahil sa tuwing lalapit ako at sya namang dahan dahang lumalayo. "Pa?" muli kong sambit. "Pa naman? Inaasar mona naman ba ako?" natatawa kong sabi.
Pero hindi man pang ito gumalaw o lumingon. Doon na ako nagtaka.
"Papa!" sumigaw ako at patakbong lumapit sa kaniya. Lumalayo na naman ito kaya hindi ko tuloy siya malapitan. "Pa!" parang hindi naman ako umaabante?
"Pa!" sumigaw ulit ako. Patuloy lang itong lumalayo at kahit anong gawin kong paglapit rito parang walang nangyayari. Nag-umpisa na naman akong maiyak at kabahan.
"Pa.. Pa lumingon ka naman oh?" tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata.
Napahagulhol na ako ng unti unti na itong nawawala at kinakain ng liwanag. "Pa!"
"Anak?" natigilan na naman ako ng boses naman ni mama ang tumawag sa akin.
Agad akong napalingon. "Ma?" napangiti naman ako ng mapagtanto kong si Mama nga iyon. "Ma? HAHA! Bakit kayo nandito?" tanong ko.
Tipid lang itong ngumiti habang nakatingin sa akin. "Anak.." sabi nito.
Nang lalapitan ko naman siya ay nawla na naman ang masaya kong ngiti dahil lumalayo rin ito katulad ng kay Papa. "Ma?"
"Anak?"
"Ma!"
"Anak.."
"Ma!" naiyak na naman ako sa nangyayari kay Mama. unti unti itong lumalayo kahit hindi na ako lumalapit. "Ma!" tumaas ang kamay ko para abutin siya. ganoon rin ang ginawa ni Mama. Maging siya ay umiiyak na rin habang inaabot sa akin ang kamay.
"Ma.. Huwag kang umalis.. Huwag mo kong iwan! " sigaw ko pero hindi ko na ito naabutan pa. Tuluyan na itong nawala at kagaya ni Papa ay kinain rin siya ng liwanag.
Subrang sikip na ng dibdib ko sa sakit na nadarama ko sa paglisan nila sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Umiyak ako ng todo at nagsisigaw.
"Huwag nyo kong iwan Ma!" sigaw ko habang patuloy na umiiyak.
"Mama! Papa!"
"Huwag! Please! Huwag!"
Humahangos na napamulat ako ng aking mga mata. Naiiyak ako at pakiramdam ko totoo akong umiiyak.
Panaginip lang pala ang mga nakita ko. Pero mukhang totoo dahil yung nararamdaman kong pag-iyak ay totoo. Kinapa ko ang aking pisngi at ganon nalang ang pagkunot ng aking noo. Basa ang pisngi ko at talaga ngang umiyak ako sa panaginip ko. May mga luha pang umaagos sa kabila kong pisngi nang sipatin ko iyon.
Subrang sakit naman ng panaginip na yun. Ayaw ko ng ganoong panaginip. Hindi ako makahinga ng maayos at mabigat sa dibdib ang sakit na panaginip na yun. Isa iyong pangit na panaginip!
Pinalis ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. Teka? Napansin ko na may benda ang kamay ko kaya nilibot ko ang paningin. Hindi.. H-Hindi ito maari..
Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na may dala dalang isang tray. Natatandaan ko itong babae na ito. Ito yung babae na tumawag sa nurse kanina kaya ibig sabihin.. Ibig lang sabihin ay..
Ibig bang sabihin nandito pa rin ako?
Lumapit ito sa akin ng mapansing gising na ako. Malungkot parin ang mga mata nitong tumingin sa akin at pilit na ngumingiti.
"Kumain ka may dala akong lugaw na ako mismo ang nagluto. Sa palagay ko ay gutom na gutom ka na." anito.
Pumunta ito sa lamesa na katabi ng hinihigaan ko at nagsalin ng pagkain sa bowl.
"Halika kumain ka muna. Kaya mo na bang igalaw ang katawan mo? Tulungan na kita para makaupo ka." sabi pa nito at inalalayan nga niya akong makaupo.
Sinusundan ko lang siya ng tingin maging ang mga ginagawa nya. Nang mapansin nito na nakatingin ako sa kaniya ay huminga muna ito ng malalim at saka nagsalita.
"Ako nga pala si lita." sabi nito "Kumain ka muna para may lakas ka at makalabas kana rito sa hospital." hindi nakaligtas sa akin ang pag-uutal utal ng salita nya. Waring kinakabahan ito. "Mamaya ikikweto ko sayo ang lahat." dagdag pa nito. Nagtataka man pero nanahimik nalang muna ako. Nais ko rin malaman kung bakit ako narito at sya, kung bakit sya narito kasama ako.
Matapos niya akong alalayan makaupo ay sinubuan naman niya ako para makakain. Ang dami ko talagang gustong itanong sa kaniya pero hindi pa malinaw sa akin ang lahat. Ang huli ko lang na natatandaan ay ang sakay kami ng kotse kasama ang mga magulang ko. Pauwi na kami noon at..
"H-Hindi.. Hindi!"
"Bakit?" nagtatakang tanong ng nasabing lita. "May problema ba sa pagkain?"
"M-Mali ako! Hindi totoo yun!" anang ko na nagsisimula na naman akong kabahan at mataranta. Hindi ko na natiis kaya tumingin ako ng diretso sa kaniya at hinawakan sya sa magkabilaan niyang balikat. "Sabihin mong hindi totoo yun? Sa-Sabihin mo?" Hindi diba? Hindi?" aniko sa kaniya na marahan pang niyugyog ang kaniyang balikat. Hindi ko na siya natiis kaya nagtanong na ako sa kaniya para kulitin ito na mali ang inaakala ko. Ang nasa isip ko.
"N-Nasaan sila?" Hinawakan ko naman ang kamay nito. Huminga ito ng malim pati ang mga mata nito ang kasing lalim ng iniisip ko. Inilapag nito sa mesa ang bowl at saka humarap sa akin muli. Malungkot ang mukha nitong tumitig sakin. Ilang segundo kami nagtitigan at hinihintay ang kaniyang sasabihin.
Huminga siya muli ng malalim. "Y-Yung kasama mo s-sa... kotse.. mga m-magulang mo hindi ba?" nag aalangang tanong nito.
"Oo. nasaan sila? okay lang ba sila?" sunod sunod kong naging tanong.
Dahan dahan itong yumuko.
"W-Wala na.. s-sila.." mahinang sabi nito. sapat na upang marinig ko ang mga sinabi nya.