CHAPTER 5

820 Words
"A-A-Anong sabi mo.?" ulit kong tanong sa nagpakilalang Lita upang makasigurado kung tama ba ang narinig ko sa kaniya. Para kasi akong nabingi sa sinabi nya. Umangat ito ng tingin at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Nag-aalala ang mukhang nakikita ko sa kanya. Wari bang maiiyak na ito at hindi alam ang gagawin at kung anong sasabihin. "Pa-Patay na ang mga ma-magulang mo.." sabi nito na halos ikapaos na ng kanyang boses. "Haa! Haaa.. HEHEHE! Sabihin mo ate na hindi totoo yang mga sinasabi mo?" nagpatawa tawa pa ako para isipin na nagbibiro lamang sya. Nang hindi parin nagbabago ang kaniyang emosyon sa mukha ay biglang nawala ang pag-guhit ng aking labi. Bigla namang nalaglag ang aking balikat nang makita kong mamula mula na ang mga mata ni ate Lita na nakatitig sa akin. Nanginginig nginig na rin ang pang-ibabang labi nito na para bang pinipigilang maiyak. Napakurap kurap ako dahil sa nag uunahang luha ang lumalabas sa mga mata ko. Hindi na niya napigilan ang sarili kaya tuluyan na siyang naiyak. Ako man ay unti unti nang nadadala sa pag-iyak nya lalo pa at nakakaramdam na naman ako ng bigat sa aking dibdib. "H-Haaa!" napasinghap ako at naitakip ko rin ang mga kamay sa aking bibig. Nanginginig na rin ang mga kamay ko habang nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luhang naglalandasan. "H-Hindi! Hindi totoo yang sinasabi mo hindi ba?" pinipilit ko parin siyang sabihin na biro lamang ang mga sinabi nya. Umiiyak ito habang nakatingin sa akin. Hindi makapagsalita at sige lang ang iyak. "Mali ka! M-Magkasama lang kami kanina? Nakita ko pa nga sya habang inaabot ang mga kamay ko at--" bigla akong natigilan nang maalala na isa lang pala iyong panaginip. Nakita ko naman si ate Lita na umiling iling habang patuloy na umiiyak at sinusubukan akong hawakan pero hindi niya maituloy dahil sa pagiging balisa kong reaksyon. "HINDI TOTOO YAN! MALI KA! MALI!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at para na akong balik na pilit na kumakawala. "H-Hindi totoo.. H-Hindi totoo 'to.. HINDI ITO TOTOO! AHHH!!!" "T-Tama na.. Iha tama na? Huwag kang magkikilos. Baka magdugo ang tahi sa ulo mo, pakiusap.. Huminahon ka lang muna saglit." pakiusap nito na pilit pa rin akong abutin at hawakan. Pero wala, lalo lang akong nababaliw sa isiping wala na ang mga magulang ko. Na mali lang ako ng akala sa narinig. Na nagkakamali lang ang babaeng ito sa mga sinasabi nya. "Sabihin mong hindi totoo yan! Sabihin mo na mali ka ng sinabi! Sabihin mong nagkakamali ka lang! Sabihin mong nagsisinungaling ka lang! Sabihin mo! Ano? Sinungaling ka di'ba? Sinungaling ka!!" sigaw ko sa kanya kasabay ng pagduro ko sa kaniyang mukha. Napalayo naman ito ng kaunti habang umiiling. "H-Hindi ako nagsisinungaling Iha.. Pakiusap, nag-aalala ako sayo. Sa kalagayan mo." "Ayuko ko! Hindi kita magulang kaya huwag na huwag kang mag-alala sa akin! Sabihin mo munang mali ka!" halos mamaos na ang aking boses kakasigaw sa kaniya. Maya maya pa ay ako rin naman ang napagod at nanghihinang yumuko. Napahagulhol nalang ako ng iyak. Hindi ako makapaniwala na wala na ang mga tumayong magulang ko. Ang buong akala ko ay nagkakamali lang itong babae natong kasa-kasama ko pero mukha ngang nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko nais na masigawan sya pero talagang sumabog na ang dibdib ko sa sama ng loob kaya hindi ko na alam ang pinag-gagagawa ko. Nawawala na ako ng respeto sa ibang tao. Ang akala ko pa naman kahit hindi ko sila tunay na magulang hindi nila ako iiwan. Pero bakit ngayon? Bakit nangyari ito sa akin ngayon? Kung kailan masaya at kontento na ako sa kanila, saka naman nila ako iiwan nang mag-isa. Bakit? Bakit? Paulit ulit ko pang tinatanong ang sarili ko kung totoo ba ito o nananaginip na naman ba ako? Pero gaya nga ng nakikita ko kay ate Lita, marahil na ako ang nagkakamali. Hindi kasi ako makapaniwala na wala na ang mga magulang ko. "Ibig sabihin? Ang ibig sabihin ay.." ay wala na talaga akong pag-asang makapiling pa ang mga mahal ko sa buhay? Ang ibig bang sabihin nito ay habang buhay nalang akong mag-isa? Bakit ganito ang kapalaran ko? Bakit nararansan ko ito? Bakit palagi nalang akong naiiwan? B-Bakit.. "B-Baki.." Wala na nga ba talaga ang mga magulang ko? Na ako nalang talaga mag isa? Pano pa ako mabubuhay ng ganito? Nang wala sila? Hindi! A-Ayuko.. Ayuko na! Ayuko na sa mundong ito! M-Mama! P-Papa! "Pa-Pasensya ka na iha.. Wala rin kasi akong alam sa nangyari. Ang alam ko lang kasi ay naaksidente kayo at.. at dinala kita rito dahil nakita kong buhay kapa." napaangat ako ng mukha nang magsalita si ate Lita. Labis ang pag-aalala nito sa kaniyang mukha. Saglit akong napag-isip at pinilit na pinakalma ang sarili. Subrang sakit sa dibdib. Hindi ko matanggap. Subrang hirap.. "Ipapaliwanag ko sayo ang nangyari bago kita dinala rito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD