Malakas na ulan ang bumabagsak sa aking katawan habang nakaluhod at hinahaplos ang puntod ng aking mga magulang. Kung gaano kalakas ang ulan ay ganoon rin katindi ang buhos ng aking mga masasaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko talaga matanggap sa aking sarili na wala na sila Mama at Papa. Na hindi ko na sila makakasama pa habang buhay.
Isang linggo matapos maiburol ang mga magulang ko ay walang araw na hindi ako umiyak. Halos araw araw ay lagi ko silang binabantayan. Dumalo rin ang mga ibang kamag-anakan nila at labis ang mga itong nalungkot.
Kwenenti ko rin sa kanila ang kwenento sa akin ni ate Lita kaya labis silang nag-alala para sa akin. Mabubuti ang mga kamag-anak at mga kapatid nila Mama at Papa sa akin. Kagaya ng mga magulang ko ay malugod nila akong tinanggap at wala akong narinig ni isang salita na pagkadisguto sa akin.
Kaya wala na akong mahihiling pa kundi ang mahabang buhay nila kasama ko. Pero ngayon.. Nabigo ako sa mga pangarap ko. Sa mga nais ko. Sa kung anong pwede kong gawing kabutihan para sa kanila.
Bakit nangyari ito sa akin? buong akala ko pa naman ay perpekto na ang buhay ko kasama sila? Pero bakit ganon? Iniwan nila ako ng ganon ganon na lang?
"M-Ma.. Bakit nyo naman ako iniwan? Bakit nyo po ako iniwan ni Papa?" napahagulhol ako sa iyak kasabay ng pagbagsak ng ulan.
Ang sakit.. Ang sakit sakit! Sana namatay nalang din ako para hindi na ako maghirap pa ng ganito?
"Subrang sakit Mama.. Hinding hindi ko po kayo malilimutan. Palagi po kayong nasa puso ko ni Papa. Nagpapasalamat po ako sa inyo dahil binigyan nyo ako ng munting palasyo na puno ng pagmamahal.. Lagi kong tatandaan ang mga sinabi nyo sa akin, na magpapakabuti akong anak ninyo.."
"Ahhh! M-Mama.. Papa.."
"H-Hindi ko kaya.. Napakasakit! Ang sakit sakit! Sana isinaman nyo nalang ako. Ayukong mag-isa. Takot ako mag-isa!"
Ilang oras pa ako namalagi sa puntod nila bago ko naisipang umuwi. Halos ayaw humupa ng mga luha ko sa mata kahit basang basa na ako sa ulan. Sa bigat ba naman ng katawan ko, mukhang magkakasakit na ako at parang ayaw ko ng tumayo pa. Subra na akong naghihina at hinang hina na sa buhay.
Ganito ako kaapektado na mawala ang mga magulang ko. Parang gusto ko na lang din magpakamatay pero hindi naman nila gugustuhin na mapariwara ang buhay ko. Kilala ko si Papa, sigurado sesermunan na naman niya ako sa mga negatibo kong naiisip.
"Wala naman kaso sa amin yan anak kung susubukan mo ring mag boyfriend. Huwag mo lang ibuhos lahat ng pagmamahal sa isang lalaki. Matuto kang magtira. Para kapag dumating yung lalaking para sayo, may ibibigay ka para sa kaniya. Dahil kapag tunay na nagmahal ang lalaki sayo, maubusan ka man ng pagmamasal para sa sarili mo, ibibigay nya rin lahat ng pagmamagal nya para sayo. Ganon ang isang lalaki kapag tunay na nagmamahal. Kaya huwag ka matakot pumasok sa pakikipagrelasyon kung iniisip mong masasaktan ka lang. Dahil darating ang taong iyon kapag lubog ka na sa kinatatayuan mo. Lagi mo yang tatandaan anak."
Naalala ko bigla ang mga huling pangaral sa akin ni Mama. Ngayong wala na sya, sino na magsasabi sa akin ng mga pangangaral?
Pinalis ko ang mga luhang muli na naman naglandas dahil sa mga alalang naiwan nila sa akin. Nagpaalam na rin ang mga kamag anakan namin kaya ako nalang mag-isa na uuwi sa bahay. At sa pag-uwi ko malamang subrang tahimik na. Wala na ang mga naghaharutan at naglalambingan tuwing uuwi ako. Wala na ring mangangamusta sa akin tungkol sa araw ko. At higit sa lahat, wala ng hahalik sa akin at hahalikan ko sa pisngi maging sa noo. Wala na.. Wala na lahat sa akin. Kinuha na sila at binawi sa akin.
Pag-uwi ko sa bahay ay mga alala nila Mama at Papa ang nakikita ko sa imahenasyon ko. Na masaya silang dalawa ni Papa habang magkayakap habang matamis na pinagsasaluhan ang pagmamahalan nila. Bumagsak na naman muli ang mga luha ko sa mga mata.
Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay nakita ko ang frame na nasa ibabaw ng maliit na table sa gilid. Kinuha ko iyon at marahang hinaplos. Ito yung kuha kong litrato na silang dalawa habang nagcecelabrate sila ng kanilang 20 years wedding anniversarry nong last year.
Niyakap ko iyon at pabagsak na naupo sa sahig. Humagulhol ako sa iyak habang yakap yakap ang kanilang litrato. Subrang sakit talaga na maiwan ng minamahal. Kita naman sa masasagana kong luha kung paano sila masaktan dahil sa walang tigil na kakabagsak sa aking pisngi.
Naalala ko nalang bigla ang lahat ng moment naming tatlo dito sa bahay. Hindi ko talaga lubos akalain na sa huling sandali ko lang sila makakasama at panandalian lamag ang pagkawala nilang dalawa. Para sa akin, sila ang mga tunay kong mga magulang wala ng iba pa. Sila ang komompleto sa akin at bumuo. Wala na akong ibang ituturing na mga magulang kundi sila lang. Sila lang at wala ng iba.
Sa dami na siguro ng naiyak ko, mugtong mugto na ang mga mata ko. Nawawalan na rin ako ng gana sa buhay. Wala na rin ang inspirasyon ko para mabuhay pa.
"A-Anong gagawin ko gayong wala na kayo Mama, Papa?" pabagsak akong nahiga sa sahig at ipinikit ang mga mata. Pagod na pagod na ang katawan ko. Maging ang puso't isipan ko ay pagod na rin. Parang nais na rin nilang sumuko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. Kung hindi tumunog ang aking cellphone ay hindi pa ako magigising.
Tumayo ako at kinuha ang cellpgone sa loob ng aking bag na nakalagay sa center table. Ibinalik ko ang litrato nila Mama sa kinalalagyan nito bago ko sinagot ang tawag.
"Miss G?"
Si Mira.
"Bakit ka napatawag?" walang gana kong tanong.
"Gusto ko lang po kayong kamustahin. Nakikiramay po kaming lahat dito."
Bigla akong natigilan at nakadama ng pagmamahal mula sa kaniya. Maging sa iba pang mga empleyado ko. Alam ko na nag-aalala sila para sa akin at lubos ko iyong naappreciate.
"Maraming salamat.." pabulol kong sabi. halos di na ako makapagsalita ng buo dahil siguro sa walang tigil kong iyak.
"Nandito lang po kami para damayan ka, Miss G. Nandito rin po ako kung kailangan nyo ng makakasama."
"Salamat.."
"Magpakatatag po kayo. Lahat po kami rito nag-aalala sa inyo." ani pa nito.
Nakakaramdam na naman ako ng pag-iyak kaya pinilit ko iyon pinigilan. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Kailan ba mahihinto na bumaksak ang mga luhang ito?
Sa loob ng isang linggo mahigit, napapabayaan ko na ang mga negosyong pinaghirapang itayo ng mga magulang ko. Lagi akong ina-update ni Mira pero wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak na lamang. Mabuti nalang kahit papaano ay tapat na empleyado sa akin si Mira kaya naman napagkakatiwalaan ko sya sa aking negosyo.
Nauubusan na kasi ako ng lakas para panghawakan ang mga ito. Saan pa ako kukuha ng gana at lakas ng loob kung wala rin naman yung mga mahahalagang tao sa buhay ko?
"Sige Mira. Pasabihan muna ang lahat na magleave muna. Ikaw rin." walang ganang sabi ko. "Update nalang kita kapag medyo okay na ang pakirdam ko."
"Sigurado po ba kayo Miss G?"
"Yes. Don't worry about me. Im fine and doing good." pilit kong inaayos ang pananalita ko para maniwala naman ito.
"Sige po, sasabihan ko po sila." anito na medyo malungkot pa ang boses. "Condolence na rin po sa inyo Miss."
"Thank you."
Pagkatapos ng tawag ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Doon ay nagsimula na naman akong umiyak. Hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko gayong mag-isa na lang ako rito sa bahay.