Wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok dito sa bahay at halos Limang araw nang ganito palagi ang sitwasyon ko. Iyak sa gabe at iiyak ulit sa umaga. Oorder lang ako ng pagkain kapag nakaramdam ng gustom. Wala akong ganang kumilos at mas gusto ko na lang magkulong at umiyak ng umiyak maghapon.
Malaki na rin ang ipinayat ko mula nang mailibing ang mga magulang ko. Noong isang araw ay binisita ako ni Mira dito sa bahay. Kinamusta nya ako at sinabi kong ibebenta ko na ang ibang branch at tanging matitira lang ay ang unang branch na itinayo pa ng mga magulang ko.
Nalungkot namam ito hindi dahil sa pagkawala ng mga magulang ko, kundi ang kawalan ko ng gana sa buhay.
Nakakalungkot man pero wala na akong gana pang magpatakbo pa ng negosyo. Maging ang mga ibang empleyado ko ay nalungkot rin dahil sa nangyari sa akin at syempre ang pagkawala nila ng trabaho dahil isinuko ko na pati ang mga pinaghirapan ko. Anong magagawa ko eh subra akong nasaktan at nawawalan na pag-asang mabuhay.
Pinaliwanag ko naman sa kanila ang dahilan at naiintidihan naman nila ako. Binayaran ko rin ang taon na nanilbihan sila sa akin bilang mga emoleyado ko at kahit papaano ay napaluwag luwag ko naman ang mga kalooban nila. Ayuko man sanang gawin pero subra na talaga ang nararamdaman kong pagkabigo.
Ilang araw pa ang lumipas nang napag-isipan kong pumunta sa police station kung saan malapit ang pangyayaring aksidente para paimbestigahan ang nangyari. Aalamin ko kung ano talaga ang tunay na nangyari noong aksidenteng iyon sa amin ng pamilya ko at nahantong sa kawalan ng buhay ng pamilya ko.
Pagdating ko sa station ng police ay sinabi ko kaagad ang pakay ko. Nagpakilala muna ako bago ko isinalaysay ang nangyari sa mga magulang ko. Kahit nalipasan na iyon ilang linggo ay hahalungkatin ko pa rin para matahimik na rin ako at mapanatag kahit papaano. Hindi kasi ako makamove on sa nangyari. Subra akong nalugmok nang mga panahong iniwan ako ng biglaan nila Mama at Papa.
Sinabi ng isang nakakataas na posisyon na polis ang pangyayari at isang truck raw ang nakasagasa sa amin dahil ito raw ay nawalan ng preno kasabay ng pagtawid namin sa highway.
Sabi pa nila sa akin na namatay narin raw ang driver ng truck na nakasagasa sa amin. Namatay rin ito sa araw ng aksidente kasama ng mga magulang ko. Ipinakita rin nila sa akin ang kuha ng CCTV footage at buong kuha non ang nakita at napanood ko.
Doon ko na naman muling naalala ang mga magulang ko. Halos ayaw kong tapusin ang kuha ng CCTV pero tiniis ko nalang para masiguradong aksidente nga ang nangayri at hindi sinadya.
Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi at tiningnan ulit ang record ng CCTV. Nakita ko rin sa video si ate Lita na s'yang tumulong at humingi ng saklolo sa amin.
Naalaa ko ang sinabi sa akin ni Lita na wala na ang mga magulang ko. Durog na durog ako noon at muntikan ko pa itong masisi nang mapagtanto ko na isa siya sa mga tumulong sa akin.
Hindi rin ito nagtagal sa hospital dahil may pamilyang naghihintay sa kaniya kaya umuwi rin siya nang masigurong okay na ang lagay ko at mapakalma ako. Mabuti pa sya ay may pamilya pang naghihintay sa kaniya. S-Samantalang ako..
"Parang ganiyan rin ang nangyari sa pamilyang Crowford dalawangput tatlong taon na ang nakakalipas. " sabi ng matandang chief na syang nakakataas na posisyon.
"Kawawa nga yung batang yun dahil mag-isa na lamang ito at wala man lang kasa-kasama. Katulad na katulad talaga ng nangyari sayo Miss Gonzales." dagdag pa nito.
"Naalala nyo pa yun police chief inspector?" tanong ng isang pulis.
"Oo naman. Ako ang naatasan noon na mag-imbestiga sa pamilyang Crowford. Kaso kakalibing palang ng mag-asawang namatay ay ipinatigil na ang opirasyon." sabi pa ng police inspector.
"Ha? Bakit naman?" tanong naman ng isa pang pulis.
"Aba malay ko? Sinabi rin ng dating chief na namumuno sa amin noon bago ako naging inspector. Ang sabi tapos na raw ang pag-iimbestiga at itigil na ang pag-iibestigang ginagawa. Wala na raw imbestigasyong mangyayari. Yun lang tapos dinala na sa EASY FUNDS yung bata."
"Bakit naman dinala yung bata sa ampunan? Wala na bang mga kamag-anak yun para kupkupin?"
Bigla akong napalingon sa mga pulis at sa chief na nag-uusap usap. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nacurious sa mga pinag-uusapan nila. easy funds?
"Saan po dinala yung bata?" biglang singit kong tanong.
"Sa EASY FUNDS Miss Gonzales." sagot ni chief. Bigla naman akong kinabahan sa isinagot ng pulis chief. Parang may kutob na namumuo sa kalooban ko at natuon ang atensyon ko sa pangalan na binanggit nitk. easy funds.
Paulit ulit na isinisigaw ng utak ko ang pangalan ng bahay ampunan na iyon. Alam ko iyon at kilalang kilala ko ang lugar na iyon. Hindi ako nagkakamali. Iyon ang..
Ipinilig ko ang aking ulo. Alam ko kasi ang tinutukoy nila at matagal tagal na rin akong hindi nakakapunta na roon at nakakabisita.
Parang may kung anong umuudyok sa aking isipan na pumunta ako sa bahay ampunan na dati kong tinirahan bago ako ampunin nila Mama at Papa.
"Ano nga po ulit ang buong pangalan Sir? Nang pamilya?" pag-uulit kong tanong para makasiguro na tama yung pagkakasabi niya. Lumapit pa ako ng husto para sure talagang maririnig ko ang sasabihin niya.
"Ano nga ba yun? Hindi ko matandaan basta bilyonaryo ang apelyidong yun. Sikat yun at isa ang mga iyon sa mga mayayamang tao dito sa pilipinas."
"Talaga po ba?" parang hindi ko pa naman naririnig iyon. May mga alam rin kasi ako tungko sa mga industriya dahil mahil ako sa mga social media.
"Oo! Aba eh, di lang mga basta mayaman. Mahilig pa sila tumulog sa mga nangagailangan at talaga namang hinahangaan sila ng mga tao. Sa katunayan nga niyan, nalalapitan yan ng mga humihingi ng tulong kapag may problema. At bilib na bilib talaga ako dahil wala silang pinipiling tao, may kaya man o wala basta makatulong lang sila sa may kailangan. Hindi man sila kabilang sa politiko matunog pa rin sila sa bayan. Alam ko yan kasi isa kami sa mga natulungan nila. Iyon nga lang, simula nang mamatay sila ay parang hindi na rin sila nakilala pa ng mga bagong henerasyon ngayon dahil matagal nang panahon ang lumipas at natabunan na ang pangalan nila ng mga bagong usbong ngayon." mahabang sabi nito.
"Ano nga ba kasi pangalan nila? Matanda na rin kasi ako at talagang makakalimutin na. Pero ang mga kabutihang iniwan nila ay hinding hindi ko nakakalimutan. Ano nga ba kasi iyon?" ani pa nito at pilit na inaalala ang pangalan.
"Crowford po ang pagkakasabi nyo kanina." sabi ko naman.
"Crowford.. Ah! Alam ko na! Ang pangalan pala ng lalaki ay Lincoln Smith Crowford. Yun!" sabi nito kasabay ng pagpitik sa hangin. Natuwa dahil naalala niya ang pangalan.
"Ganon po ba? Sige po maraming salamat." nagpatango tango ako at pinakatandaan ang pangalan na binanggit nito. Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang pangalan nito.
Akmang aalis na ako ay muling nagsalita ang pulis
"Teka Miss! Hindi mo na ba paiimbestigahan yung kaso mo?"
Bumaling ako rito. "Hindi na ho. Wala rin naman hong masisisi sa nangyari dahil namatay na rin po ang driver." nakangiti kong sabi.
"Sabagay. Wala ka rin naman talagang sisisihin dahil wala na ang driver. Nawalan rin siya ng preno at hindi naman niya iyon sinasadya na mabangga kayo ng mga magulang mo at ikinamatay ng mga ito. Nakakasiguro akong hindi nya iyon sinadya dahil ako pa mismo ang nag-imbistiga sa kasong iyon." sabi ng isang bata bata pang pulis.
"Oo nga po. Sige po, mauuna muna po ako." paalam ko sa mga ito. Nagsitanguan lang ang mga ito sa akin at nagpasalamat naman ako bago tumalikod. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng hinahawa dahil alam kong wala naman talagang dapat sisihin gayong nakatakda naman na talaga iyong mangyari. Kahit masakit ay pipilitin kong tanggapin ang nangyari.
Nang makabalik sa aking sasakyan ay hindi ko talaga maintindigan kung bakit gustong gusto kong malaman ang tugkol sa sinabi ng pulis chief na iyon. Yung pangalan na sinabi nito ay nagpabukas sa aking isipan na muli kong puntahan ang bahay ampunan kung saan ako galing bago ako maampon nila Mama.
Bigla tuloy akong nagkainteres na alamin ang nangyari 23 years na ang nakakaraan. Kung sino ang batang tinutukoy ng mga pulis. At kung bakit walang kumupkop rito maski kamag-anak nito.
Lincoln Smith Crowford..
Ang pangalan ng lalaking sinasabi ni pulis chief. Bakit ba parang naku-curious ako sa pangalan na iyon?
Bumalik ako sa loob ng i
estasyon at kinuha ang mga pangalan ng asawa ni Lincoln at ang batang tinutukoy ng mga ito.
Binigay naman agad iyon si inspector at isinulat papel. "Maraming salamat po ulit." aniko.
Nang muli akong bumalik sa aking sasakyan ay pinakatitigan ko ang mga pangalan na nakasulat sa isang kapirasong papel.
Lincoln Smith Crowford..
Kie Mandy Crowford..
At ang pangalan naman ng batang sinasabing iniwan sa EASY FUNDS ay..
"AH!" bigla akong napadaing at nasapo ang aking ulo dahil bigla itong kumirot. Napapikit ako ng mariin sa subrang sakit ng dulot niyon.
Bumaling ako pakaliwa at kanan habang sapo ang aking ulo dahil may mga nakikita akong hindi maipaliwanag na imahe.
"Baby.. Saan mo gusto pumunta?"
Anang boses sa imaheng aking nakikita. blurd ito at hindi ko maaninag. Subrang labo. Malabong malabo..
"Baby..
"Mo-mmy?"
"AH!" napadaing akong muli. "Haa.. haa.." humahangos na umilung iling ako.
Saglit pa ang kirot at pagkatapos ay iminulat ko na ang aking mga mata. Napabaling baling pa ako dahil sa mga naririnig kong ibang boses sa utak ko. Ano ba yun?
May sumasagi sa isip ko pero hindi ko maklaro kung ano 'yun. Malabo at hindi ko maaninag kung sino at kaning boses iyon. May mga mukha pero nakakasilaw ang ilaw.
Hinilot ko na lang ng marahan ang aking sintido para mapalis ang kirot niyon. Baka epekto pa ito ng nangyari sa aking aksidente. Baka nakalog pang ng subra kaya kung ano ano na ang nakikita ko.
Pilit kong isinantabi ang mga nakikita kong imahe. Wala rin naman akong natatandaan kung anong mga pangyayari ang biglang sumasagi sa isipan ko at baka epekto nga ito ng pagkaka-aksidente ko.
Hindi rin naman ako nagtagal sa station ng pulis ay umalis na rin naman ako at umuwi na sa bahay. Naligo ako saglit at pagkatapos ay umalis rin muli.
Napag-isip ko kasi na agad na pumunta ngayon sa bahay ampunan. Sa EASY FUNDS. Hindi ko alam pero nagagalak akong pumuntang muli at siguradong matutuwa ang mga sister na kumupkop sa akin noon.
Naguguluhan ako kung bakit ko ito ginagawa. Bibisita lang naman ako pero parang kinakabahan ako sa pupuntahan ko. Mabigat rin ang paghinga ko dahil sa bundol ng puso ko na animo'y may malalim na kutob.
Wala naman akong koneksyon sa pamilyang Crowford pero bakit parang napakadisidido kong malaman ang tungkol sa kanila? Hindi rin naman sa akin popular ang pangalan nila pero wari bang matagal ko na silang kilala at hindi ko lang maalala kung paano at kailan.
Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa aking pupuntahan.