CHAPTER 8

2391 Words
"Ikaw ba yan Grace?" takang tanong ni sister Fey at pilit na inaaninag kung ako nga ba talaga ito. Siguro malabo na talaga paningin nito dahil may suot itong salamin sa mata. Ang huli ko kasi itong makita ay sabi nya mukhang nanlalabo na raw ang mga mata nya at kailangan nya nang magsuot ng salamin. At ito na nga ngayon malabo na ang mga mata at hindi pa niya ako makikilala kaagad. Mukhang kailangan nya na rin magpalit ng mas magandang salamit. "Kamusta po kayo?" tanong ko nang makalapit. "Nako! ikaw talagang bata ka. Kay tagal naming naghintay sa iyo? Bakit ngayon ka lang?" ani naman ni sister Jonie. Kasamahan ni sister Fey. Pilit akong ngumiti sa mga ito at yumakap pagkatapos ay humalik sa pisngi. "Marami po kasi aking inasikaso." malamang magugulat kayo sa nangyari. Wala pa kasi silang kaalam alam at nasisisguro akong mabibigla ang mga ito. "Kamusta naman ang mga pinagkakaabalahan mo? May asawa kana ba? May boyfriend?" "Sister, nasa kumbento tayo at hindi bagay sa atin ang ganyan." ani naman ng isang sister bago lang sa akin. Siguro bago nilang kasama. "Nagtatanong lang naman." ani sister Jonie. "Sya nga pala, ito si sister Mina. Bago lang sya rito pero matagal na syang madre. Sa ibang lugar nga lang. Nalipat lang dito dahil dumarami na kasi ang mga bata at kailangan na namin magdagdag ng tagapag bantay sa mga bata." "Ako naman ho si Grace. Dati po akong nakatira dito at sila po ang mga nag-alaga sa akin." turo ko kila sister Fey at sister Jonie. "Naikwento ka nga nila sa akin." nakangiting sabi ni sister Mina. "Maraming salamat po sa pag-aalaga sa mga batang narito. Sana ho may mga parents rin na mabubuti ang tumanggap sa kanila." baling ko sa mga batang naroon na sa palagay ko ay mga bago nga at wala na yung mga dati. May mga nag-adopt na rin siguro sa mga iyon. "Talaga ngang napakabuti mong bata. Tama nga sila sister Fey at sister Jonie na maalalahanin ka sa ibang tao. Napakaswerte ng mga magulang na tumangga sayo." anang sister Madi. Tipid lang akong ngumiti at bumaling kay sister Fey. Si sister Fey ang pinaka matagal ng naninilbihan bilang madre dito sa Easy Funds kung saan dito rin ako nakilala nila Mama at Papa. Si sister Fey rin ang unang unang nakilala ko rito sa bahay ampunan at itinuring ko ring mga magulang. Wala silang nabanggit sa nakaraan ko at wala rin naman akong balak pang alamin dahil para sa akin ay kontento na ako sa mga kumupkop sa akin. Kabilang na sila roon. Ito ang palaging nasa tabi ko noong dito pa ako nakatira. Yun nga lang, hindi naman ako nag tagal dito sa bahay ampunan dahil dumating nang mga panahong iyon sila Papa at Mama. Kaunti lang ang memories ko rito at masasabi ko na kahit sa sandaling panahon lang ang pamamalagi ko rito, naramdaman ko ang pag aalaga at pagmamahal nila hindi lang sa akin, pati na rin sa iba pang mga batang narito. Mula nang isinama ako nila Papa papuntang maynila ay bihira nalang kami makapunta rito. Naging busy kasi sila sa itinayo nilang negosyo na ngayon ay napalago ko at sa kasamaang palad ay bumalik ako sa pagkakaumpisa nila. Siguro balang araw makakapag-ispip isip rin ako. Hindi nga lang ngayon dahil wala ako sa katinuan mag-isip ng matino dahil sa mga pangyayari. "Kamusta po kayo? pasinsya na ho ngayon lang ako nakadalaw." aniko kay sister Fey. Yumakap ito sa akin ng napaka higpit. Gumanti rin ako ng yakap. Ramdam ko ang pagkamiss niya at maging ako ay namiss ko siya ng subra. Sa pamamagitan ng yakap sa akin ni sister Fey ay namiss ko kaagad sila Mama. Hindi ko na sila mayayakap pang muli. K-Kahit kailan.. "Kahit nanlalabo ang pangingi ko, alam kong may mabigat kang dinadala. Ano yu ? Sabihin mo? Makikinig ako. Ramdam ko ang sakit sa pamamagitan ng yakap mo, Grace." mahinang sabi nito. Lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya na ikinaluha ng mga mata ko. Saglit itong kumalas at napatingin sa dalawang sister na naroon. Naunawaan naman nila ang nais ni sister Fey kaya kaagad itong nagpaalam sa amin. "Tara sa loob?" alok sa akin ni sister Fey. "Matagal kitang hinintay na bumisita rito. Ano ba talaga pinagkakaabalahan mo?" anito habang naglalakad kami papunta sa loob ng bahay katabi ng kubento. Maliit lamang iyon at parang isang normal lang na bahay. "Sister.." mahina kong sambit nang nasa sala na kami. Mabigat ang salitang binitawan ko sa pagtawag sa kaniya. "Makikinig ako." sabi nito ay iginiya akong maupo sa sofa. Muli na naman namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Kwenento ko sa kaniya ang nangyari saking pamilya. Nalungkot ito dahil ako na naman daw mag isa sa buhay. Kagaya nang mapunta ako rito. Labis itong nag-alala sa akin at umiyak sa mga nalaman. "Kaya pala iba ang natatanaw ko sa iyong mukha. Napakalalim at napakalungkot ng iyong mga mata. Alam ng diyos kung gaano ka kabuti at katatag na tao kaya hindi siya nag-aalangan na bigyan ka ng mga pagsubok na iyong malalagpasan sa huli. Magtiwala at magdasal ka sa panginoon. Nagpapasalamat ako dahil ligtas ka. Siguradong alam ng iyong mga magulang na makakayanan mo itong pagsubok na ito. Manalangin lang tayo." anang sister. Yumakap siya sa akin at hindi tumigil na pinaparamdam sa akin na hindi nawawala ang diyos sa tabi ko. Palaging gumagabay basta manalig lang. Iyon rin naman ang ginagawa ko kapag nalulubog ako sa kalungkutan. Alam kong narito lang din sila Mama at Papa para subaysayan ako sa anumang mangyari. Akala pa ni sister Fey na kaya ako pumunta rito ay dahil dito na ulit ako titira. Na babalik akong muli rito. Pero mali sya ng pag-aakala. "Pasinsya kana Grace kung hindi ka man lang namin napuntahan. Ni hindi man lang namin nakausap ang Mama mo bago sya namatay." paliwanag pa ni sister Fey. "Wala po yun sister. Sa ngayon po pinipilit kong tanggapin ang nangyari. Masakit po talaga para sa akin ang mawalan ng mga magulang na lubos kong munahal ng subra." Napahikbi ako kay sisiter. "Hindi talaga basta basta nawawala ang sakit na nararamdam lalo kung ang taong nawala ay ang mahahalaga sa atin. Kaya magpakatatag ka. Malalagpasan mo ito dahil isa lang itong pagsubok." alo sa akin ni sister. Hindi alintana sa akin kung makita nya ang hitsura ko na nadudurog sa sakit. "Parang gaya noong dati. Noong dinala ka ng isang babae dito. Ilang araw ka rin namin kinakausap pero hindi ka nagsasalita. Kalaunan ay napatawa ka rin namin. Kaya alam kong matapang ka Grace. Hindi ka umuurong sa mga pagsubok. Malakas ka." ani pa ni sister. Bigla naman akong natigilan at umangat ng tingin sa kanya na basang basa ang mga mata at pisngi. "A-Ano pong ibig nyong sabihin sa unan nyong sinabi?" tanong ko. Hindi ko napansin ang huli pero ang una niyang sinabi ay nakapagpakutob sa akin. "Hindi pa ba nababanggit ng Mama mo sayo?" kunot noong tanong nito pero nanatiling kalmado at walang bakas na kaba sa mukha. "Ang ang alin po?" nagtataka ko ring tanong. Matagal niya akong pinakatitigan at saka huminga ng malalim. "Halika, sumama ka sa akin." anito at inaya ako sa loob kung saan ay isang silid. Pumasok kami sa kwarto na parang isang office room. Doon ay pinaupo ako ni sister sa mahabang sofa na naroon at may hinahanap ito sa isang drawer. Nang mahanap ay binigay sa akin ang isang brown envelope. Umupo ito sa tabi ko at pinabuksan sa akin ni sister ang inabot niga sa akin. Kahit nagtataka ay pinilit kong tingnan ang laman niyon. Doon ay lalong kumunot ang aking noo nang tumambad sa akin ang isang litrato kung saan maliit palang ako. Ito yung kuha dito sa bahay ampunan. Siguro ay nasa tatlo or apat na taong gulang ako noon dito nang mapunta ako rito. Nang tingnan ko naman ang kasunod ay nagtataka kong sinulyapan si sister. "S-Sino po ito?" tanong ko. Malamlam na tinitigan ako ni sister. "Yan ang mga tunay mong magulang Grace." "H-Ha?" gulat kong tanong. Binundol ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag. M-Magulang? Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. Napaka kalmado ni sister. Parang alam na alam na niya ang nangyari at hindi man lang siya nabibigla sa reaksyon ko. Mas ako pa ang nabibigla dahil sa pag-aamin na ginagawa niya. "Mukhang hindi mo pa nga alam." sabi pa nito. Hinawakan nito ang isa kong kamay at pinisil. "Grace.. nong dinala ka rito ng isang babaeng hindi nagpakilala, ang sabi nya napulot ka lang raw nya sa kalsada. Mukhang galing ka pa nga sa hospital dahil may mga galos kapa at may benda rin sa noo mo." saglit itong tumigil sa pagsasalita dahil napalunok ito. Maging ako ay nadadala sa tensyon at napapalunok na rin ng sariling laway. "Ang sabi nya, iiwan ka nya dito dahil hindi ka naman daw nya ka ano-ano. Kaya naman hindi kami nag alinlangan na tanggapin ka at patuluyin rito." dagdag pa nito. "E-Eh, bakit po.. W-Wala akong natatandaan?" "Ayun na nga. Nang iwan ka ng babae rito, umalis sya kaagad kaya naman hindi na namin sya natanong kung saan ka nya nakita. Hindi narin namin sya nahabol dahil bigla na lamang siyang nawala. Para sana maibalik ka kung saan ka nya natagpuan at matukoy namin kung sino ang iyong mga tunay na pamilya." "Nagbaka sakali rin kami na may maghanap sayo at kunin ka." dagdag pa nito. "Pero wala kaming nabalitaan na may hinahanap na bata. Nagtanong tanong na kami kung saang hospital kung saan ka galing pero wala talagang nakakakilala sayo." Nakatitig lang ako sa kanya habang nakikinig sa kwento. May kaba at takot akong nararamdaman pero sa kabila niyon ay nanatili akong walang imik. "Tinatanong ka namin kung anong pangalan mo pero hindi ka naman nagsasalita. Kami na nga rin ang nagbigay ng pangalan mo at akala nga namin pepe ka eh." natawa pa ito sa huling sinabi nya. "Habang tumatagal wala talaga kami nakuhang impormasyon tungkol sayo. Hanggang sa unti unti ka ng nakakarecover at nakikipag laro kana sa mga ibang bata rito." patuloy pa nito. Tumingin ito sa ibang direksyon. "Isang buwan ka ng namamalagi rito noon nang dumating ang mag asawang Gonzales na iyong kinalakihang magulang ngayon." sabi nito sabay tingin ulit sa akin nang nakangiti. "Ikaw agad ang una nilang nakita. Nagustuhan ka nila kasi mukha ka raw angel sa paningin nila at mahinhin ka pang bata." Hinaplos nito ang mahaba kong buhok. "Dahil sa kagustuhan nilang magkaroon ng anak, pinakiusapan nila ako na ikaw ang magiging adopted child nila. Hindi na ako naka tanggi pa dahil disidido na talaga ang mag asawa. na magkaroon ng sariling anak. Kaya imbes na hanapin ko kung sino ang mga tunay mong magulang ay sila Mrs. Gonzales na lang gumawa non para sa akin." Bigla akong natigilan at hindi kumurap na nanatiling nakatingin sa kaniya. "S-Sila-Papa?" tanong ko. "Oo. Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng dalhin ka nila sa maynila ay bumalik sila rito. Sinimulan na nilang paimbestigahan ang tungkol sayo." saglit itong natigilan. "A-Ang sabi ng Papa mo.. A-Aksidente ang ikinamatay na mga magulang mo. M-Maswerte ka nga raw at nakaligtas ka pa." Maya ay nalungkot ito sa mahaba nitong sinabi. "P-Pero sister.. Si-Siino yung nagdala sa akin rito? Yung sinabi nyong babaeng nagdala sa akin rito?" tanong ko. Seryuso lang akong nakatingin at nakikinig sa mga sinasabi niya. "Iyon ang hindi alam ng Papa mo. Ang alam nya lang ay isang makapangyarihan ang mga magulang mo at dahil sa bilyonaryo ang mga ito ay maraming gusto magpabagsak sa pamilyang ito." Nangunot muli ang noo ko sa sinabi ni sister. "M-Makapangyarihan?" bawat salitang sinasabi ni sister ay nakakapagbigay sa akin ng kuryusidad. Na nais kong malaman at marinig ang mga sasabihin niya kahit nakakagulat sa aking pandinig. "Yun ang natuklasan ng Papa mo. A-At ang aksidenteng nagyari ay baka raw hindi lang nagkataon. Na baka raw sinadya ang nangyari para mamatay ang tunay mong mga magulang at sa tingin ko ay tama ang mga natuklasan ng iyong ama, Grace." Nag parte ang mga labi ko. Hindi ko alam kung naniniwala ba ako sa mga nalaman ko o sadya nga ba talagang masalimoot ang tadhana ko? Totoo nga ba na ganito ang sinapit ng tunay kong mga magulang? Sila ba talaga ang mga magulang ko? Pinakatitigan ko ang hawak kong litrato na ako rin naman ang nasa larawan. "Iha.." Tumingin ito ng seryuso sa akin. "I-Ikaw si Linskie.. Linskie Marie Crawford ang tunay mong pangalan.." Umawang ang labi ko sa narinig mula kay sister Fey. Hindi makapaniwala. Ilang beses pa ang ginawa kong pagkurap kurap at kalaunan ay agad akong natigilan na napatitig ng mabigat sa kanya. I-Ibig bang sabihin.. Yung sinasabi ng pulis chief ay.. A-Ako? ako ba talaga yun? Napasinghab ako. Naitakip ko rin ang mga kamay sa aking bibig dahil naalala ko ang pangalan ng batang isinulat ng police inspector sa maliit na papel. Tiningnan ko pa ang ibang laman ng invelope. Natataranta akong ginalugad ang laman nyon at isa isang inilalabas. Naroon ang mga ebidensya na naglalaman na hindi lang basta aksidente ang nangyarin 23 years na ang nakakaraan. Mayroon din hospital record kung saan doon naisugod ang mga tunay kong magulang. Kasama rin ang record ng batang babaen sinasabi ay ako. "Si-Si Papa..." aniko ko habang maluha luhang nakatingin sa litratong kinuhanan habang nakahandusay sa kalsada. Ito yung kuha sa imbestigasyon na nagsasabing ito si Lincoln Smith. "G-Ginawa ba talaga ito ni Papa?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa hawak ko. Napakabuti talaga ng mga tumayong magulang ko. Na kahit hindi naman nila dapat gawin ay ginawa pa rin nilang hanapin ang mga tunay kong magulang. Hindi nila ipinagdamot ang karapatan ng mga tunay kong magulang na kung tutuusin ay pag-aari na nila ako. Pero sadya ngang mabubuti silang magulang para sa katulad kong naulila sa mga tunay na pamilya. "Oo at tama ka ng iniisip, Grace. lihim na nag imbestiga ang Papa mo at hindi naman nya dapat gawin. Sinabi nya sa akin ang mga natuklasan nya habang ibinigay nya naman yan nila sa akin." turo nito sa brown envelope na at mga litratong hawak ko. "Ikaw ang anak ni Mr. Crawford na kilala sa industriya at pinakamayamang tao sa buong mundo." sabi pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD