Author's note!!!

410 Words
Ako po humihingi ng paumanhin sa inyong lahat, sa mga naghihintay ng update at sa mga nagtitiwala sa akin sa story na ito. Ako po ay lubos na humihingi ng tawad dahil sa hindi ako nakakapag update. Ako po kasi ay may trabaho at sa mga panahon po ngayon ay kalakasan ng trabaho namin. Pumapasok po ako ng 4am ng madaling araw at dahil malakas ang production namin ay nag oovertime po ako at ang uwi kona po ay 10pm ng gabi. Wala na po akong time para makapagtype dahil subrang pagod ko po sa maghapon. Halos hindi narin po ako makilala ng mga kasama ko sa bahay dahil madilim pa ako umaalis at madilim narin po ang dumadating sa bahay. Sana maunawaan nyo po ako. Ang hinihingi ko lamang po sa inyo ay ang mahabang pasensya. Maunawaan nyo po sana ako. Tanging pagsusulat po ng kwento ang nagpapasaya sa akin at dahil po mas priority ko yung magkaroon ng pera para makatulong sa pamilya ay mas nagtyatyaga po akong magpakapuyat at magpakapagod sa trabaho para makatulong sa pamilya ko. Sana ay nariyan pa ho kayo para suportahan ako. Nakikita ko at nababasa ang mga comments nyo. Sa totoo po ay nasasaktan ako sa mga ibang nagcocomments at nalulungkot narin syempre dahil may umaasa sa update ko at may naghihintay. Iyon nga po nasabi ko sa una ay 4am to 10pm po ang oras ng trabaho ko. Mag dedecember na po kasi at magpapasko na kaya todo overtime kami ngayon. May nakakaalam naman po siguro sa inyo kung ano pong trabaho ang production worker. Nakakapagod po at kapag panahon ng kalakasan ay talagang parang ayaw kana pauwiin ang supervosor kasi gusto nila matapos kaagad ang trabaho dahil may dadating na naman panibagong item. At isa pa po ay may pasok pa kami sa linggo at hindi po talaga ako nawawalan ng bakante. Ganoon po kalakas ang pagiging pakyawan sa warehouse. Iyon lang po ang nais kong sabihin. Konting hintay pa po at makakapag update rin ako kapag may time. Time lang po hinihingi ko sa inyo at mahabang pasensya. Huwag naman po kayong magcomment na magpapaapekto ng lubos sa akin. Kahit po ako nahihirapan dahil marami naghihintay at umaasa sa update ko pero natatagalan sa pag update. Pero kahit ganoon po ay nagpapasalamat po ako sa inyo, sa pagsubaybay sa mga kwento ko. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!!! god bless us po sa inyo mga kumareng maretes!!! XD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD