Chapter 14

1217 Words
Dale's POV Ilang oras ang naging byahe namin nang makarating kami sa Maynila. Napatingin ako kay Kyle, halata sa mga mata nito ang labis na paghanga sa dinadaanan namin. Nakikipagusap lang ito sa driver pagkatapos tatahimik na ulit. "Ang laki ng mga billboard tsaka masyadong masilaw ang mga ilaw." "Naku sir, ganyan talaga dito sa Maynila. May mas malalaki pa diyan, ipapakita ko sayo kapag dumaan tayo sa edsa." "Sige ba. Bawal kasi mga ganyan kalalaki sa baguio, pinapatanggal ng mayor namin." Pumasok na ang sasakyan namin sa village na tinitirahan namin. "Ma'am, Sir nandito na po tayo. Ibaba ko nalang po yung mga gamit niyo." "Thank you." Nauna akong bumaba ng sasakyan, pinagbuksan ko ng pinto si Kyle. "Nandito na tayo sa bahay natin." "Bahay niyo. Ang laki ng bahay niyo." Madiin ang pagkakasabi niya ng salitang niyo. "Asawa kita kaya bahay natin to. Tara na pasok na tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak papasok ng bahay. Wala akong pinagsabihan na kasama ko si Kyle, gusto ko kasi silang isurprise. Tsaka wala naman akong kasiguraduhan na sasama siya, nagulat na nga lang ako nang sumipot ito sa usapan namin. Pagpasok namin sa loob. Hindi ko alam na naghihintay na pala sila sa pagdating ko, kaya sabay sabay silang napatingin samin. "Daddy." Boses ng anak ko. Tumakbo ito papalapit kay Kyle. Namumukaan niya parin pala ang Daddy niya. "Your alive. I missed you so much Dad." Tumulo ang luha ko hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na kasiyahan. Hindi ko na-imagine na darating ang araw na makikita kong magkayakap ang mag-ama ko. "Anak mo siya. Siya si Kyle Jr." Sabi ko. Yumakap din ito ng mahigpit sa anak niya. Actually hindi ko na dapat sasabihin eh, alam ko naman na nararamdaman niya ito dahil sa lukso ng dugo. Lumuhod ako para magpantay kami ni Kyle Jr. "Baby, he can't remember us." "Why Mom? What happen to Daddy?" Tanong niya. "He has amnesia baby, pero okay lang naman yun diba. Pwede natin kalimutan ang nakaraan at magsimula ulit. Gagawa tayo ng bagong happy moments with your Dad." Tumango nalang ito. Gusto ko man silang bigyan ng oras pero alam kong pagod si Kyle sa byahe. Masaya din na nagpakilala sila Mamita, this time kalmado na ang lahat. Wala ng iyakan, masayang masaya sila na sa wakas umuwi na si Kyle. "Nagugutom ka ba? Ipapahanda kita ng pagkain sa katulong." "Hindi. Gusto ko ng magpahinga." Pilit nalang akong ngumiti. Naiintindihan ko naman siya, hindi madaling mag-adjust sa ganitong buhay. Sinamahan ko siya sa magiging kwarto namin. "Ito ang kwarto natin. Kapag hindi mo gusto yung kulay pwede natin papalitan. Sabihin mo lang." Nilibot nito ang paningin niya nang huminto ito sa picture frame na nasa tabi ng kama. "It's you Kyle. Ito yung first picture natin noong nagdate tayo sa carnival." Pagkatapos kinuha ko yung isang picture namin na nakahawak siya sa tiyan ko habang nakahalik sa noo ko. "Ito naman yung pinagbubuntis ko si Kyle Jr. Ito yung pinakahuling picture natin mula nang mawala ka." Flashback "Dapat may picture tayo. First baby natin ito, tapos lalaki pa." Sabi ni Kyle. Napakamot ako sa ulo, ayoko kasing gumalaw ng gumalaw. Gusto ko lang matulog buong araw, para akong hinihila ng kama. "Kailangan ba yun? Pwede bang sa ibang araw na lang. Inaantok ako eh." At humikab ako. "Sinabi mo narin yan 2 weeks ago." Yumakap ito sa likuran ko. "Souvenir natin ito. Para kapag dumating yung panahon na matanda na tayo, maaalala natin yung mga ganitong pangyayari sa buhay natin." Pumikit ako at dinama ang halik nito sa noo ko. "Just smile baby." Biglang may nagflash na camera sa gilid namin. "Yun na yun? Hindi naman ako ready. Baka mamaya ang pangit ko diyan." Nakasimangot na sabi ko. Kinuha niya yung camera at tiningnan ito. Nang-aasar pa talaga ang loko. Akmang kukurutin ko siya nang ngumiti ito ng nakakaloko. "Kahit ano namang angulo mo, maganda ka parin sa paningin ko. Tsaka ito talaga ang perfect timing, hindi peke ang emosyon natin." Humalik ito sa pisngi ko. "Hindi ko muna ipapakita sayo." "Bahala ka! Ang kulit mo, matutulog muna ako kaya iwanan mo muna ako." End of Flashback "Pwede bang iwanan mo muna ako." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Kyle. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, susulitin ko ang oras at minuto na makasama siya. Hindi ko na sana hinayaan na mawala siya sa tabi ko kahit isang minuto lang. "Sige. Magpahinga ka na." Sabi ko at lumabas ng kwarto. Gusto ko sanang tumabi sa kanya sa pagtulog ngunit nahihiya ako. Siguro bukas nalang, para rin makapagpahinga siya ng maayos. Kyle's POV Kasalukuyan akong nakahiga sa malambot na kama, hindi ako makatulog naninibago ako parang hinahanap hanap ng katawan ko yung papag. Napatingin ako sa mga litraro na nasa tabi ng higaan. Kamukhang kamukha ko yung lalaki dito, para kaming kambal. Napangiti ako nang makita ang picture ng batang lalaki kasama ang babae. "Daddy. I missed you." Sabi sakin ng batang lalaki kanina, hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin pero ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Halata sa mga mata nito ang labis na pangungulila sa ama. Naaawa ako sa kanya, sa kanilang mag-ina. Hindi ko man naramdaman kung paano mawalan ng mahal sa buhay pero alam kong masakit ito. "Ikaw si Kyle ang asawa ko." Bawat patak ng luha sa mata ng babaeng yun, alam mong may malalim na pinanghuhugutan. Nagsama sama ang kanyang emosyon, lungkot, sakit at pangungulila. Kung pwede ko lang turuan na makaalala ang sarili ko ginawa ko na. ---------- Minulat ko ang aking mata, mukhang mahaba ang naging tulog ko. Wala kasi akong narinig na manok sa labas. Naghilamos muna ako bago bumaba. Nasa sala palang ako nang marinig ang kwentuhan nila. "Daddy, let's eat." Ngumiti lang ako dun sa bata, niyaya narin nila ako. "Kumain ka ng marami Kyle." Sabi nang babae pagkatapos sinandukan ako ng kanin. Dale pala ang pangalan niya. Nakakagutom naman, ang daming pagkain na nakahain sa lamesa parang hanggang bukas na ito. "Kyle kumain ka lang ng marami pagkatapos magbihis ka na. Mamimili tayo ng mga gamit mo." "Aalis kayo? Sino ang maiiwan kay Kyle Jr.?" Tanong ng matanda. "Paps Luca." Napatingin kaming lahat nang tumakbo si Kyle Jr. "Hi buddy. How's your vacation?" Napakunot ang noo ko. Bakit Paps ang tawag niya sa lalaking yan? Sino siya? Mukhang hindi ako napansin nito kaya dumiretso ito kay Dale pagkatapos ay humalik sa pisngi nito. Bumilis ang t***k ng puso ko? Impossibleng masaktan ako sa nakikita ko. Lumapit ito sa dalawang matanda at nagbigay galang. "Okay lang Paps. May papakilala ako sayo." Sabi ni Kyle Jr. "Daddy, si Paps Luca. Paps ang Daddy Kyle ko." Nanlaki ang mata ng lalaki. Para siyang nakakita ng multo na nasa harapan ko. "Luca pare." Nauutal na pakilala nito. Nilahad niya ang kanyang kamay. Parang familiar ang lalaking ito, may kaboses siya sa panaginip ko. "Agapito." Pakilala ko. "Nice meeting you. Aalis narin kami. Tara na Kyle Jr." Mabilis itong umalis sa harapan ko. "Magiingat kayo ha. Iuwi mo ng ligtas ang anak ko Luca." Bilin ni Dale. Kakaiba ang lalaking yun, base sa galaw at tingin nito sakin. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD