Chapter 13

1188 Words
Kyle POV "Wala ba kayong narinig? Umalis na kayo." Sigaw ko ulit at tinuro ang pinto. Pinunasan nung babae ang luha niya at lumabas, kaagad kong sinara ang pinto. "Narinig ko ang lahat ng pinagusapan niyo. Pero gusto ko ulit marinig galing mismo sa bibig mo habang nakaharap ako. Sino ka? Sino kayo?" Nagsimula nang tumulo ang luha ko. "Sorry Agapito. Patawarin mo ako." "Hindi yan ang gusto kong marinig. Pamilya ko ba talaga kayo? Paano niyo nagawa sakin to." "Natagpuan ka namin sa gubat. Hindi namin alam kung saan ka galing. Alam ko naman na mali ang ginawa ko, tinago kita at nagsinungaling ako sayo." Akmang lalapitan ako nito nang umiwas ako. Binigay ko ang lahat sa kanila, sinakripisyo ko ang buhay ko kasi akala ko nasa tamang pamilya ako. "Bakit? Bakit niyo nagawa ito?" "Noong nalaman namin ni Tatay na hindi ka makaalala, dun pumasok sa isip ko na magsinungaling at paniwalain kang asawa ko. Ibabalik naman sana kita eh. Pero ilang buwan at taon ang lumipas walang naghanap sayo, kaya akala ko wala ka ng pamilya, na ikaw na ang binigay samin ng diyos." "Hindi ko na alam." Umiling ako at lumabas ng bahay. Sobrang sakit ng ginawa niya, naturingan ko pang asawa ang naglihim sakin. Nangako kami na hindi magsisinungaling sa isa't isa, pero buong buhay ko pala binubuo lamang ng isang kasinungalingan. Ayoko munang umuwi, baka may masabi akong hindi maganda sa kanila. Gusto ko munang pakalmahin ang sarili ko, mabuti nalang hindi ko inalis ang pera na nasa bulsa ng pantalon ko. Kumain muna ako sa karinderiya pagkatapos tumambay sa lugar na kung saan wala masyadong tao. Lumipas ang ilang oras naisipan ko nang umuwi ng bahay, hindi ko nalang sila papansinin. Malapit na ako nang makarinig ng sasakyan ng brgy tanod, nakita ko si Hilda na may posas sa kamay at may nakaalalay sa kanyang dalawang lalaki. "Agapito tulungan mo ako." Umiiyak na pakiusap nito. Tila nanlambot ang puso ko, hindi ko kayang makulong siya, asawa ko parin siya. Lumapit ako sa kanila. "Saan niyo dadalhin ang asawa ko?" "Sa presinto, k********g ang ginawa ng babaeng ito." "Agapito please tulungan mo ako. Ayokong makulong." Pilit itong pinapasok sa sasakyan. Hindi ako makalaban kasi alam kong pagtutulungan nila ako. "Agapito nagmamakaawa ako." "Tutulungan kita Hilda. Hintayin mo ako." Sigaw ko habang nakatingin sa papalayong sasakyan. May lalaking lumabas sa loob ng bahay namin, namumukaan ko siya. Siya yung kasama nung mga babae kaninang umaga. "Sir dalhin mo ako sa amo mo. Kailangan ko sila makausap." Pakiusap ko sa lalaki. Tumitig ito sakin na parang may naalala at kaagad na tumango. Mabilis kaming nakarating sa bahay nito, sinamahan pa niya ako sa loob ng bahay. "Ma'am Dale." Tumingin yung babae sakin. "Kyle." Kaagad itong yumakap sakin. "Kyle bumalik ka." Sabi niya ngunit tinulak ko siya. "Bakit mo ipakukulong si Hilda? Asawa ko siya." "Ako ang asawa mo. Nilayo ka niya sakin. Ano bang hindi mo maintindihan dun? Bumalik ka na samin please." Umiiyak na sabi niya. Umiling ako. "Patawad po. Hindi ako babalik sayo, kailangan ako ni Hilda. Kailangan ako ng asawa ko. Please hayaan mo na kami." Nag-igting ang panga nito. "Mabubulok siya sa bilangguan kung ganun. Para sabihin ko sayo, hindi biro ang kidnapping." Matalim akong tiningnan nito. "Ano bang gusto mo?" "Sumama ka sakin sa Maynila. Ipapagamot kita Kyle." Napapikit ako. Ano bang magagawa ko? Wala naman akong sapat na pera para pakawalan si Hilda sa kulungan. "Pumapayag na ako. Hayaan mo lang akong makapagpaalam sa kanya." Sabi ko at tumalikod dito. "Isang araw lang pagkatapos bumalik kana dito." Hindi ko ito pinansin. Kailangan ko nang pumunta sa presinto para makita sa Hilda. Pagpunta ko dun, pinakawalan naman ito kaagad. "Salamat Agapito. Umuwi na tayo." Hinatak ako nito palabas ng presinto. Sumakay lang kami ng trycicle. Pagdating sa bahay sinalubong nito si Tatang. Nagpunta kaagad siya sa kwarto at kumuha ng malaking bag. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko, nilalagay niya kasi ang mga damit namin sa bag. "Aalis na tayo sa lugar na ito, pupunta tayo sa malayong lugar yung hindi nila tayo makikita." "Hindi, walang aalis." "Anong ibig mong sabihin?" Napaupo ito sa kama. "Kapalit ng kalayaan mo ang pagsama ko sa kanya sa Maynila" "Iiwan mo ako, kami ni Tatang?" Umiiyak na tanong niya. "Patawad Hilda. Ayokong makulong ka." Lumuhod ako sa harapan nito. "Ginagawa ko ito para sayo kasi mahal kita. Pangako babalikan kita, aayusin ko ang lahat tapos babalikan kita." ---------- Dale's POV "Dale sigurado ka ba sa desisyon mo?" Napatingin ako kay Mamita nang magsalita ito."I mean, what if mahal niya talaga ang babaeng yun?" "Mamita ako ang asawa niya. Masama ba na bawiin ko kung ano yung akin?" Mula noon hanggang ngayon ganito ang buhay ko, laging nakikihati sa iba, laging may kulang. Kailan ba ako magigising na ako naman ang nasa unahan at hindi 2nd choice lang. Napapikit ito. "Alam ko Dale. Kahit ako galit ako sa babaeng yun dahil sa ginawa niya, pero anak ko parin si Kyle. Gusto ko siyang sumaya, bilang ina gusto ko siyang suportahan kung saan siya sasaya." Tumulo ang luha ko. "Kahit alam niyong may masasaktan?" Umiwas ito ng tingin. "Alam ko po ang nararamdaman niyo kasi ina rin ako. Hindi lang yung sarili ko yung pinaglalaban ko, kundi pati yung sa anak ko na apo niyo. Gusto ko siyang mabigyan ng buong pamilya kasi hindi ko naranasan yun noon." "Sana po kesa magsalita ka sakin ng kung ano ano, ilagay niyo muna yung sarili mo sa kinatatayuan ko, tutal ina karin naman na katulad ko." Umalis ako sa harapan niya at umakyat sa kwarto ko. Napasandal ako sa pinto. Dapat maging masaya ako, pero bakit kabaliktaran. Akala ko okay na ang lahat, pero may panibago na namang pagsubok. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang, masyado na akong kota sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Mahirap bang humiling na maging masaya, pagkakatanda ko naman, hindi ako naging masama sa ibang tao. Wala naman akong tinatapakan. Bakit ganito nalang palagi? ----------- Nakatayo ako sa may pinto. Dalawang araw na ang lumipas, isang araw lang ang palugit ko kay Kyle ngunit hindi ito dumating. Kaninang umaga umalis na pa Manila sila Lola kasama si Kyle Jr. Nagpaiwan muna ako sandali, nagbabakasakaling dumating si Kyle. Maya maya aalis narin ako. 'Oo, umaasa parin ako hanggang ngayon. Gustong gusto ko na nga siyang sugurin sa bahay ng Hilda na yun.' "Manong pakilagay na yung mga gamit ko sa sasakyan. May kukunin lang ako sandali sa kwarto tapos aalis na tayo." "Sige po Ma'am." Umakyat ako sa kwarto para kunin ang handbag ko. Nagcheck narin ako kung may mga gamit na naiwan sa mga kwarto. Habang pababa ng hagdan nakita kong may lalaking nakatayo sa may pinto. "Kyle." Tawag ko. Nakangiti akong lumapit sa kanya. "Dumating ka." "Agapito po ang pangalan ko. Tumupad ako sa usapan, kaya wag mong gagalawin ang asawa ko." Nawala ang ngiti ko sa mukha. Napilitan itong sumama nang dahil sa kinikilala niyang asawa. Sumakay ito sa sasakyan, sa tabi ng driver. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD