Dale's POV
"Ingat ka ha." Pagpapaalam namin kay Luca. May emergency daw kasi sa Maynila kaya kinailangan niya ng umuwi. Four days din siyang nanatili dito sa baguio. "See you in Manila."
Malungkot na yumakap si Kyle Jr. "We will miss you Paps. See you in Manila."
"Yes kiddo. Always take care of youself and your Mom ha." Kindat nito kaya napailing nalang ako.
Sa ilang araw nitong pananatili dito mas lalo ko itong nakilala. Ang totoo niyan pagdating namin sa Manila, sasabihin ko na sa kanya na pumapayag na akong magpaligaw.
"Ingat ka hijo."
"Sige po. I have to go." Pagpapaalam niya, pagkatapos sumakay sa sasakyan niya. Binuksan nito ang bintana at kumaway samin, nang makalayo ang kanyang sasakyan saka kami pumasok sa loob ng bahay.
"Hindi pa pala tayo nakakapunta sa night market. Tara punta tayo." Alok ni Mamita. Naku gagala na naman sila. "Dale, sumama ka. Mabilis lang tayo."
Paano pa ako makakahindi? Hindi naman nagtanong, kundi nag-utos.
"Lola hindi na ako sasama. I will sleep na." Singit ni Kyle Jr. Naunahan pa tuloy ako, ayaw ko narin sanang sumama kasi sobrang lamig sa labas.
"Sige maiwan ka nalang apo ko. Mabilis lang naman kami duon." Sabi ni Mamita.
Binilinan ko ang kasambahay na samahan muna si Kyle Jr. sa kwarto niya habang wala kami. Humalik ako sa noo nito. "Goodnight my prince." Sabi ko. Napagod din ito kasi naglaro muna sila ni Luca bago umalis.
"Goodnight Mommy." Humalik ito sa pisngi ko.
Nagsuot ako ng jacket kasi sobrang lamig sa labas. "Let's go." Pagyayaya ng dalawang matanda, nagpahatid nalang kami sa driver para mabilis.
Ganun parin naman ang tinda dito sa night market sa baguio, may mga street foods din sa gilid. Marami din ang taong namimili , yung iba nga mga foreigner pa.
Mabilis na lumipas ang oras, hinayaan ko lang na maglakad lakad ang dalawa. Nakasunod lamang ako sa kanila.
Nakakita ako ng cute na keychain, naisip kong magugustuhan ito ni Kyle Jr. kaya bumili ako.
"Magkano po ito? Pabili ng dalawa." Sabi ko sa tindera. Isa sa anak ko at isa para kay Luca.
"Iplastic pa po Ma'am?"
"Sige, paplastic nalang." Inabot nito ang nabili ko pagkatapos binayaran ko na.
Naglakad ako ulit ngunit hindi ko na makita sila Mamita, mukhang nauna na sila.
Babalik nalang ako sa sasakyan para duon nalang kami magkita kita.
Habang naglalakad may nakabunggo sakin na lalaki kaya nahulog ang plastic na hawak ko. "Sorry po, nagmamadali kasi ako." Hinging pasensya nito at mabilis na umalis. Umiling nalang ako at pinulot ang plastic nang biglang pumasok sa isip ko ang pamilyar na boses nito.
Sinundan ko ng tingin ang lalaki. "Kyle." Sigaw ko, hindi ako pwedeng magkamali. Boses niya yun. "Kyle." Nagsimula nang tumulo ang luha ko.
Mas lalong dumami ang mga tao, para akong natabunan at nawalan ng pag-asa na makita ang lalaking kaboses ni Kyle.
Tumakbo ako, bahala na kung saan dalhin ng mga paa ko.
"Kyle." Sigaw ko ulit nang may humintong lalaki na nakatalikod sakin.
Dahan dahan itong humarap sakin.
Para akong napako sa kinatatayuan ko, bumagal ang takbo ng mundo. "Kyle." Nahihirapang sabi ko.
Napahagulgol ako. Lumapit ako dito at sinuri ang mukha nito. "Ikaw nga. Ikaw si Kyle, ikaw ang asawa ko." Naguguluhan itong tumingin sakin. "Anong nangyari sayo? Anong ginawa nila sayo?"
"Hindi kita kilala. Baka nagkamali ka lang Ms." Tila gumuho ang mundo ko sa sinabi nito.
"Hindi mo ako nakikilala? Ako to. Si Dale, ang babaeng mahal mo."
Umiling ito. "Sorry hindi kita maalala."
"Ano na naman ba ito Dale?" Tanong ni Mamita pagkatapos ay napatingin kay Kyle. "Kyle. Oh God anak ko." Hindi makapaniwalang sabi ni Mamita, yumakap kaagad ito kay Kyle. "Anak ko buhay ka."
"Agapito tara na." Napatingin kami sa babaeng nagsalita sa likuran namin. May kasama itong matanda na nakatungkod.
"Sorry po, hindi ko po kayo matandaan. Kailangan ko na pong puntahan ang asawa ko." Umalis ito sa harapan namin na parang wala lang nangyari.
Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko sa sakit. Bakit ganito? Hindi niya kami maalala at sino ang babaeng yun? Ang dami kong tanong na gustong gusto kong masagot niya.
----------
Kyle's POV
"Agapito sino yung mga kausap mo kanina? Mukhang mayayaman ha." Tanong ni Tatang, kararating lang namin dito sa bahay.
Kinuhaan ko ito ng tubig na maiinom. "Hindi ko po kilala. Sabi nila kilala daw nila ako."
Nagkatinginan ang mag-ama. "Naku! Wag kang maniwala duon, baka mga sindikato yun. Dalhin ka sa Maynila at gawing macho dancer, ganyan ang modus ng mga mayayaman ngayon." Paliwanag nito.
"Maghain ka na Agapito. Sabay sabay na tayong kumain ni Tatay, may tira pa akong paksiw na isda." Sinunod ko ang utos ni Hilda.
Sabay sabay kaming kumain tatlo. Naghati lang kami sa dalawang isda, hindi kasi kami nakabili ng ulam sa karinderya dahil sa pagmamadali.
"Nga pala may order si Mang Berto ng keychain, isang daan daw sa lunes mo ideliver. Naubos na kasi yung mga ginawa mo noong nakaraang linggo." Tumango nalang ako at nagligpit nang kinainan namin.
Nagpahangin muna ako sa labas kasi hindi pa ako inaantok. Hindi rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina, naaawa ako dun sa babaeng umiiyak.
"Ikaw nga. Ikaw si Kyle, ikaw ang asawa ko."
"Anong nangyari sayo? Anong ginawa nila sayo?"
Siguro kamukha ko yung Kyle na sinasabi nila, pero nakakasiguro naman akong hindi ako yun. Agapito ang pangalan ko, asawa ko si Hilda. Wala pa kaming anak sa pitong taon naming pagsasama, sabi niya hirap daw kasi siyang magbuntis.
"Nandiyan ka lang pala. Pasok na tayo, malamig na sa labas." Napangiti ako nang marinig ang boses ng asawa ko.
Mahal ko si Hilda kahit na minsan parang may kulang sa kanya na hindi ko alam. Ganun naman talaga sa isang relasyon diba, hindi perpekto may pagkukulang tayong lahat lalong lalo na sa isat isa.
Sinara ko ang pinto at tumabi sa kanya sa pagtulog. Sigurado akong pagod siya sa paggawa ng strawberry jam, marami kasing tourista ngayong linggo. Sa bagay parehas naman kaming pagod, tumutulong ako sa pagbubuhat ng mga sako ng bigas sa palengke para sa pandagdag kita.
Kahit ganito ako, pangarap kong makaahon sa kahirapan, gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang asawa ko pati narin si Tatang. Gusto ko kapag nagka-anak ako hindi niya maramdaman ang hirap ng buhay, gusto kong ibigay ang lahat lahat ng meron ako.
Mabilis lang akong nakatulog dahil sa sobrang pagod.
"Ako to. Si Dale, ang babaeng mahal mo. Bakit hindi mo ako nakikilala?"
Napamulat ako nang makita ang mukha ng babae kahapon. P*ta! Ano bang nangyayari sakin? Mula kagabi hindi na mawala sa isip ko ang mukha ng babaeng yun.
Tumayo ako sa papag, wala na si Hilda sa tabi ko nauna na ata itong bumangon. Akmang lalabas na ako ng kwarto nang marinig ang boses ni Hilda habang umiiyak. Sumilip ako kung sino ang kausap nito, laking gulat ko nang makita ang babae kahapon kasama yung dalawang matanda.
Paano nila nalaman na dito ako nakatira?
"Nakita namin siya sa gubat. Hindi namin alam ni Tatay kung sino siya, hindi namin alam ang gagawin, naisip namin na baka may gustong pumatay dito kaya tinago muna namin siya hanggang sa magising siya."
"Kailan niyo siya natagpuan?" Tanong nung matanda na tinawag akong anak kagabi.
"Hindi ko na po matandaan. Siguro mga limang taon na ang nakakalipas."
"Noong nagising siya. Bakit hindi kayo tumawag ng mga pulis?" Tanong nang babae, bakas sa mukha nito ang labis na pagtitimpi.
"Noong nagising siya, hindi niya alam ang pangalan niya. Nakatulala lang siya, hindi namin siya makausap."
"May mga taon kayo na pwedeng isurrender si Kyle. Bakit hindi niyo ginawa? You take advantage of him, inasawa mo siya, nag-imbento ka ng kwento para mapaniwala na mag-asawa kayo diba."
Umiling si Hilda. "Mahal ko si Agapito."
Napapikit ako sa sinabi niya. Ang sakit para sakin ng ginawa niya.
"Kyle ang pangalan niya hindi Agapito. Ang kapal ng mukha mong sabihin ang salitang mahal. Ipapademanda kita at sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa bilangguan." Duro niya kay Hilda at Tatang.
Kahit ako hindi makapaniwala sa mga nalaman ko, ibig sabihin hindi ko tunay na asawa si Hilda, na napulot lang nila ako sa gubat.
"Wag naman po." Akmang lalapit ito nang itulak ng babae. "Wag mo kaming ipakulong. Patawarin mo kami, minahal ko lang naman siya eh."
"Hindi yan rason para itago ang asawa ko. Araw araw akong pinapatay ng sakit sa pagkawala niya tapos nandito lang pala, inaangkin ng ibang pamilya."
Lumapit ulit si Hilda nang sampalin ng ubod ng lakas ng babae. Oo galit ako pero wala siyang karapatan na saktan ang asawa ko.
"Tama na. Wala kang karapatan na saktan ang asawa ko." Sigaw ko.
Lumapit ako kay Hilda para tulungan itong tumayo.
"Kyle sumama ka na samin. Please kailangan kita, kailangan ka namin."
Umiling ako. "Patawad pero hindi ako sasama sainyo. Nandito ang tunay kong pamilya kaya umalis na kayo."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.