Chapter 11

1343 Words
Dale's POV "Eat a lot anak." Sabi ko kay KJr. Excited kasi ito dahil mamamasyal kami sa isa sa tourist spot dito sa baguio, sa burnham park. Gusto niya kasing sumakay sa kabayo at magboating. "Mommy I need another jacket. It so cold outside." "Okay. Papakuha kita ng jacket sa taas." "Dale, kumain ka ng marami nangangayayat ka na." Puna ni Mamita. Ewan ko pero wala talaga akong ganang kumain. Pagkatapos namin mag-almusal, hinatid na kami ng driver sa burnham park. Pangatlong punta ko na dito kaya hindi na ako masyadong excited. Itong lugar na ito ang suki namin kapag may barkada get away kami sa office noong nagtatrabaho pa ako sa dati naming kumpanya. Umupo ako sa tabi ni Lola habang nakatingin sa anak ko. "Mommy." Sigaw niya habang nakasakay sa kabayo at kumakaway samin. "His really enjoying the ride." Sabi ng dalawang matanda. "Ang laki laki na ng apo natin." "Ma'am pasalubong po?" Alok ng manong sa likuran ko. Umiling ako, masyado pang maaga para bumili ng mga pasalubong. May ilang araw pa kami dito, baka masira lang ito. "Mang Berto tara na." Tila tumaas ang balahibo ko sa batok nang marinig ang boses na yun. "Oo Agapito." Dahan dahan akong humarap sa likuran ko. Dumami lalo ang tao at natakpan ang mga nagbebenta ng mga pasalubong. Hindi ko namukaan ang matandang lalaki na nag-aalok sakin, pero hindi ko rin nakita ang may-ari ng boses na yun. "Agapito tara na." Hinanap ko ang boses ng matanda. "Kyle." Sigaw ko nang makita ang isang lalaki na pamilyar sakin. "Kyle." Paulit ulit na sigaw ko ngunit hindi ito lumingon at nawala nalang bigla sa maraming tao. "Dale, bakit ka sumisigaw?" Tanong nila. "Nakita ko si Kyle Mamita, nakita ko siya." Sagot ko at tumingin ulit sa mga tao na nasa paligid ko. "Pwede ba Dale, wag dito. Kung ayaw mong magenjoy at magrelax, hayaan mo kaming gawin yun." Pagkatapos iniwan ako nito. Napahilamos ako sa mukha. 'Ano ba Dale? Wala na si Kyle, itatak mo yan sa utak mo. Hindi na siya babalik kahit kailan. Pero sino yung nakita ko, kamukhang kamukha niya tapos kaboses niya pa.' "Dale kung gusto mo umuwi ka na muna." Pati si Lola Betty disappointed sakin. Napayuko ako at napatingin sa anak ko. Ayokong masira ang araw niya, ayokong mapalitan ng lungkot ang kanyang mga ngiti dahil sa inasal ko. "I'm sorry." Nauna akong umuwi, nahihiya ako sa kanila. Sila na nga ang bumubuo sa mga pagkukulang ko sa anak ko tapos ganito pa ang igaganti ko. Pagbalik ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko. 'Sige umiyak ka na Dale, pero last na ito. Last na ang pag-iyak mo nang dahil kay Kyle.' Pagkukumbinsi ko sa sarili. Napahawak ako sa dibdib ko. "Please alisin mo na yung sakit." Sigaw ko. Pinikit ko ang mata ko, feeling ko pagod na pagod ako sa pag-iyak, kaya tinangay nalang ako ng antok. Kinagabihan nagising ako nang tawagin ng kasambahay para kumain, hinihintay na daw ako nila Lola. Gusto kong humingi sa kanila ng pasensya, pipilitin kong ayusin ang sarili ko. Babawi ako sa anak ko, kalilimutan ko na si Kyle. "Mommy look I have a horse." Sabi ni Kjr at pinakita ang keychain ng kabayo na binili nila sa burnham park. "I'm done eating Mom. I will watch tv." Tumango ako at humalik sa pisngi nito. "Dale kumain kana." Alok ni Mamita at Lola. Umupo ako sa tabi ni Lola. "Gusto ko po humingi ng sorry kanina. Hindi ko po iniisip ang ginagawa ko." Nakayukong sabi ko. "Alam namin kung gaano kasakit Dale. Hindi namin nakalimutan si Kyle sa mga taong dumaan, walang araw na hindi ko naaalala ang anak ko." Huminga ito ng malalim. "Hindi kami umiiyak sa harapan mo, hindi namin sinasabi ang pangalan niya pero nasasaktan parin kami hanggang ngayon, just like you." "I'm so sorry po." Hingi kong pasenya pagkatapos pinunasan ang luha ko. "Hindi na mawawala si Kyle sa puso't isipan natin. Pero wag natin ikulong ang mga sarili natin sa nakaraan. Alam naman natin na hindi na siya babalik pa. Masaya na siya kung nasaan man siya ngayon." Tumango ako at pilit na ngumiti. "Pangako po, babawi ako sainyo lalong lalo na sa anak ko." Ngumiti sila sakin. "Thank you Dale. Kahit hindi nalang samin, sa anak mo nalang." "Paps Luca." Napatingin kami sa likuran ng magsalita si KJr. "Mommy. We have a visitor." "Ano daw?" Tanong ko at pumunta sa sala para tingnan kung sino ito. "Paps Luca. Dumating ka." Binuhat nito at anak ko at niyakap. "Luca anong ginagawa mo dito?" Hindi ko kasi alam na pupunta pala siya dito, tsaka paano niya nalaman kung nasaan kami. "They invite me here." Tinuro niya ang dalawang matanda. "Okay lang ba na nandito ako?" "Oo naman. Nagulat lang ako." Ngumiti ito at nagbless sa dalawang Lolas. Niyaya ko itong kumain kasi hindi pa naman ako tapos kumain. Maraming kwento si KJr. kay Luca kaya hindi ko ito makausap, nakikinig lang kaming tatlo sa kanila. Ilang oras ang lumipas, siya na ang nagpatulog sa anak ko. Ganun sila kaclose, mas close nga ata siya kay Luca kesa sakin na sarili niyang ina. Dahan dahan itong lumabas sa kwarto ni KJr. "Tulog na siya, napagod ata kalalaro. Uhm... pwede ko ba siyang isama bukas mamasyal? Gusto niya daw kasi bumalik sa burnham park." Tumango ako. "Oo naman." Mapagkakatiwalaan ko naman siya sa anak ko. "Sympre dapat kasama ka. Magpahinga kana, lumalalim na ang gabi." Pagkatapos ay nauna itong maglakad sa kwarto niya sa dulo ng hallway. ----------- Kinabukasan sumama ako sa kanila sa burnham park, sumakay ulit ang anak ko sa kabayo kasama si Luca. Nagpaiwan sila Mamita sa bahay, bukas daw ulit sila mamamasyal kasi sumasakit ang paa nito. Masayang kasama si Luca, hindi ako nakaramdam ng awkward sa kanya. Feeling ko nga ang tagal ko na siyang nakasama. Kumaway sila sakin, kaya kumaway din ako sa kanila nang may umupo sa tabi ko. "Mag-ama mo?" Nagulat ako sa tanong ng matandang babae. "Yung bata po anak ko. Yung lalaki kaibigan ko po." "Ayy, pasensya na ha. Akala ko kasi asawa mo, bagay na bagay pa naman kayo." Napakamot ako sa buhok at napatingin sa kanila. Tama yung babae, para nga silang mag-amang tingnan. Si Luca ang tumatayong ama ng anak ko sa mga nakalipas na taon. At habang buhay ako magpapasalamat nang dahil duon, atleast may pumupuno ng pagkukulang ni Kyle sa anak niya. 'What if si Luca ang pinadala ni Kyle para samin ng anak niya? Should I give him a chance?' "Mommy, lets go there." Sabi ni Kyle Jr. pagkatapos hinatak ako sa mga bilihan ng balloons. "Mom can I eat strawberry taho? Please pretty please." Napatingin ako kay Luca nang lumapit ito sa anak ko. "Pwede naman siya ng taho. Yun ay kung papayag ka? Please pretty please." Nagpacute din ito katulad ng anak ko. Natawa ako sa kanilang dalawa, hindi naman siguro ako masamang tao kung pipiliin kong maging masaya diba. "Okay." Sabay silang nag-yes at patakbong lumapit sa nagtitinda. Ngayon ko lang nakita ang pagkachildish nito, sa bagay sa trabaho naman talaga kailangan seryoso ka. Lumapit narin ako para kumain ng taho. Tamang tama sobrang init pa nito. Kakalimutan ko muna ang lahat. Ako, si Kyle Jr. at si Luca lang muna ngayong araw. Sobrang nakakagulat ang inasal ko, nakangiti lang ako buong araw nang dahil kay Luca at sa anak ko. Pinaupo ni Luca si KJr. sa balikat niya habang kumakain ng cotton candy. Naglalakad kami papunta sa boating area. "Ang ganda mo kapag nakangiti. Sana wag nang mawala yan." Sabi niya at humawak sa kamay ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Luca? Hindi naman ako pwedeng mainlove sa kanya nang dahil lang sa simpleng paghawak ng kamay diba. Ngayon ko lang ulit naramdaman na kiligin mula nang mawala si Kyle. Bahala na! Basta gusto ko nalang ienjoy ang araw na ito para saming tatlo. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD