Chapter 10

1309 Words
Dale's POV Present "Nandiyan ka lang pala apo." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Lola Betty. "Parating na ang Mommy ni Kyle, hindi ka pa nakain." "Busog pa po ako Lola. Si Kyle Jr. kumain na po ba?" Tanong ko nalang. Sa totoo lang hindi ako busog, sadyang wala lang akong gana kumain. Bukas ang birthday ni Kyle, hindi namin ito madadalaw sa puntod niya kasi magbabakasyon kami sa baguio. "Nakalabas na naman ang marriage certificate niyo. Ilang beses mo ba yan tinitingnan sa isang linggo?" "Sorry Lola. Hanggang tingin nalang kasi ako eh." Huminga ako ng malalim at nilagay ito sa drawer. "Wag kang mag-alala kahit naman mawala yan, hindi naman mawawala si Kyle sa puso mo." Tumabi ito sakin. "Dale bata ka pa, pwede ka ulit magmahal. Wag mong ikulong ang sarili mo sa taong alam naman nating hindi na babalik." Medyo masakit yun ahh. Sapol na sapol ako, wala man lang preno ang bibig ni Lola. "Halika na. Hinihintay ka na ng anak mo sa baba." Sabi niya pagkatapos ay nauna nang lumabas ng kwarto ko. Araw araw akong umiiyak, hanggang ngayon hindi parin ako makamove on sa pagkawala niya. Nagtry naman ako na pumasok sa isang relasyon pero hindi ko talaga kaya, feeling ko niloloko ko siya at ang sarili ko. Siguro kaya ako nasasaktan kasi pinanghahawakan ko parin ang pangako niya. Yung ipagsisigawan niya raw ako sa buong mundo, yung malaya kaming maglalakad na walang manghuhusga sa relasyon naming dalawa. Narinig ko ulit ang tawag sakin ni Lola kaya bumaba na ako. "Mommy. Let's eat." Ngumiti ako nang makita ang prinsipe ko. "Eat a lot anak. Mahaba ang byahe natin." Sabi ko at humalik sa noo nito. Narinig namin ang boses ni Mamita na nanggagaling sa likuran ko. "Hi everyone. Where is my handsome apo?" "Mamita." Salubong ni Kyle Jr. sa ina ni Kyle. Malapit ang dalawang Lola sa apo nila, feeling ko nga mahihirapan itong magkagirlfriend kasi bantay sarado ng dalawang matanda. "Are you ready?" Masayang tumango ang anak ko. "Okay. Ipalagay na natin sa driver ang mga gamit niyo." Tumango siya at tinawag ang kasambahay namin. "Hey. Are you okay?" Ngumiti ako. "Wala munang trabaho pagdating duon. We need to relax. Spend time with your son is a must." Bilin ni Mamita. Napayuko ako at tumingin kay KJr. Inaamin kong sobrang dami kong pagkukulang sa anak ko, hindi ako perpektong ina, katulad din ako ng nakakarami. Sa sobrang lungkot ko, mas gusto ko pang malunod sa trabaho para mawala ang sakit dito sa puso ko tuwing naaalala siya. 'Kailan ba kasi mawawala ang sakit? Kailan ko ba matatanggap na kahit pagbali-baliktarin ang mundo hindi na babalik ang taong mahal ko.' "Nakausap mo ba si Luca? Nagpadala ito kahapon ng bulaklak." Singit ni Lola Betty. Napailing ako, ayan na naman ang ngiti ng dalawang matanda. Gustong gusto nila ako para kay Luca Reyes, ang pedia ni Kyle Jr. Nakilala ko ito noong nagkasakit siya three years ago, siya ang doctor na umasikaso samin. May asul itong mga mata at matangos na ilong, wala kang masasabi sa angking kagwapohan nito. Half filipino at half american kasi ang lahi niya, matangkad at maputi tapos sobrang bait pa, down to earth kumbaga. "Wala na akong masabi sa consistency niyang si Luca, kaya lang kawawang bata mukhang wala namang pag-asa." Pagbibiro nila, hindi ko nalang sila pinansin at naglakad na. Umakyat ako sa kwarto para kunin ang ibang gamit ko. 7 days kami sa baguio. Tumunog ang phone ko hudyat na may nagtext. 'Enjoy your vacation. See you.' Text ni Luca kaya napangiti ako. ---------- Napapikit ako nang maramdaman ang ulan na dumadampi sa aking balat. Nagpaikot ikot ako sa damuhan na tila isa akong bata na ngayon lang nakaligo sa ulan. "Ms. Dale." Nakarinig ako nang boses sa likuran, dahan dahan akong humarap dito. "Kyle." Hindi makapaniwalang sabi ko. Nakangiti ito sa harapan ko habang nakalahad ang kanyang kamay. Tumakbo ako papalapit sa kanya at mahigpit itong niyakap. "Bumalik ka. Binalikan mo ako." Umiiyak na sabi ko. Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinitigan ito ng mabuti. Siya nga si Kyle ang lalaking mahal ko. "Please wag mo na akong iiwan." "Hindi naman ako nangiwan." Mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko. "I love you." Pagkatapos humalik ako sa pisngi nito, ang lakas ng t***k ng puso ko. "I love you too Dale." Nakangiting sagot niya. Pinikit ko ang aking mata para maramdaman ang init ng katawan nito, parang nabura ang lahat ng alaala ko. Wala akong ibang maisip kundi sulitin ang oras na kasama siya. May tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako sa likuran ko. "Dale, let's go home." Sabi nito. Umiling ako at humarap ulit kay Kyle, sa kasamaang palad wala na ito sa harapan ko. Nawala siya ng parang bula. Sana pala hindi nalang ako tumalikod sa kanya. "Kyle." Tawag ko ngunit walang Kyle na nagpakita sakin. "Dale wake up." Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang pangalan ko. "Ang sarap ng tulog mo. Hindi mo namalayan na nandito na tayo sa baguio. Umiiyak ka ba?" Hinawakan ko ang mata ko, umiiyak ako kasi napaginipan ko na naman siya. Panaginip na naman ang lahat, kailan kaya magkakatotoo? "Halika na. Hinihintay ka na ng anak mo." Sabi ni Lola at naunang maglakad sakin. Pagbaba ko sa van naramdaman ko ang labis na ginaw kaya niyakap ko ang aking sarili. Bakit parang mas nalulungkot ako dito? Sobrang layo na nito sa manila, maganda naman pala ang lugar at nakakarelax ang clima. "Mommy this is so cool." "Yes baby. Go choose your bedroom na." Masaya itong tumango at tumakbo paakyat. Bahay bakasyunan itong tinutuluyan namin, may anim na kwarto para samin. "Yaya. Samahan mo si Kyle Jr. sa taas please." "Dale, mamili ka narin ng gusto mong kwarto. Magkwentuhan lang muna kami." Sabi ni Mamita, kapag talaga sa chismisan nangunguna ang dalawang yan. Naglakad ako paakyat nang makita ang terrace ng bahay. Nabighanin ako sa angking ganda ng lugar. Kitang kita mo ang mga bundok, tapos tuwing nagsasalita ako may usok yung hangin na parang nasa ibang bansa ako. Ring ring ring Kaagad kong hinanap ang cellphone ko sa bag. "Hello." Bungad ko. "Hi. Nakarating na kayo?" Tanong ni Luca. "Wheres KJr.?" He really cares for me and my son. Siguro kung si Luca lang ang una kung nakilala noon madali ko itong magugustuhan. Hindi siya mahirap mahalin, actually una ko palang itong makita alam kong mabait siya. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may gusto sakin si Luca, sadyang iba lang talaga ang gusto ko. Hindi siya ang problema, kundi ako. Hanggang maaari nilalayo ko ang sarili ko sa kanya kasi alam kong hindi ako ang babaeng deserving para sa kanya. "Yes nakarating na kami. Nasa kwarto si KJr. Gusto mo ba siyang kausapin?" "Sana, pero alam kong pagod siya sa byahe katulad mo kaya bukas ko nalang siya kakausapin. Magpahinga na kayo, lalong lalo kana." Huminga ito ng malalim. "I have to go, tumawag lang talaga ako para icheck kayo." "Okay. Thank you Luca. Ikaw din magpahinga kana." Sabi ko at pinatay ang phone ko. Napahilamos ako sa mukha. Siguro naman napapansin niya na hindi ako interesado sa kanya. Humanap ako ng kwarto para makapagpahinga na, wala akong ganang kumain kaya matutulog nalang ako. ---------- Napamulat ako nang mapanaginipan na naman si Kyle. Pawis na pawis ako habang hinihingal. Sa panaginip ko may mga taong hindi ko kilala na pilit nilalayo sakin ang asawa ko. Pati ba naman sa panaginip walang magandang nangyayari saming dalawa? Napatingin ako sa orasan. It's already 12AM. Siguro ginigising niya ako kasi birthday niya na tapos natutulog pa ako. "Happy birthday my love." Tumulo ang luha ko. "I wish you were here. Come back to me please." Mahina kong dasal. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD