Chapter 9

1116 Words
Dale's POV After 5 years "Mommy, mommy wake up na." Panggigising sakin ng anak kong lalaki. "Mommy wake up, diba dadalawin natin si Dad." His Kyle Jr. Mayer, my son. Kamukhang kamukha siya ni Kyle para silang pinagbiak na bunga. Humiga siya sa tabi ko at yumakap sakin. "Mommy you need to wake up, Dad is waiting for us." Inunat ko ang katawan ko pagkatapos yumakap din sa kanya. "Tatayo na po little prince." Ngumiti siya sakin kaya lumabas ang bungi bungi niyang ngipin. "Take a bath na, baka magalit ang Dad mo. I'm sure his waiting for us." Nakangiting sabi ko. Tumayo siya at tumakbo palabas ng kwarto para maligo. Tumayo narin ako at nag-ayos, nagsuot ako ng puting dress at flat shoes. I need to be beautiful paghumarap sa kanya. Pagkatapos kong mag-ayos dumiretso na ako sa sala, nakita kong naiinip na naghihintay si Kyle Jr. habang nakaupo sa sofa. "Mommy why so tagal? baka naiinip na si Dad eh." Nakangusong sabi niya. "Ito na po, tara na my little prince." Sabi ko sa kanya kaya humawak siya sa kamay ko. "Manong palagay nalang po sa sasakyan yung mga dadalhin namin para kay Kyle, yung mga niluto kong paborito niya." "Yes po Ma'am." Nauna na kaming sumakay sa sasakyan, tahimik lang akong nakaupo habang si Kyle Jr. ay masayang nakatingin sa labas ng bintana. Mabilis kaming nakarating sa aming pupuntahan, pagbukas pa lang ng pinto ay mabilis na tumakbo si Kyle Jr. papunta sa Daddy niya. Mukhang masaya siya dahil makikita niya na naman ang Dad niya, tumunog ang phone ko kaya kaagad kong binasa ang text ni Madam, i mean Mamita na pala dahil isa na akong member ng pamilya. "Papunta na kami, may dinaanan lang kami ng Lola mo." Text ni Mamita, kasalukuyan silang magkasama ni Lola dahil nagzumba sila kaninang umaga. "Sige po. Ingat po kayo." Text ko kay Mamita. Sumunod na ako kay Kyle Jr. nakita ko siyang nakaupo sa damuhan habang hawak ang puntod ng Dad niya. Hindi ko mapigilang maawa sa anak ko, hindi niya man lang nasilayan ang mukha ni Kyle nung nabubuhay pa ito. Sa picture niya lang nakita ang mukha ni Kyle at masayang masaya na siya dun. Lumapit ako sa kanya. "Mommy, tingnan mo mukhang nainip na si Dad kakahintay satin." Mahina akong tumawa, tinanggal niya ang mga tuyong dahon na nakakalat sa ibabaw ng puntod ng Daddy niya. Nilatag ko ang maliit na kumot sa damuhan at nilabas ang mga niluto ko, lahat ito ay paborito ni Kyle. I'm so happy kasi kasama ko siya sa 5th anniversary namin, at the same time malungkot din dahil ito ang 5th death anniversary niya. It's like a family bonding to us, piling ko pagnandito kami nandito rin siya, kasama namin na kumakain, kasama namin na nagcecelebrate. Masayang naglaro si Kyle Jr. sa damuhan habang nagtatakbo, parang may kalaro ito dahil takbo lang siya ng takbo na tila may humahabol sa kanya. Napatingin ako sa puntod ni Kyle at hinaplos ito. "I'm sorry were late. Nainip ka ba? Kahit paulit ulit kong sabihin na bumalik ka na, alam kong hindi na, alam kong masaya ka na kung nasaan ka man." Mahinang sabi ko, dumaloy ang luha ko sa mata, yung luha nang pangungulila. "Ang daya daya mo naman kasi eh, sabi mo babalik ka, hinintay kaya kita. Kyle sorry dahil umiiyak na naman ako sa harapan mo. Dapat masaya ako dahil yun ang gusto mo para sakin diba? Na maging masaya pero hindi ko mapigilang malungkot at mangulila sayo. Alam mo kahit wala kana, araw araw ko paring dinarasal sa Diyos na sana bumalik ka, na sana paggising ko ikaw na ulit ang bubungad sakin katulad ng dati." "Miss na miss na kita Kyle. Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan." Tumutulo ang luha ko sa puntod niya, hindi ko kasi mapunasan kaagad dahil sa sobrang dami. Humangin ng malakas kaya napapikit ako, i feel someone is hugging me. "Kyle, I know it's you." Mahinang bulong ko sa hangin, naramdaman ko pa ang paghalik niya sa aking noo. 'I love you too Dale. I love you and our son. Lagi lang akong nasa tabi niyo, babantayan ko kayo my Love.' Napaiyak na ako nang tuluyan na may kasama pang paghikbi. "I love you too Love." Tinakpan ko ang bibig ko. "Mommy, why are you crying? tell me susuntukin namin ni Daddy." Tanong ni Kyle Jr. pagkatapos yumakap sakin at mahinang umiyak. "Wag ka na magcry Mommy. Daddy and I will always take care of you." "Ikaw ang nagcry oh." Pinunasan ko ang luha niya. "Masaya lang ako kasi narinig ko ang Daddy mo. He told me how much he loves us." Ngumiti ako sa kanya. "Tears of joy ang tawag dun Mommy." Sabi ng anak ko kaya tumango ako. "Apo, ang apo ko." Napatingin kami nang magsalita ang dalawang Lola. "Bakit umiiyak ang apo ko? Sino nagaway sayo?" Tanong ni Lola at Mamita. "Wala po, tears of joy po kasi Dad told us how much he loved us." Ngumiti ang dalawang matanda at yumakap sa apo. "Alam namin yun apo, alam namin kung gaano ka kamahal ng Daddy mo." Ngumiti ang dalawang matanda sa kanya at masayang nakipaglaro. Nakatira kami sa Lola ni Kyle na si Mamita ko na ngayon, binigay ni Kyle ang lahat ng kayamanan niya sa aming mag-ina, kahit hindi ko naman kailangan ay tinanggap ko na, dahil pinaghirapan daw ito ni Kyle para samin. Masaya ako dahil kahit wala na siya, meron namang naiwan na isang anghel sakin. Meron akong pamilya na matatawag kong Lola at Mamita. Siguro nga hanggang doon nalang ang buhay niya, lahat naman ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay may rason. Nagsimula nga kami sa maling relasyon na maitatawag, pero hindi niyo kami pwedeng husgahan kaagad. Kasi katulad din kami ng iba, iba't ibang kwento, pero iisa lang ang nararamdaman, yun yung sakit, yung sakit na hindi ka pwedeng maging masaya dahil alam mong may masasaktan, yung sakit na kung tingnan ka ng mga tao ay isa kang malanding babae. Hindi lahat ng mistress ay masama o isang mang-aagaw, hindi ba pwedeng sabihin na mahal mo lang talaga siya at hindi mo kayang iwan, kasi siya lang ang tumanggap sayo at nagpaintindi ng tunay na kahulugan ng pagmamahal. Basta... Ang alam ko mahal ko siya at mahal niya din ako. Hindi ako nagsisisi na minahal ko si Kyle, na minahal ko yung taong may asawa. Kung bibigyan ako ng pangalawang pagkakataon, ito parin ang buhay na pipiliin ko. Yung buhay na makasama ang lalaking pinakamamahal ko na si Kyle Mayer. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD