Dale's POV
Habang naglalakad papalapit sa kwarto kung nasaan si Kyle tila nanlalambot ang buo kong katawan.
"Kyle, I'm here, wake up please." Hindi ko mapigilan na umiyak habang kinakausap ito.
Sobrang sakit ng puso ko ngayon, para akong mamamatay sa sobrang sakit.
"Kyle wake up, gumising ka na. Wag mo akong lokohin ng ganyan. Diba sabi mo babalik ka, sabi mo hintayin kita, nangako ka na hindi mo ako iiwan. Bakit? bakit ka sumuko kaagad. Ang unfair unfair mo."
Lumapit si Lola sakin at hinimas ang likod ko. "Apo wag ka ng umiyak, baka mapano ka at ang anak mo."
Yumakap ako kay Lola. "Lola ang sakit sakit eh, iniwan niya ako, iniwan na naman ako ng taong mahal ko. Bakit lahat nalang iniiwan ako? bakit lahat nalang umaalis sa tabi ko?" Tanong ko.
"Ako nandito at ang magiging anak mo. Hinding-hindi ka namin iiwan." Pangako niya.
Humarap ako ulit kay Kylie. "Kyle please wake up. Wag mo akong iiwan, i'm begging you. Please Love come back to me." Mahinang bulong ko dito.
Alam kong hindi niya na ako maririnig dahil wala na siyang buhay ngayon pero nagbabakasakali parin akong marinig niya ang boses ko at bumalik siya sakin, samin ng anak niya.
"Come back to me please." Mahinang sabi ko, sana magkaroon ng milagro. Please God help me.
Hanggang sa nakaramdam ako ng panghihina.
'I want to rest, i want to sleep. Isama mo nalang ako sayo Love.'
"Dale! Dale! Nurse tulong nahimatay ang apo ko." Huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.
-----------
Dahan dahan kong binuksan ang aking mata, nasisilaw ako dahil sa puting kisame ng kwartong ito.
Nakita ko si Lola na tahimik na nagdadasal sa tabi ko. "Lola? Ano po ang nangyari?"
"Nahimatay ka, sabi ng Doctor mahina daw ang kapit ng bata. Kailangan mong magpakatatag apo, para sa anak mo." Tumulo na naman ang luha ko. "Kailangan mong ituloy ang buhay kahit wala na si Kyle, kailangan ka ng anak mo."
Tumango ako. "Opo Lola, kahit masakit kakayanin ko po para sa anak ko. Hindi ko hahayaang pati siya mawala sakin."
"Tama yan, kakayanin natin para sa anak mo."
Biglang bumukas ang pinto, nakita ko ang isang pamilyar na babae
'Siya ang asawa ni Kyle. Si Annabeth.' Sabi ko sa sarili.
Yumuko ako dahil sa hiya, nandito ba siya para sampalin ako, sabunutan o kasuhan.
"Hi. Gusto sana kitang makausap." Ngumiti siya sakin, tiningnan naman ako ni Lola na tila nagtatanong kong makikipagusap ba ako sa babae.
"Lola pwede po bang sa labas ka muna." Sinunod naman niya ang sinabi ko.
Umupo ang babae sa tabi ko. "Kamusta ka na? balita ko buntis ka daw?"
Dahan dahan akong tumango. "I'm sorry, hindi ko alam na may asawa siya."
Kung sasampalin man niya ako, tatanggapin ko yun ng buong puso. I deserved it after all.
"Hindi kami mag-asawa, matalik kaming magkaibigan ni Kyle, yung parents namin nagkasundo sila na ikasal kami. I have a boyfriend that time at mahal na mahal ko ang boyfriend ko. Kyle is a playboy at hindi siya sumeseryoso sa mga babae. Kyle talk to me at sinabing pumayag akong magpakasal sa kanya, sinabi niya na magkunwari kaming mag-asawa sa harap ng mga magulang namin, pero ang tanga ko dahil i fall inlove with him, kahit na it's part of the plan lang naman para sa kumpanya." Huminga ito ng malalim.
"Hindi kasi mahirap mahalin si Kyle, kaya i pursue him. Pinilit kong magustuhan niya ako gaya ng pagkagusto niya sayo. One time narinig kong nag-uusap si Kyle at ang Lola niya at alam mo ikaw lang ang paulit-ulit niyang bukang bibig." Mahina pa siyang tumawa.
"I saw his smile for the first time, yung walang tinatago, yung ngiting natural. Dun pumasok sa isip ko na inlove na ang g*go at tama nga ako. Kinausap niya ako nung isang araw, sinabi na pirmahan ang annulment papers, kasi nahanap niya na daw ang babaeng mahal niya, yung babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habang buhay. "
"Your very lucky Dale but I'm sorry. Sorry because it's too late."
Tulo ng tulo ang luha ko habang nagsasalita si Annabeth.
'Sana pala hindi ko siya pinayagan na pumunta kay Annabeth nung araw na yun, sana pala tinanggap ko nalang yung sitwasyon namin. Kahit naman kasi hindi kami ikasal basta paulit-ulit niya lang sabihin na mahal niya ako, okay na yun.'
"Mahal ka niya Dale, mahal na mahal at sigurado akong hindi pa pinapanganak ang Baby niyo mahal niya narin ito." Sabi niya, umiiyak din ito at halatang nagsisisi.
"Thank you sa lahat nang sinabi mo. Sorry rin kasi kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo ikaw parin ang asawa niya at hindi maipagkakaila na niloko ka namin, pero mahal ko talaga si Kyle eh. I love him more than anything." Sabi ko.
Laking gulat ko nang punasan niya ang luha ko. Napakabait na tao ni Annabeth, nagsisisi rin ako dahil nagawa namin siyang lokohin.
"Don't cry, wala kang kasalan. Nagmahal ka lang naman eh. Hindi ikaw ang kontrabida sa kwentong ito, dahil ako. Ganun talaga pagnagmamahal, wala kang pakialam kung may masaktan basta mapaglaban mo siya."
"Tama na, wag ka nang umiyak, makakasama yan sa Baby niyo ni Kyle. Sige ka baka multuhin ako nun dahil pinaiyak kita. I can be your friend, sino pa ba ang magtutulungan sympre yung mga taong nagmamahal kay Kyle." Matamis siyang ngumiti sakin.
I hugged her. "Thank you Annabeth."
"Tapos na ba kayong magusap?" Tanong ni Lola.
"Ay opo, sorry po medyo natagalan ang paguusap namin." Hinging paumanhin ni Annabeth.
"Okay lang yun. Kailangan na kasing kumain ni Dale." Sabi ni Lola samin.
Nagpaalam na rin ang dating asawa ni Kyle, dating asawa kasi pinirmahan niya na ang annulment papers at kasalukuyan itong pinoproseso sa Korte.
Lumuwag narin ang pakiramdam ko, wala ng sakit o sama ng loob.
Though masakit parin pala dahil wala na si Kyle at kahit anong gawin namin hindi na siya babalik.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.