Dale's POV
Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa gwapong mukha ni Kyle, napangiti ako. I can't believe that i make love to him again.
Akala ko nung una hindi ko na siya mapapatawad pero mali ako.
Ganun siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao. Hindi mo siya matitiis at nasasaktan ka rin kapag nasasaktan siya.
Alam kong mali ang ginagawa namin ngayon at tuwing iisipin ko yun bigla nalang akong iiyak sa isang tabi.
Ang hirap pala kapag may kahati, kahati mo sa oras, kahati mo sa lahat ng bagay.
Ewan ko ba! Galit ako sa manloloko, galit ako sa nangiiwan pero ano itong kundisyon ko.
"Your awake." Inaantok niyang sabi.
"Sorry. I can't sleep." Mahinang sabi ko.
"What are you thinking?" Tanong niya.
Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. "Kailan mo sasabihin ang relasyon natin?"
"Tomorrow. Don't think too much, okay? Someday, I will be able to shout that the women I love is you Dale" Napangiti ako sa sinabi nito.
'Hindi na ako makapaghintay sa araw na yun.' Bulong ko.
"Let's sleep my Love." Tumango naman ako, he kissed my forehead.
I really love this man, na kahit mali pinasok ko na mapatunayan lang kung gaano ko siya kamahal.
----------
Nagising ako na wala si Kyle sa tabi ko, sigurado akong pumasok na ito sa opisina.
Sabi niya kagabi sasabihin niya na kay Annabeth na magfifile na ito ng annulment papers.
Tumayo ako sa kama at dumiretso sa cr, naghalf bath lang ako, hindi muna ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko.
Hinintay ko siyang magtext or magcall ngunit ni isa wala akong nareceived. I even texted him but his not replying.
Iniisip ko kung natuloy ba itong makipagkita sa asawa niya. Wala akong kagana-ganang gumalaw ngayong araw, tinatamad ako at iniisip kung uuwi ba mamayang gabi si Kyle.
Alam narin ni Lola ang relasyon namin ngunit hindi niya alam na may sabit si Kyle.
Sobrang close si Lola at Kyle sa isat-isa, malaki ang tiwala ni Lola kay Kyle kaya nga pumayag siyang magsama kami sa iisang kwarto.
"Apo, uuwi ba si Kyle ngayon?" Tanong ni Lola na ikinagulat ko, nagmumuni-muni kasi ako.
"Uhm... Hindi ko pa po alam, masyado siyang busy ngayon Lola."
"Ganun ba. Bakit parang malungkot ka? may nangyari ba?" Nagaalalang tanong ni Lola.
Pilit akong ngumiti. "Wala po, masama lang po ang pakiramdam ko."
"Sige na't magpahinga ka na, ako na ang gagawa ng gawaing bahay."
Tumango ako at umalis sa harapan ni Lola.
Nagpunta ako sa kwarto at natulog na muna. Nagising ako ng may humihimas sa buhok ko.
"Love?" Boses ni Kyle, minulat ko kaagad ang aking mata at yumakap dito.
"Why are you crying?" Nagaalalang tanong niya.
"Tinatawagan kita, hindi mo ako sinasagot. Nagaalala ako sayo mula pa kanina."
"I'm sorry love. I'm here na, look at me, nothing happens." Nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha.
"Nasabi mo na ba?" Umiling siya, at hinawakan ang kamay ko.
"Bigla kasing dumating ang Daddy niya, pero promise ko sayo hahanap ako ng tamang tiempo. Hintay hintay lang Love ha." Mabilis akong tumango.
"Oo naman. Maghihintay ako." Kahit masakit para sakin, pinilit ko paring ngumiti.
Sabi nga nila. 'Patience is a virtue' sigurado akong pagkatapos nito, magsasama na kami ng maayos. Yung walang tinatago sa ibang tao, yung kayang ipagsigawan sa buong mundo na nagmamahalan kami.'
Tumabi siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Ang sarap ng ganitong feeling, parang lahat ng problema nakalimutan ko.
Matagal narin akong hindi nagtatrabaho, ayaw kasi ni Kyle na mapagod ako, alagaan ko nalang daw si Lola at ang sarili ko. Ang sweet diba?
----------
After 1 Year
Isang taon na ang lumipas, going strong naman kami at siya na talaga ang gusto kong makasama habang buhay.
As usual tinatago parin namin ang relasyon namin.
"Hahaha, ang kulit mo love." Sabi ko kay Kyle. Puro kasi kalokohan ang nasa isip.
Buntis narin ako. Isang buwan narin ang tiyan ko, kahapon lang namin nalaman at ngayong araw na ito ay desidido na siyang magsabi sa asawa niya.
Para daw ito sa magiging anak namin gusto niya na bago ako manganak kasal na kami. Sabi niya pa, wala nang makakapigil sa kanya.
Mahal niya ako at mahal ko siya, sapat na yun para sa bubuohin naming pamilya.
"Hon magiingat ka ha! Don't drive to fast." Tumango lang siya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang gwapong mukha.
"Yes love. Mahal kita." He kissed my forehead.
Naiiyak na naman ako, ganito talaga siguro kapag buntis masyadong emosyonal.
Alam ko na medyo natagalan ang proseso ng pakikipagusap niya sa asawa niya, hinintay niya pa kasi yung annulment papers para pirma nalang ni Annabeth ang kailangan at matinding pakiusapan.
"Yung luha mo na naman, baka maging iyakin ang Baby natin paglumaki. Sige ka." Tumawa siya ng mahina.
Yumakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Hindi ko kasi alam ang nararamdaman ko, siguro dahil sa paglilihi ito. Wag ka nalang kaya umalis, dito ka nalang sa tabi namin ni Baby. Hayaan na natin kahit maging kabit ako. Wag ka nalang umalis." Naiiyak na sabi ko, hormones ba ito?
Hinawakan niya ang mukha ko. "Itong araw nalang ako mawawalay sayo. Bukas, sa susunod na bukas at sa darating na bukas ay magkakasama na tayo. Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan, pati narin ang Baby natin." Lalo akong napaiyak sa sinabi niya.
Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya.
"Promise babalik ka ha. Hihintayin ka namin ni Baby." Ngumiti lamang siya. "Hoy! Magpromise ka."
Tumango siya at mahigpit akong niyakap.
Bakit feeling ko hindi na siya babalik? Ngayon lang ako kinabahan ng ganito? Diba babalik naman siya at hindi niya kami iiwan.
"Mahal kita Love."
"Mahal din kita Love, hihintayin kita dito sa bahay. Bilisan mo lang."
"Oo bibilisan ko lang. Hindi na ako makapaghintay na makasama ka at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal." Sabi ni Kyle.
Humalik siya sa labi ko. "Magiingat ka ha." Huling sabi ko bago bitawan ang kamay nito.
Nakasakay na siya sa sasakyan, binuksan niya ang bintana. "I love you Dale." Kumakaway na paalam niya.
Tumango ako, hindi parin tumitigil ang luha sa mata ko.
"Ako rin mahal din kita Kyle." Bulong ko.
Sumilay ang ngiti sa gwapo niyang mukha. Tila parang nagslow motion ang mga ngiti niya na abot hanggang tenga.
Nawala na sa paningin ko ang sasakyan niya kaya pumasok narin ako sa loob ng bahay.
----------
Gabi na ngunit wala parin si Kyle, nagaalala na ako sa kanya. Nakaupo lang ako sa harapan ng pintuan, gusto ko siyang salubungin pagdating niya.
Walang text, walang call.
Pinikit ko ang mga mata ko, nagbabakasakaling pagmulat ko ay nandiyan na siya sa harapan ko.
Ang tagal naman ata nila magusap ng dati niyang asawa.
"Apo matulog ka na muna gabi na, hindi pwede yan sa buntis."
"Okay lang ako Lola, hinihintay ko lang si Kyle pauwi narin yun."
Nagaalala namang tumingin si Lola sakin.
"Sige, pero maya maya matulog ka na ha." Tumango ako.
'Kyle nasan ka na ba? sabi mo madali ka lang, sabi mo babalik ka lang. Umaga ka umalis ngunit gabi na wala ka parin.' Bulong ko sa sarili.
'Sana man lang nagtext ka o nagcall para hindi ako nagaalala ng ganito.'
'Tatanggapin ko naman kung hindi tinanggap ng asawa mo yung annulment papers, kaya kong magtago at maging kabit mo habang buhay, basta ba ipaalala mo lang sakin na mahal mo ako araw araw.'
Ring ring ring
Bigla akong natuwa nang magring ang phone ko.
Si Kyle. Salamat naman at naisipan niya akong tawagan. Lagot talaga sakin ang lalaking ito.
"Hello Kyle. Kainis ka! Bakit ngayon ka lang tumawag, nagaalala na kaya ako sayo---"
"Hello Ma'am, kayo po ba ang asawa ng may-ari ng cellphone na ito." Rinig kong sabi ng lalaki sa kabilang linya.
Naguguluhan ako sa nangyari. 'Bakit nasa kanya ang phone ni Kyle? Nasan si Kyle?"
"Ma'am nandiyan pa po ba kayo?"
"Oo ako ang asawa ng may-ari ng cellphone na yan. Nasan si Kyle? Bakit na sayo ang phone niya?" Nahihirapan na tanong ko sa kanya.
Gusto kong maiyak kahit hindi ko pa alam kung anong nangyayari o kung nasaan si Kyle.
"Ma'am yung may-ari ng cellphone na ito naaksidente po. Dinala na po siya sa hospital dahil napag-alamang dead on arrival."
Hindi ako nagsalita basta nalang nahulog ang phone na hawak ko. Nanginginig ang buo kong katawan.
"Apo anong nangyari sayo? Tumayo ka diyan." Nagaalalang tanong ni Lola.
"L---lola." Napahagulgol ako. "God, not him please."
"Apo, Bakit ka umiiyak?"
"Si Kyle po. Si Kyle ko." Yumakap ako kay Lola dahil baka hindi ko na kayanin. "Kyle." Paulit-ulit kong bigkas sa pangalan niya.
Hanggang sa nawalan ako ng malay.
'Sana isang masamang panaginip lang ito. Sana paggising ko, nasa tabi na kita Love.'
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.