Chapter 6

952 Words
Dale's POV Paglabas ko sa gate, nakita ko kaagad siyang nakasandal sa sasakyan niya halatang hinihintay ako. "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, nagulat naman siya at nagtatakang tumingin sakin. "Anong sinasabi mo?" "Sige magmaang-maangan ka pa. May asawa ka diba?" "Paano mo nalaman?" Nakayukong tanong niya. "Paano? nagpunta ako sa bahay ni Madam kanina. Excited pa naman akong makita ka kasi isang buong araw kang hindi nagparamdam tapos ganun lang madadatnan ko. B---bakit mo ako niloko?" Umiiyak na sabi ko, halos hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa pagiyak. "Sorry. I'm sorry. Hindi ko gustong magsinungaling sayo." "Kyle minahal mo ba ako?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko natanong sa kanya yan. Alam kong mahal niya ang asawa niya, kaya nga sila nagpakasal diba? pero i want to know kung minahal niya rin ba ako or panakip butas lang, kasi nasa ibang bansa ang asawa niya. "Oo. Mahal kita, minahal kita nung una palang." Mabilis niyang sagot. "Pero mahal mo din ang asawa mo diba?" Tumingin lang siya sakin. "Bakit hindi ka makasagot?" "Hindi! hindi ko siya mahal. Arrange marriage lang ang nangyari samin. Ikaw, ikaw ang mahal ko Love." Hindi ko alam kung maniniwala pa ako dito. Nagsinungaling siya sakin tungkol sa asawa niya parang ang hirap nang maniwala na mahal niya ako. "Mahal kita. Ikaw lang ang minahal ko, hindi ko mahal ang asawa ko. Hindi ko siya minahal." Tinakpan ko ang mukha ko. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Maniwala ka naman sakin, mahal kita. Ikaw lang Dale." "Umuwi ka na. Please umuwi ka na." Kumalas ako sa pagkakayakap nito at tumakbo pabalik sa bahay. Pagsara ko ng pinto ay bumuhos ang napakarami kong luha, sobrang sakit ng bandang dibdib ko. Feeling ko ang sama sama ko kasi kumabit ako sa lalaking may asawa, ako ang sumisira sa pamilya nila. Sabi ko sa sarili noon, galit ako sa taong manloloko. Hindi ko napansin na isa narin pala akong manloloko dahil may asawang tao ang minamahal ko. 'Ano nalang ang sasabihin ng asawa niya? Kung ako nga nasasaktan ng sobra paano pa kaya siya.' Kahit na anong gawin ko, ako parin ang masama, ako parin ang sumisira ng pamilya. 'Bakit ang hirap magmahal?' Tanong ko. Pumunta ako sa kwarto, ayokong marinig ni Lola na umiiyak ako dahil sigurado akong magaalala ito. ---------- Kyle's POV F*ck! Sh*t! Ang sama sama kong tao, nagsinungaling ako sa babaeng mahal ko. Totoo naman ang sinasabi ko. Arrange marriage kami ng asawa ko. Nagpakasal lang naman ako dahil kailangan ng kumpanya namin ng malaking pera, ayokong masira ang pinaghirapan ng Lolo at Lola ko, dugo't, pawis ang inalay nila sa kumpanyang yun para mabuo ito. Masyado pa akong bata nung mga oras na pumayag akong magpakasal kay Annabeth. Hindi ko naman alam na ganito pala kahirap magkaroon ng asawa. Ngayon na nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama at pakasalan hindi na ako magdadalawang isip na iharap ito sa altar. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan at nahihirapan, gusto ko siyang alagaan at ipagmalaki sa buong mundo na akin siya. Ipaglalaban ko siya, kahit na ano gagawin ko mapatunayan ko lang ang pagmamahal ko sa kanya. ---------- Araw araw nagpupunta ako sa bahay ni Dale, dinadalhan ko siya ng ibat-ibang uri ng pasalobong pati narin si Lola. Gusto kong maayos ang relasyon namin, yung relasyon na walang tinatago o nililihim. Hindi ko pa nakakausap si Annabeth tungkol dito ngunit desidido na akong makipaghiwalay sa kanya upang makasama si Dale ang babaeng mahal ko. "Ano na naman ginagawa mo dito?" Tanong niya. "It's been weeks, miss na miss na kita. Hindi mo parin ba ako napapatawad? Ikaw ang mahal ko at hindi ang asawa ko. Aayusin ko itong gulong pinasok ko, bigyan mo lang ako ng pagasa at lakas ng loob para magawa ko. Please Dale, i can't live without you." Yumuko ako. I'm sure she will get mad na naman. Nakita ko siyang nagbuntong hininga. She's crying for pete's sake. "Please don't cry Dale." Lumapit ako sa kanya. Wala na akong pakialam kung saktan o itulak niya ako palayo, ang gusto ko lang ay punasan ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha. "Why is this happening? Bakit kahit anong gawin ko hindi ko kayang magalit sayo ng matagal? Bakit kahit ang laki ng kasalanan mo sakin lalo pa akong nahuhulog sayo. I can't love you, your a married man." "I know. Please, Dale i love you. Hayaan mo akong mabura ang sama ng loob mo sakin, hayaan mo akong papasukin sa buhay mo, that's the only way para malaman mo na seryoso ako sayo." Hindi siya umimik pero ramdam ko na mahal niya din ako. "I'm sorry Kyle." Sabi niya kaya napayuko ako. "I love you too." Dahan dahan kong inangat ang ulo ko. Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako. I knew it. She loves me too. "Oh God! I promise you. I'll do everything for you." Hinalikan ko ang kanyang noo. "Sorry sa lahat Kyle. God knows kung gaano kahirap na iwasan ka." "No need to say sorry Love. This is all my fault. Mahal kita always remember that." Hinalikan ko ang malambot niyang labi. Wala na akong mahihiling pa, tanggap niya na ako. Ang gagawin ko nalang ay ayusin ang gulo na ginawa ko. After this pupuntahan ko si Annabeth, sasabihin ko sa kanya ang totoo. I will file an annulment as soon as possible para makasama ko na si Dale. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD