Dale's POV
"Miss." Boses ng isang lalaki.
Nilingon ko ito. "Ay! Sorry po Sir, hinahanap ko po kasi si Madam. May ibibigay lang po sana ako." Sabi ko sa lalaki, gwapo rin ito pero mas gwapo si Loves ko.
"Ganun ba? Sige ako nalang ang magbibigay kay Tita." Pagpresinta niya.
'So, Tita niya pala si Madam.'
"Nakakahiya naman po. Ako nalang po ang magbibigay."
"Ako nalang." Pagpupumilit nito. Baka kasi hindi mo siya makita."
"Bakit po? Nasaan po ba si Madam." Tanong ko.
"Tita is here, but she's really busy right now because of the welcoming party of my sister." Nakangiti niyang sagot.
"Ahh... Sige po ito." Ibinigay ko ang mga papeless. "Pakibigay nalang po kay Madam. Sige po, hindi narin ako magtatagal aalis na ako." Pagpapaalam ko sa lalaki.
Naglakad ako palabas ng pinto. Sayang hindi ko natanong kung anong pangalan ng lalaki. Mukha naman siyang mabait.
Gusto ko sana magtagal pa dito sa bahay nila Madam, baka sakaling makita ko si Loves ko.
Namimiss ko na kasi siya, hindi man lang nagtxt o kaya naman tumawag ngayong araw. Huminga ako ng malalim, mukhang busy talaga siya.
---------
Habang naglalakad palabas ng gate may narinig akong nagsalita na emcee.
'Mukhang masaya nga ang party nila Madam at mukhang ginastusan talaga dahil may emcee pa. Posibleng nandito si Kyle.' Sabi ng isip ko.
Naexcite naman ako kaya sinundan ko ang boses ng emcee, gusto ko lang naman makita si Kyle tapos uuwi na ako, hindi naman ako magpapakita sa kanya.
Habang papalapit sa boses na naririnig ko ay biglang lumakas ang t***k ng puso ko. 'Parang may mali eh, hindi ko alam kung ano.'
Nakarating ako sa garden, ang ganda ng kapaligiran, may catering din at mahahalata mong mayayaman ang mga tao.
'Ano kayang meron? Ay welcoming party pala.'
Narinig kong nagsalita ulit ang emcee. "Ladies and Gentlemen. Please welcome Mr & Mrs. Annabeth Mayer."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. 'Ano daw? Mr. & Mrs. Mayer. Diba para lang sa magasawa ang katagang yun.'
"This party is about welcoming the wife of Mr. Kyle Mayer. Come here Mrs. Mayer." Tawag ng emcee sa babae, lumapit naman ito, halos lahat ng tao sa party ay nabighani sa angking kagandahan nito.
Nagbabakasakali akong hindi si Kyle yung nakikita ko, malay ko ba kung kapangalan lang niya o kaya naman kakambal niya.
Tila gumuho ang mundo ko nang makitang naglakad si Kyle papalapit sa babae pilit siyang ngumiti sa mga taong nakapaligid sa kanila. Kumapit ang babae sa braso ni Kyle.
Pinikit ko ang aking mga mata, tinakpan ang bibig upang pigilan ang paghikbi.
Dahan dahan ko ulit minulat ang aking mga mata, umaasa na sana isa lang itong panaginip, isang masamang panaginip.
'Ngunit mali ako, ito ang realidad, hindi ito isang masamang panaginip.'
Hinalikan siya ng babae sa labi, halik na alam kong punong puno ng pagnanasa at pagmamahal.
Hindi ko na sila kayang tingnan, kaya tumalikod na ako.
"Miss okay ka lang?" Tanong ni Manong na taga bantay sa gate.
"Okay lang po ako." Pinunasan ko ang luha ko, nagkunwaring tumawa sa harapan niya. "Aalis na po ako. Salamat."
Wala ako sa sarili habang naglalakad palabas ng village, tumutulo lang ang luha ko.
'May asawa na pala siya. Bakit hindi niya sinabi? Ginawa niya akong kabit, kerida, mistress.' Bulong ko sa sarili.
Nanghihina ang buo kong katawan pero pinilit kong maglakad para humanap ng taxi.
Bakit ganun? Kung kailan handa na akong gawin ang lahat para sa kanya saka naman niya ako sinaktan.
I hate this f*cking feeling, parang tinutusok ang puso mo.
"Miss sabay ka na sakin." Gulat akong napatingin sa lalaking nagsalita.
Siya yung lalaking nasa bahay ni Madam.
"Hindi na po Sir." Pinasigla ko ang boses ko para hindi niya mahalata na umiyak ako.
"No i insist, it's dangerous for a girl like you walking in the middle of the night."
"Hindi pa naman po masyadong gabi."
"Sige na! Ihahatid na kita, mismong bahay niyo pa." Pagpupumilit nito.
Hindi na ako nakahindi sa kanya, sumakay ako sa harapan ng sasakyan niya.
Habang nasa byahe, tahimik lang akong nakatulala sa labas ng bintana.
"Matanong ko lang. Bakit ka umiiyak kanina?" Tanong niya.
"Ha? hindi po ako umiiyak, masaya nga ako eh." Sabi ko sa lalaki. "Ikaw Sir bakit ang aga niyo atang umalis dun."
"I just don't like the ambiance of that party." Makahulugang sabi nito.
Tumango lang ako, hindi na ako nagsalita, iniisip ko parin yung nangyari kanina.
'Siguro nga wala nang magmamahal sakin na matino, iiwan at iiwan ako ng mga taong minamahal ko gaya na lang nang nangyari sa magulang ko.'
Nakarating ako sa tapat ng bahay namin, patay na ang ilaw dito.
"Salamat po Sir. Ano nga po palang pangalan niyo?" Tanong ko.
"Harold Silva." Sagot niya naman.
"Salamat po ulit Sir Harold." Nakangiting pasasalamat ko, kumaway pa ako dito bago umalis.
Huminga ako ng malalim. Matamlay akong pumasok sa loob ng bahay.
Tulog na si Lola, tulog narin si Jen kaya hindi ko na ito ginising para umuwi sa kanila.
Pumasok ako sa kwarto ko, tumulo na naman ang luha ko.
Tiningnan ko ang phone ko, maraming text galing kay Kyle.
"I miss you my Loves."
Wala akong balak na magreply dito.
"My Loves tulog ka na ba?"
"My Loves, reply ka naman."
"I love you."
"My Loves gusto kitang makita."
"My Love nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Labas ka."
"My loves hihintayin kita."
Mabilis kong binaba ang phone ko, tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
Naguunahang tumulo ang luha ko. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan pero tuwing naiisip ko yung mga kasinungalingan na ginawa niya sakin, tila nadudurog ang puso ko.
Mahal ko siya, mahal ko na siya mula nang may nangyari samin. Wala akong pinagsisisihan na minahal ko siya, hindi mahirap mahalin si Kyle.
Tumayo ako sa kama at pinunasan ang luha ko. I need to talk to him.
Mali ang ginawa niya, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, hindi maitatama ang ginawa niya.
I need to finished all of my f*cking business with him.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.