Dale's POV
Tatlong buwan na ang lumipas at tatlong buwan na rin siyang nanliligaw.
Masasabi kong sobrang sweet niya, nagdadala siya ng bulaklak araw araw sa bahay, minsan naman sa opisina kahit nga si Lola pinadadalhan niya ng bulaklak eh.
Sobrang maalaga din niya sakin, hindi niya ako pinababayaan.
Akala ko gusto niya lang makuha ang pagkababae ko pero mali ako. Seryoso siya sakin at nararamdaman ko yun.
Mahal ko na nga talaga siya at balak ko siyang sagutin sa Sabado, siguro matagal-tagal na rin ang tatlong buwang panliligaw niya.
"Ui apo nakatulala ka diyan." Sabi ni lola Betty, nagwawalis ito.
"Lola talaga." Sigurado akong tutuksuhin na naman ako nito.
"May hinihintay ka diyan noh." Makahulugang sabi niya kaya napatingin ako dito. "Hindi lahat ng nakikita ng mata mo ay totoo, minsan kailangan mo ring malaman ang nakaraan ng isang tao."
Pinagsasabi nito. Anong connect sa paghihintay?
"Halika't suklayan kita." Lumapit ako dito, kinuha niya ang luma niyang suklay. Akala ko nga suyod ang ipangsusuklay niya eh.
"Mahal na mahal kita Dale."
"Mahal din kita Lola." Niyakap ko siya ng mahigpit, ang swerte ko kay Lola Betty. Hindi ko man siya tunay na kadugo, minahal niya parin ako, tinuring niya akong parang tunay niyang anak.
"Oh tapos na, magluluto lang ako." Tumawa ako ng mahina, para kasing marunong siyang magluto kung makapagsalita, ang niluluto lang naman puro prito.
----------
Kinabukasan pumasok ako ng maaga sa opisina, marami akong gagawin ngayon.
"Miss, I'm looking for---" Napatingin ako sa magandang babae na nasa harapan ko, para siyang isang model. Hindi pa natatapos ang tinatanong nito nang magsalita si Madam sa likuran niya.
"Hija." Tila nagulat si Madam.
"Mamita? Mamita." Mabilis niya itong sinalubong ng yakap, humalik din ito sa pisngi. "Mamita na miss po kita. Nasan po si Kyle?" Mukhang close na close sila ni Madam.
'Bakit niya kaya tinatanong si Kyle my loves? Ah baka kamag-anak nila.
"Sa loob na tayo mag-usap Annabeth." Tumango naman ang babae at sabay silang pumasok sa loob ng opisina ni Madam.
Alam ni Madam na nililigawan ako ng apo niya dahil nakikita niya ang mga bulaklak na binibigay ni Kyle sakin.
Natapos na ang lahat ng gawain ko ngunit hindi parin tapos na mag-usap si Madam at ang babae.
----------
It's already 7 in the evening, hindi parin si Madam lumalabas ng opisina niya. Gusto ko sanang kumatok at magpaalam dito upang makauwi na.
Naiinip na ako kaya naisipan kong tawagan si Kyle. Sabado bukas at papapuntahin ko siya sa bahay.
Ring ring ring
Tatlong ring nang sagutin niya ito.
"Hello Love." Napangiti ako nang marinig ang boses niya. "Oh! Bakit hindi sumasagot ang Love ko? May nangyari ba?" Naiimagine ko ang ngiti niya."Love?"
"Ha? Sorry Love. I miss you. Thank you ulit sa flower kanina." Sagot ko sa kanya.
"Your welcome. I miss you too, i wanna see you but i'm really busy right now."
"Love, Sabado bukas punta ka sa bahay may gusto sana akong sabihin sayo." Nahihiyang sabi ko, bukas ay sasagutin ko na siya.
"Pwede mo naman sabihin thru phone. Hindi kasi ako pwede bukas may kausap ako."
"Ganun ba? Sige mag-ingat ka nalang." Pilit kong pinasaya ang boses ko para hindi niya malaman na disappointed ako.
"Okay Love. I love you." Hindi ko siya sinagot at pinatay nalang ang tawag.
Nilagay ko sa bag ang phone ko.
'Nakakalungkot naman dapat bukas ko na siya sasagutin eh.' Nakasimangot na sabi ko.
Maya maya lumabas na si Madam.
"Nandito ka pa pala Ms. Dale." Sabi niya.
"Yes po Madam, pauwi narin po ako, hinihintay ko lang kayo na lumabas para makapagpaalam ako."
"Sige Dale, you can go home."
"Salamat po. Ingat po kayo." Nakangiting pagpapaalam ko.
----------
Pagdating ko sa bahay, napaupo ako sa maliit naming sofa.
"Ate tulog na si Lola." Sabi ni Jen.
"Sige Jen salamat." Sabi ko pagkatapos inabutan ito ng 100 pesos ngunit hindi niya ito tinanggap.
"Wag na po ate. Salamat na lang po, para ko na ring Lola si Lola Betty at gusto ko po talaga siyang alagaan kahit po walang bayad." Napakabait talaga ng batang ito.
"Salamat." Sabi ko.
Ngumiti siya at lumabas na ng pinto.
Nilock ko ang pinto at sinilip sa kwarto si Lola, tulog na tulog na ito.
----------
Kinabukasan maaga akong bumangon para makapaghanda ng agahan namin ni Lola.
Wala akong pasok ngayon dahil Sabado at wala rin si Jen kaya ako muna ang aasikaso sa kanya.
"Goodmorning Lola." Humalik ako sa pisngi nito. "Kain ka na, pinagluto kita ng umagahan."
"Salamat apo ko."
Wala kaming ginawa ni Lola kung hindi maglinis ng bahay. Dumating rin pala si Jen para tumulong, may mga dala rin itong cd, kaya pagkatapos naming maglinis ay nanuod na kami.
Tawa ng tawa si Lola sa palabas, lalo na nang lumabas si Vice Beauty. Sayang lang kasi wala si my Loves ko.
Ring ring ring
Narinig ko ang phone ko kaya bigla akong tumayo at hinanap ito.
"Hello? Ito ba si secretary Dale."
"Yes speaking. Sino po sila?" Tanong ko.
"Si Molly ito Ms. Dale." Si Molly ang manager ng finance department namin.
"Ui! Ikaw pala Molly. Bakit?"
"May favor kasi ako sayo, nasa hospital kasi yung anak ko."
"Ha? Anong nangyari?" Nagaalalang tanong ko, inaanak ko kasi ang anak nito.
"Nadengue daw sabi ng Doctor, hindi ako makaalis dito sa hospital. Eh may pinapadala si Madam na papers sa bahay nila. Pwede bang ikaw nalang muna ang magdala sa bahay nila Madam ngayon?" Pakiusap nito, pumayag naman ako.
I'm sure malapit lang naman ang bahay nila Madam sa opisina.
Pumunta muna ako sa hospital para kunin ang mga papers na sinasabi niya, binigay niya rin ang address nila. Kailangan daw kasi yun ni Madam sa linggo.
Gabi na nang makarating sa address na binigay ni Molly, nag-taxi na lang ako upang mabilis ang byahe ko, mismong sa harapan ng gate na ako binaba ng taxi driver.
"Ito po ang bayad. Salamat po." Inabot ko sa kanya ang bayad.
Bumaba ako ng taxi. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Ano yun Ineng?" Sabi ng matandang lalaki.
"Goodevening po! Nandiyan po ba si Madam Mayer?" Tanong ko, ito ata ang guard nila.
"Ay oo nandito si Madam. Pasok ka, isa ka rin ba sa bisita nila?"
"Hindi po, may pinabibigay lang yung kasamahan kong mga papeless."
Pinapasok ako nito, tinuro niya ang daan kung saan ko makikita si Madam.
Pagpasok ko sa bahay nila natulala ako, napakalaki ng mansion nila at halatang mamahalin ang mga kagamitan.
May malalaking picture frame na nakasabit sa pader. Napangiti ako nang makita ang picture ni Kyle at ni Madam na magkayakap.
"Ang gwapo talaga ng my loves ko."
"Excuse me Ms." Gulat akong napatingin sa boses ng lalaki sa likuran ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.