Chapter 1

1004 Words
Dale's POV Pumasok ako sa kumpanya at dumiretso sa opisina ni Madam. Gusto ko magsorry sa nagawa ko. "Madam." Mahinang sabi ko. "Come in." Dahan dahan akong pumasok sa loob ng opisina nito, nakita ko siyang pumipirma ng mga papeles. "Oh, you're here." "Madam, sorry po dahil napahiya ko ang apo niyo sa lahat ng empleyado dito. Hindi ko naman po sinasadya. Ayaw niya po kasing pumila sa ele---," Bigla siyang tumawa. Itinabi nito ang mga papel na pinipirmahan niya at pinaupo ako sa bakanteng silya sa harap niya. "Hahaha hija nakakatuwa ka naman. Pagpasensiyahan mo na ang apo ko. Mainipin talaga yun lalo na't pag hindi nasusunod o nagagawa ang mga gusto niya." "H--hindi po kayo galit sakin?" Tanong ko. "Offcourse not! My apo deserved it. Hija ikaw ang magpapabago sa kanya. Tulungan mo siya dahil sooner or later sa kanya na mapupunta ang kumpanyang ito." Makahulugang sabi nito. "Gusto ko maging responsible siya sa lahat ng bagay at alam kong matutulungan mo siya. Kaya mo ba akong tulungan?" "Kakayanin po Madam." Mabilis kong sagot. Mukha namang mabait si Sir Kyle eh, medyo masama nga lang ang ugali. "He is 28 years old, ngunit batang isip parin. Walang ginawa kung hindi uminom at gumimik kasama ng mga barkada." Umiiling pa ito habang nagsasalita. 28 years old na pala ito pero kung magisip talo pa 21 years old, sa bagay gwapo kasi kaya nagmumukhang bata."Tulungan mo akong magbago si Kyle." Wala akong nagawa kung hindi tumango. "Thank you, maaari ka ng bumalik sa trabaho. Maya maya lang darating narin yun." Tumango ulit ako at lumabas na ng opisina ni Madam. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay inayos ang mga kalat sa ibabaw ng table ko. "Hi girlfriend." Gulat akong napatingin sa harapan ko, nagtama ang mga mata namin ni Kyle. Anong problema nito bakit ang lapit niya sakin. Una na akong lumayo sa kanya."Sir bakit ka nanggugulat?" "I'm not! I just wanna ask kung nasa loob na si Mamita?" Alanganing tanong niya. Napansin ko na may dala itong dalawang paperbag. "Yes po. Nasa loob na siya." Nagiwas ako ng tingin at tinuon sa ginagawa ko. "Ito nga pala," Inabot niya sakin ang isang paperbag. "Ibigay mo kay Lola Betty. Sabihin mo pinabibigay ng gwapo mong boyfriend." Lakas din ng tama nito ah! Gwapong-gwapo sa sarili. Hindi ako nagsalita at kinuha ang paperbag sa kanya, sinilip ko kung anong laman nito. Nanlaki ang mata ko nang makitang punong-puno ang paper bag ng imported chocolates. "Btw, mamaya aalis tayo." Sabi niya. "Huh? Saan naman po tayo pupunta Sir Kyle?" "Hindi mo na kailangang malaman. Mamita told me that you'll help me to be a responsible person, kaya dapat lagi kitang kasama kung saan man ako magpunta." "Ano ako yaya mo? Ayoko nga!" "Ayaw mo? Sige! Madali naman akong kausap. Pwede ko namang sabihin kay Mamita na ayaw mo at maghanap nalang siya ng bago---," "Oo na! Pumapayag na ako, ito naman hindi mabiro. Ang seryoso mo pala noh." Sarcastic akong ngumiti sa kanya. Matamis naman siyang ngumiti sakin bago umalis sa harapan ko at pumasok sa opisina ni Madam. Paano na ngayon? Hindi ako pwedeng lapit ng lapit sa lalaking yun, baka mamaya mainlove ako sa kanya. NO WAY HIGHWAY! Napailing nalang ako. Inalis sa isip ang pinagusapan namin at tinuloy ang trabaho ko. "Girlfriend tara maglunch tayo." Andito na naman si Kyle at ginugulo na naman ako. "May ginagawa pa ko. Mauna ka na at wala akong oras na bumili sa labas ng pagkain." Hindi siya nagsalita, sa halip ay umupo sa bakanteng silya sa harapan ko. May tinawagan siya na hindi ko alam kung sino. Sobrang weird naman ng lalaking ito. Kainis! Maya maya may pumasok na lalaki. "Sir Kyle, ito na po ang mga pagkaing pinadeliver niyo." Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin at binalik ang atensyon sa pagtatrabaho. "Oh, Gusto ko sabay tayong kumain." Sabi ni Kyle. Binaba nito sa lamesa ang pinadeliver niyang mga pagkain. "Ha? Bakit ang dami nito?" Tanong ko. Andami niya kasing pinadeliver, parang limang tao ang kakain. "Ayaw ko kasing magutom ang girlfriend ko. Gusto ko busog siya palagi." Napangiti naman ako sa sinabi nito. Kilig si Ate gurl mo. "Hindi mo ko girlfriend. Wag kang feeling." "Magiging girlfriend rin kita. Just wait!" Hindi ko pinansin ang sinabi nito. Kumain nalang ako dahil gutom narin ako at hindi pa ako nagaalmusal. Natapos kaming kumain, ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin sympre nakakahiya naman sa kanya. "Salamat po Sir Kyle. Nabusog po ako ng sobra." Pasasalamat ko. "You're welcome. And please, wag mo naman akong tawaging Sir at wag ka narin mag po sakin, lakas makatanda eh." "Okay Kyle. Magtatrabaho na ko." "Ihahatid kita sa bahay niyo mamaya. And I don't take no for an answer." Umalis siya sa harapan ko. Napangiti na naman ako sa sinabi niya, parang may butterflies sa loob ng tiyan ko. Bakit niya kaya ako ihahatid? Nanliligaw na ba siya? Teka, hindi noh. Hindi siya magkakagusto sa isang dukhang katulad ko. Palabas na ako ng building nang makita ang sasakyan ni Sir Kyle na halatang may hinihintay. "Andiyan ka na pala. Let's go! I'll take you home." Sabi niya. Hindi na ako nakatutol pa kasi nakakahiya naman. Sumakay ako sa sasakyan niya. Ang ganda ng sasakyan nito, yayamanin ang tatak. ---------- Mabilis kaming nakarating sa bahay. "Salamat Kyle." Tinitigan niya lang ako na tila kinakabisado ang buong mukha ko. "Oy, salamat." Bigla siyang lumapit sa mukha ko kaya nagkadikit ang aming mga labi. Hindi ako makagalaw, para akong naestatwa sa kinauupuan ko. 'My first kiss.' "Liligawan kita." "B---bakit mo ako h-hinalikan?" Nauutal na sabi ko. Speechless pa din ako sa nangyayari ngayon. Ngumiti siya, ngiting nakakaloko. Ahh sobrang gwapo niya. Mabilis akong bumaba sa sasakyan niya at patakbong pumasok sa loob ng bahay. OH GOD MY PRECIOUS LIPS. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Bakit parang walang akong pinagsisisihan sa nangyari? ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD