Dale's POV
Pumasok ako sa entrance ng opisina, tingin sa kanan at tingin sa kaliwa.
Iniiwasan ko kasi si Sir Kyle dahil nga sa nangyari noong isang gabi na hinatid niya ako. 'Ang awkward kaya.'
Para akong kriminal na pilit na tumatakas sa aking kasalanan, nang hindi ko siya nakita ay patakbo akong sumakay sa elevator. Nagpalate talaga ako para wala akong kasabay.
Magsasara na ito ng may humarang na kamay dito, gulat akong napatingin sa lalaki.
"There you are. Are you avoiding me?" Hinihingal na sabi niya halatang tumakbo ito.
'Oh Gosh! Anong isasagot ko?'
"Uhm... Goodmorning Kyle." Nakangiting bati ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"I'm asking you Ms. Dale, Are you avoiding me?" Tanong niya ulit.
"N---no. Why should i?" 'Kalma lang Heart, pakakalusot din tayo dito.' Bulong ko sa sarili.
"Okay. So, i'm here because i have something to tell you." Nakakaloko na naman ang ngiti nito.
Napataas ang kilay ko."Ano po yun Sir?"
"Mamita said that I have to attend a conference meeting in Cebu at alam mo naman na baguhan ako dito sa pilipinas kaya kailangan ko ng makakasama at ikaw ang napili ko." Pagpapaliwanag niya.
'Ano daw Cebu? ako ang isasama niya, eh hindi pa nga ako nakakapunta duon. Tsaka hindi pwede walang magbabantay kay Lola.'
"Kyle i can't. Paano si Lola? Walang magbabantay sa kanya."
"Don't worry about your Lola, ako nang bahala."
Hindi na ako nakahindi sa kanya after all siya ang masusunod, siya ang boss ko.
----------
Sumama ako sa kanya sa Cebu, 3 days and 2 nights kami dito, may sari-sarili naman kaming kwarto.
Lagi kong tinatawagan si Lola at mino-monitor kung okay lang ba siya.
Si Kyle ang gumawa ng paraan kay Lola kinausap niya ito. Ewan ko kung paano niya napapayag, pero sigurado akong inuto niya ito.
Pumasok ako sa kwarto ko pagkatapos ay humiga sa kama, nakakapagod pala umattend ng meeting conference.
Pagdating na pagdating namin kanina, dumiretso na kami sa meeting conference hindi na kami nakapagpahinga.
Tok tok tok
Narinig ko na may kumatok sa pinto kaya dali dali ko itong binuksan.
Nakita ko si Kyle na nakatayo sa harap ng pinto at nakahawak sa batok niya. "Okay ka lang ba dito?"
"Ha. Okay lang naman. Bakit?" Naguguluhang tanong ko. Ang weird niya kasi.
"K--kasi baka hindi ka comportable, I mean baka namimiss mo si Lola betty." Hindi siya tumitingin sakin parang naiilang siya.
Hinawakan ko ang kamay nito. "Okay lang ako Kyle." Nakangiting sabi ko.
"Ah ganun. Sige pag may kailangan ka katok ka lang sa kwarto ko."
Tumango ako, hindi pa siya umaalis kaya hindi ko parin sinasara ang pinto.
Nagulat ako nang bigla niyang halikan ang labi ko. Hindi ko siya pinigilan, nadala rin ako sa halik niya. 'Ang lambot pala ng labi nito.' Ay hindi! Erase, erase.'
Lumayo siya sakin. "I'm sorry, nadala lang ako."
Sinarado ko kaagad ang pinto. Hinawakan ko ang aking labi. 'Bakit hindi ko siya pinigilan? Don't tell me gusto ko rin ang halik niya. Hala naloko na!'
Hindi ako nakatulog nang gabing yun, iniisip ko parin ang nangyari.
----------
Kinabukasan lumabas ako sa kwarto. Nakita ko siyang may kausap na lalaki.
Lumapit ako sa kanya. "Goodmorning po Sir."
"Goodmorning." Bati niya sakin pagkatapos ay hindi na ako pinansin.
Lumipas ang dalawang araw tila nagiba ang ugali nito, hindi niya ako masyadong pinapansin. May itatanong lang siya tapos end of conversation na.
Nandito na kami sa airport ngayon pauwi sa Manila.
Malakas ang ulan, kaya nagmamadali kami ni Sir Kyle, malalate narin kasi kami sa flight namin pabalik ng Manila.
"Sir Kyle. I'm really sorry but your flight is cancelled because of the typhoon." Napapikit ako.
Ano ba naman yan, sana sinabihan nila kami para hindi na kami nagcheck out sa hotel.
"Sh*t!" Galit na sabi niya.
Umalis siya sa harapan ng babae, ako na mismo ang humingi ng paumanhin sa babae. "Sorry Ms."
"It's okay po Ma'am, Sorry din po." Nakayukong sabi ng babae.
Nagtungo kami sa pinakamalapit na hotel dito sa airport. Nakasunod lang ako sa kanya.
"Sir isa nalang po ang kwarto na available dito sa hotel but don't worry it's a luxury room." Sabi ng babae sa front desk ng isang hotel.
"I don't fu*king care if that's a luxury room. I told you we need two rooms."
"Sorry po. Isa nalang po talaga ang available na room."
"Kapag minamalas ka nga naman." Naiinis na sabi niya.
"Okay na po yun Sir Kyle." Sabi ko.
"Fine. I'm also tired of this, give me the keys." Kinuha niya ang susi sa babae at mabilis na naglakad patungo sa kwarto.
----------
Pagdating namin sa kwarto. "Sir dito nalang po ako sa sofa, dun nalang po kayo sa kama." Sabi ko.
'Sanay naman ako sa sofa eh.'
"No! Tabi na tayo sa kama, masyadong maliit ang sofa." Tiningnan ko ang sofa medyo malaki naman ah, hindi nga lang kasing laki ng kama.
Tumango ako. Nagshower ako at nagbihis ng pantulog.
Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama, nakatingin lang ako sa kisame. "Sir galit ka ba sakin? Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko.
"Hindi ako galit sayo, galit ako sa sarili ko dahil hinalikan kita." Sabi nito, gising pa pala akala ko tulog na.
"Bakit po, nagsisisi ka ba na hinalikan mo ako?"
"Offcourse not! nahihiya lang ako sayo. Dale, alam ko masyadong mabilis pero i think i like you."
Nagulat ako sa sinabi nito, kinikilig ako. Hindi ko alam ang isasagot ko pero gusto ko rin siya, magpapakatotoo nalang ako.
"I think i like you too." Sabi ko, magpapabebe pa ba ako? Eh si Sir Kyle na yan, ang inaasam-asam ng mga babae.
Bumangon siya at tiningnan ako. "Gusto mo rin ako?"
Napakagat ako sa labi at dahan dahan na tumango. Niyakap niya ako. "Don't worry, liligawan kita. Gagawin ko ang lahat para sagutin mo ako." Masayang sabi niya.
----------
Nagising ako nang may humahaplos sa buhok ko.
"Morning." Nakangiting bungad ni Kyle.
"M---morning." Kinagat ko ang pangibabang labi ko, ang sarap pala sa feeling na may bubungad sayo na gwapong mukha, para bang ayaw mo nang matapos ang oras na ito.
"Don't bite your lips, It's turning me on. Breakfast?" Tanong niya.
Ehhh kinikilig ako.
"Sige." Nakangiting sabi ko, tumayo siya at kinuha ang tray na may lamang almusal.
"Breakfat in bed babe."
'Luh! Bakit ang hot niya?' Tanong ko sa sarili.
"Hindi ako baboy." Pabebe kong sabi.
"Edi baby, sweetheart, love." Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Gusto ko love, gusto ko ako lang ang love mo wala ng iba." Nagiwas siya ng tingin. "Ui love." Tawag ko sa kanya, ngumiti lang siya.
"Mamasyal tayo? Meron pa naman tayong dalawang araw."
"Pero may bagyo, baka kung anong mangyari satin sa daan."
"Hindi yan, kumain na muna tayo." Sabay kaming kumain ng almusal. Nagshower narin ako bago kami umalis, sabi niya may pupuntahan daw kami na siguradong maeenjoy ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.