Chapter 19

1308 Words
Dale's POV "I have to go." Bulong ko kay Kyle pagkatapos humalik sa noo niya. 7AM palang kaya tulog pa ito. Marami akong gagawin sa opisina kaya kailangan kong pumasok ng maaga. Anim na buwan na ang lumipas, masasabi kong masayang masaya ako sa piling ni Kyle, nakikita ko yung effort niya na makisama samin. Nagpahatid nalang ako sa driver sa opisina. Medyo traffic sa daan kaya nalate parin akong pumasok. ---------- "Goodmorning Ma'am." Bati ng mga taong nakakasalubong ko. "Goodmorning." Nakangiting pagbati ko rin. Sumakay na ako sa elevator, nasa 15th floor ang opisina ko. Paglabas ko sa eleveator sinalubong ako ni Cathy, ang secretary ko. "Goodmorning Ma'am. Inform ko lang po kayo sa meeting niyo sa board of directors ng after lunch." "Okay. Thanks." "Ma'am Dale nandiyan na din po pala si Mr. Tan, pinapatawag po kayo." Nahihiyang sabi niya. Napapikit ako, sigurado akong problema na naman ang bungad sakin ng matandang yun. "Sige sabihin mo sa board room nalang kami magmeeting." Tumango ito at kaagad na tinawagan ang secretary ni Uncle Tan. Kapatid ito ni Mamita, isa sa pinakamagaling dito sa kumpanya. Consultant nalang siya dahil sa katandaan, ayaw namin siyang bitawan sa angking galing nito. Siya ang nag-train sakin noong naiwan ni Kyle ang kumpanya, halos nasusolusyonan niya ang lahat ng problema dito. Sinuot ko ang coat ko at dumiretso sa board room. Ayoko naman itong paghintayin noh. "Uncle Tan." Tawag ko at nagmano sa kanya. "How are you?" "I'm good Dale. How about you?" "Okay din po ako." Nakangiting sagot ko. "Ano pong paguusapan natin Uncle?" May inabot siyang papeless sakin. "What's this?" "Read it." Utos niya. Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Apat na investors ang nagback out sa contrata. "Anong ibig sabihin nito? Nakausap ko ang may ari ng mga kumpanyang yan. Hindi sila pwedeng magback out." "Ngayon lang nangyari ito Dale. Isang investor pa nga lang ang nagback out nagkakagulo na tayo, apat pa kaya." Nilukot ko ang papel. "Hindi pwede. Uncle, anong gagawin natin?" Tanong ko. Mahalaga ang mga investors sa kumpanya kaya hindi sila pwedeng mawala sakin. Tsaka malaking pera na ang nilabas ko para lang makuha sila. Okay na lahat eh, nakausap ko na sila at nagkasundo na kami. Bakit biglang magbaback out? May mali sa nangyayari! Hindi ito nagkataon lang kundi may sumasabotahe sa kumpanya ko. Oo inaamin ko na napabayaan ko ito ng ilang buwan mula nang dumating si Kyle, pero hindi yun rason para magback out sila ng walang explanation. "Dalawa lang ang possibleng solusyon. Una, pakiusapan mo na bumalik ang mga investors na nagback out. Pangalawa, humanap ka ng kapalit nila within two months kung hindi tuluyan nang maba-bankrupt ang kumpanya." Napapikit ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. "Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo Dale. Sayo na nakasalalay ang buong kumpanya." Tumayo na ito at lumabas na ng board room. Pinalo ko ang lamesa. 'Alam kong pagsubok na naman po ito Panginoon.' Bumalik ako sa opisina para pag-aralan ang magiging hakbang ko. Hindi ako pwedeng sumuko, maraming umaasa sakin sa kumpanyang ito. Buong araw akong naging busy, tinawagan ko ang dapat tawagan. Ayaw nilang magbigay ng kahit na anong impormasyon, apat na kumpanya isa lang ang sinasabi. May nakuha na silang iba. Hindi ako kumain ng tanghalian, puro kape lang ang ininom ko, hindi rin ako umattend ng mga meeting. Napapikit ako nang sumakit ang bandang batok ko, nahihilo na ako sa sobrang pagod. Napatingin ako sa orasan, 9 na pala ng gabi. Tinawagan ko ang driver ko para sunduin ako. Dala ko ang bag ko at pagewang gewang na naglakad sa hallway, para akong lasing sa ginagawa ko. Okay lang naman, wala na namang tao sa paligid kasi kanina pa tapos ang office hours. Paglabas ko sa reception nakita ko si Kyle na nakasandal sa sasakyan niya habang naghihintay sakin. Bigla nalang sumilay ang ngiti sa aking labi. Kung ganito palagi, edi mabilis na mawawala ang pagod ko. "Hi. Kamusta ang trabaho?" "Okay lang. Nakakapagod, sobrang stress." "Pagsubok lang yan, alam kong malalampasan mo din yan." Tumango ako, si Kyle ang kailangan ko ngayon. "Ikaw anong ginawa mo ngayong araw?" Tanong ko. Alam ko kasing boring sa bahay, kaya sinabihan ko siyang mamasyal sa kung saan niya gusto. "Nagpunta ako sa mall, naglakad lakad lang." "Okay. Let's go home." Pagdating sa bahay tulog narin ang anak namin. Pinuntahan ko lang siya sa kwarto niya para humalik sa pisngi nito. Hindi na ako naghapunan. Naghilamos nalang ako at humiga na sa tabi ni Kyle. Nakakapagod ang araw na ito, parang lantang gulay ang katawan ko. ---------- After 1 month "What the hell! Hindi tayo pwedeng magtanggal ng tao basta basta." Galit na sabi ko. "Ms. Dale yun lang ang nakikita namin para mabawasan ang gastos ng kumpanya. Hindi na natin kayang magaccomodate ng maraming empleyado." "Kaya nga ginagawan ko ng paraan diba." "It's not enough Dale." Napatingin ako sa seryosong mukha ni Uncle Tan. "We don't have a choice." Napailing ako. Naalala ko yung nangyari sakin noon, nagbawas din ng empleyado ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko kaya iyak ako ng iyak. Kung sa iba oa kaming tingnan, pero para sakin hindi. 'Masakit mawalan ng trabaho lalo na't kung sayo lang umaasa ang pamilya mo. Awang awa ako sa sarili ko nung mga oras na yun. Ang nasa isip ko yung Lola ko. Paano ang maintenance niyang mga gamot? Paano yung pampacheck up niya? Hindi ko alam kung sa susunod na araw sapat pa ang perang naipon ko sa pagkain namin.' Umiling ako at tumayo. Ayoko nang makipagtalo sa kanila. Hindi naman nila ako maiintindihan kapag nagpaliwanag ako, kasi hindi nila naranasan maging mahirap, hindi nila naranasan na pagkasiyahin ang sweldo nila sa isang buwan. "Dale come back here." Tawag ni Uncle pero dire-diretso lang ako sa paglabas ng board room. Kinuha ko ang bag ko. Uuwi na ako, gusto ko ng magpahinga. Ilang araw na akong subsob sa trabaho, uuwi ako sa bahay tulog na ang mag-ama ko tapos pagpasok ko sa trabaho tulog parin sila, wala na akong oras para sa kanila. Naggrab nalang ako para hindi na maghintay sa driver. Mabilis lang ang naging byahe kasi hindi pa naman rush hour. Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ng mainit na yakap ng anak ko, unti unting nababawasan ang pagod ko. "I missed you Mommy. Are you done working?" "Yes baby." Para akong nawala ng ilang araw dahil sa trabaho ko. "Where is your Dad?" Tanong ko nang magring ang phone ko. "Wait baby. I'll answer my phone lang ha." "Hello." Bungad ko sa unknown number. "Hi Mrs. Mayer, this is Patricia from your bank po. Ask ko lang po kung okay na yung bank transaction natin last week or may concern pa po kayo?" "Transactions?" Nalilitong tanong ko. "Uhmm... Sorry Ma'am concern pala ito ni Mr. Mayer. Can I talk to him po?" "Naliligo kasi siya, you can tell me." "Nagwithdraw po kasi si Mr. Mayer ng 100 thousand. Nagkaproblem po ata sa atm niya kaya siya napatawag, kaya lang hindi po namin siya nasagot." "100 thousand?" "Yes po. Aware naman po siguro kayo Ma'am?" "Yes." Pagsisinungaling ko. "Okay na, wala na siyang concern. Kausapin ko nalang siya na balikan ka Patricia. Thank you." Pinatay ko ang tawag at chineck ang balance namin sa banko. 7 transaction for this month. Libo libo ang winidraw niya sa banko, ang pinakamalaki 100 thousand. Hindi ko siya pinagbabawalan na gumastos, pero sana man lang may nakikita akong binibili niya. "Ang aga mong umuwi Dale." Napatingin ako kay Kyle nang magsalita ito sa likuran ko. "Mabilis natapos ang trabaho ko. Ikaw saan ka galing?" Tanong ko. "Naglakad lakad lang sa mall." Sagot niya at umiwas ng tingin sakin. 'Hindi mo man sabihin pero alam kong may tinatago ka sakin Kyle.' -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD