Kyle's POV
Flashback
"Iiwan mo ako? Iiwan mo kami ni tatay?" Tanong ni Hilda habang pilit na nilalabas ang mga gamit na nilalagay ko sa bag.
"Para ito sa kalayaan mo. Tingin mo ba gusto kong sumama sa pamilyang hindi ko naman kilala?"
Natawa ito ng mahina. "Anong tingin mo maloloko mo ako? Alam ko namang gustong gusto mo ng makaalis sa ganitong buhay." Huminga ito ng malalim. "Akala ko ba mahal mo ako."
Napatingin ako sa kanya.
"Oo mahal kita. Kaya ko nga ginagawa ang lahat ng to. Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng babaeng yun. Mayaman sila at isa lamang tayong dukha."
"Yan ba talaga ang tunay na rason Agapito? Bakit nakikita ko sa mata mo na may iba pang dahilan kaya gusto mong sumama sa pamilyang yun."
Napapikit ako sa sinabi niya. Nag-iingat ako sa pananalita kasi ayokong may masabing masakit sa kanya.
Ang totoo niyan gusto kong mahanap ang kulang sa pagkatao ko. Nagmamahalan kami ni Hilda pero may malaking kulang sa pagkatao ko na gustong gusto kong malaman kung sino o ano.
"Hindi ka makasagot diba." Hinampas ako nito. "Ang dami kong sinakripisyo sayo tapos ganito lang ang igaganti mo sakin."
"Ikaw lang ba? Marami rin naman akong sakripisyo sa pamilyang ito ahh. Hindi mo lang nakikita kasi nakafocus ka palagi sa sarili mo. Ni minsan ba tinanong mo ako kung okay lang ako? Kung napapagod ba ako sa trabaho na ginagawa ko."
"Hindi diba! Pinuri mo ba ako sa ginagawa kong pagsusumikap? Tatlo ang trabaho ko araw araw. Kulang pa ba yun para mapatunayan na nagsakripisyo din ako."
"Bahala ka sa buhay mo. Kung gusto mong bumalik sa tunay mong pamilya, edi bumalik ka." Sabi niya at tinulak ako palabas ng bahay. "Ayoko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan. Umalis kana sa buhay namin ng tatay ko."
Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.
Tinapon niya ang mga gamit ko sa labas ng bahay, kaya pinulot ko ito at nilagay sa bag.
Bahala na kung ano ang mangyari sakin.
----------
Ilang oras din ang naging byahe namin. Naninibago ako, ibang iba ang Maynila sa Baguio.
Mas lalo akong napahanga nang dumating kami sa bahay nila. Ang laki ng bahay nila tapos ang linis, marami ring sumalubong samin na kasambahay.
Ngunit mas nagulat ako nang ipakilala niya ang isang batang lalaki, siguro nasa anim na taong gulang pa lamang ito, sabi niya anak ko daw ito.
Ayokong maniwala nung una pero nung niyakap niya ako, parang may maliliit na karayom na tumusok sa puso ko. Hindi na ako nagdalawang isip na sakin siya, kamukhang kamukha ko siya sa malapitan.
Naaawa ako dito, anim na taon siyang nangulila sa ama. Hinahanap niya rin kaya ako noon?
End of Flashback
"Hindi ka pa natutulog, lumalalim na ang gabi Kyle." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Dale sa likuran ko. "Anong iniisip mo?" Tanong niya, nandito ako sa terese ng kwarto namin.
"Wala, hindi lang ako makatulog." Pagsisinungaling ko. Yumakap ito sa likuran ko, ramdam ko ang katawan nito na nagtatakip lamang ng manipis na kumot.
"Maaga ang check up mo bukas kaya kailangan mo ng matulog." Sabi niya habang humahalik sa batok ko.
Humarap ako sa kanya para makita ang magandang mukha nito. Unti unti ko ng nagugustuhan ang babaeng to, makita at makasama lang siya tila buo na ang araw ko.
Hindi siya mahirap mahalin, nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ng isang lalaki. Kaya nga hindi ko alam kung bakit ako ang nagustuhan niya kung marami namang mas karapat dapat para sa kanya.
Iniisip ko nga kung ano ba ako dati. Bakit madali kong nabihag ang puso niya?
"Matulog na tayo." Sabi ko.
Sabay kaming naglakad pabalik sa kama.
"I love you Kyle." Bulong niya. Pagkatapos ay humalik sa labi ko, pilit lang akong ngumiti.
Hindi pa ako ready na sagutin siya.
Gusto kong panindigan ang isasagot ko sa kanya. Ayokong magsalita na mahal ko siya tapos sa huli masasaktan ko lang rin siya.
"Goodnight Dale."
Pinagdarasal kong bumalik na ang alaala ko, para masuklian ko ng sobra ang pagmamahal na binibigay nila sakin.
----------
Nagising ako ng tumama ang init ng araw sa aking mukha. Kinapa ko si Dale sa tabi ko, ngunit wala na ito. Maaga ata siyang nagising.
Naghilamos muna ako pagkatapos dumiretso sa kwarto ng anak ko.
Pagpasok ko, nakita ko itong umiiyak. "Anong nangyari?"
"Daddy, may bad dream ako. Kukunin ka daw ulit ng monster." Umiiyak na sumbong niya.
"Walang kukuhang monster sakin. Tahan na anak."
"I thought you will leave us. Malulungkot na naman kami ni Mommy kapag nawala ka samin."
"I will never leave you. Pangako yan." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit "Come here. Your Mom is waiting downstairs." Kinarga ko ito para makababa na kami.
"Goodmorning. What happen to our baby?" Nandito pala ang Mommy ko, mukhang katatapos lang nilang magzumba ng lola ni Dale.
"Bad dreams po."
"Ohh. Come here apo, tell me about your dream." Binaba ko ito kaya lumapit siya sa dalawang matanda.
Hindi pa kumakain si Dale, may kausap pala ito sa phone niya. "Goodmorning Sir."
"Goodmorning." Ininom ko ang kape na tinimpla sakin ng kasambahay. Napatingin ako ulit kay Dale, mukhang galit ito sa kausap niya. "Anong oras nagising si Dale?"
"Mga 7AM po Sir. Kanina pa po siya may kausap, naririnig ko nga po ang sigaw niya."
"Ganun ba? Baka may problema lang sa opisina."
Biglang tumunog ang phone ko kaya mabilis ko itong sinagot.
"Agapito kamusta kana?" Napangiti ako nang marinig ang boses ng ama ni Hilda.
Lumabas muna ako ng bahay para marinig ko ng maayos. "Okay lang naman po ako. Kayo po?"
"Okay naman kami, medyo sumasakit lang ang paa ko, pero normal lang naman sakin yun diba?"
Malapit ang loob sakin ng matanda, wala itong pinakitang masama sakin noon.
Sa totoo lang nahihiya ako sa kanya. Mabait si tatay at lagi ako nitong pinagtatanggol sa lahat ng bagay, ni minsan hindi yan nakisali sa away namin ni Hilda kasi wala siyang pinapanigan sa aming dalawa.
"Sabihin niyo lang po kung may kailangan kayo, tutulungan ko kayo."
"Salamat Agapito. Mag-iingat ka diyan sa Maynila. Mauubos na ang load ko, paalam na."
"Sige po. Paal---." Hindi pa ako tapos magsalita nang mamatay na ang tawag.
Nilagay ko ang phone sa bulsa ko at pumasok ulit sa loob ng bahay. Nakita ko silang naguumpisa nang kumain ng almusal.
Tumabi ako kay Dale. "Kumain ka na." Sabi niya at sinandukan ako ng kanin.
Akmang hahawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa nang umiwas ito sakin.
Natapos kaming kumain, dumiretso si Dale sa kwarto kaya sinundan ko ito. "Hey. Are you okay?"
"Yes. Sino ang kausap mo kanina sa labas?"
"Si tatay, nangangamusta lang."
"Siya lang ba?" Tanong niya.
Lumapit ako sa kanya. "Oo. Wala na kaming relasyon ni Hilda kaya hindi mo kailangang magselos."
"Ako nagseselos? Patawa ka noh." Natawa ako sa sinabi niya, hindi ba obvious.
Halos mamula na ang mukha niya sa inis eh.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.