Chapter 17

1098 Words
Dale's POV Nagising ako nang wala si Kyle sa tabi ko, gusto ko pa sanang matulog kaya lang hindi na ako makatulog. Pinulot ko ang mga damit na nakakalat sa sahig pagkatapos nagbihis narin ako. Nakakahiya naman bumaba ng nakahubad diba. Dalawang linggo na mula nang mangyari ang kaarawan ni Mamita. So far so good. Okay naman ang relasyon namin ni Kyle, nakikita ko yung childish side niya, which is sobrang paborito ko sa lahat ng character niya. Naghilamos muna ako bago bumaba, dumiretso ako sa kusina nang makita si Kyle na nakikipagtawanan sa mga kasambahay habang nagluluto ng almusal. "Paborito po ni Ma'am Dale ang sinangag. Gusto niya po yung maraming maraming bawang." "Ganun ba? Mukhang hindi siya malalapitan ng aswang ahh." "Mapagbiro ka po pala Sir." Natatawang sabi ng kasambahay. "Ayusin lang po namin ang lamesa." Pag-alis nila dahan dahan akong lumapit kay Kyle at niyakap ito sa likuran. "Ang bango naman niyan." "Gising ka na pala. Nagluto ako ng almusal para sainyo." Sabi niya habang hinahalo ang sinangag na kanin. "Kaya pala ang bango." Inamoy ko ang batok niya at humalik dito. "I like your smell." "Ginamit ko na yung binigay mong sabon sakin." Natawa ako sa kanya. 'Why so innocent my love?' "Nakita mo na ba yung sasakyan na binili ko para sayo?" Tanong ko. Binilhan ko kasi ito ng bagong sasakyan, medyo luma na kasi yung dati. Tsaka para rin may pagkakaabalahan siya, pwede siyang mamasyal kung saan niya gusto, pwede siyang magmall mag-isa. "Hindi pa. Tingnan ko nalang mamaya, kain muna tayo." Pagyayaya niya at mabilis na humalik sa labi ko. "Goodmorning Mommy, Daddy." Boses ni Kyle Jr. habang humihikab pa. "Goodmorning my love. How's your sleep?" "It's good Mom. Can I have some milk, please." "Okay. Magtitimpla ako sandali. Sit down na." Utos ko sa kanya. Nagtimpla muna ako ng mainit na gatas. Hindi kasi ito masyadong kumakain ng almusal. "Goodmorning. Ang aga niyo atang magising ah." Pagbati ni Lola. Humalik ito sa noo ng apo niya. "Wow ang sarap naman ng almusal natin." "Si Kyle po ang nagluto niyan Lola." "Ang galing naman. Namiss ko ang mga ganitong luto. Mukhang mapaparami ang kanin ko ngayon, diet pa naman ako." Natawa kami sa sinabi nito. Umupo ako sa tabi ni Kyle. "Ganito ang paborito namin noon." "Noon? Kumakain ka rin ng tuyo?" Tanong niya. "Oo naman. Paborito namin ito ni Lola noh. Tapos isasawsaw mo sa maanghang na suka, solve na ang tanghalian namin." Sagot ko. Paborito ko talaga ang ganitong uri ng ulam, para sakin kapag may almusal kaming ganito, may sapat pa kaming pera. Lalo na yung sinangag na maraming bawang, naku kahit walang ulam kakainin ko yan. "Goodmorning everyone." Napatingin kaming lahat sa nagsalita. "Paps, your here." Masayang sabi ni Kyle Jr. Ilang linggo din itong hindi nagpakita samin, sabi niya may inaasikaso daw siya. "Namiss kita eh. May mga pasalubong ako sayo." "Wow. Thank you Paps." Yumakap si Kyle Jr. kay Luca. "Mommy, Daddy can I open na the pasalubong of Paps Luca? I'm done drinking milk na." Nagkatinginan kami ni Kyle. Ano pa nga bang magagawa namin? "Yes anak." Ako na ang sumagot. Tumakbo ito papalapit sa dalang paper bag ni Luca. "Wow nag-aalmusal na pala kayo. May dala rin akong pancake. Pwede ba akong sumabay?" "Oo naman Luca. Maupo ka dito sa tabi ko." Si Lola ang nagsalita, mukhang namiss niya rin ang pagdalaw nito samin. "Gusto mong garlic rice? Masarap to." Akmang sasandukan ko si Luca nang umiling ito. "Buti nalang napadalaw ka, namimiss ka na namin." "Sorry, naging busy lang ako sa trabaho." "It's okay." Humawak ako sa kamay niya. Halata sa mukha nito na stress siya. Ano kaya ang problema niya? Wala naman siyang nabanggit sakin na kahit na ano Humawak naman si Kyle sa leegs ko na parang sinasabi na wag mong hawakan ang kamay ni Luca dahil nasa harapan mo ko. "Actually, nandito lang ako para makasama kayo mag-almusal at sympre dalhin ang mga pasalubong ni Kyle Jr. Aalis na rin ako, marami akong pasyente ngayon." Nagulat kami nang tumayo ito at kaagad na lumabas ng bahay. Nakakadalawang subo palang ito. "Babalik ako." Pagpapaalam ko kay Kyle at mabilis na sinundan si Luca. "Luca sandali." Huminto ito ng marinig ang boses ko. "May problema ka ba? Alam mo naman na pwede mong sabihin sakin diba?" "Wala. I have to go." Sagot niya habang nakatalikod, hindi man lang niya ako tiningnan. Malungkot akong bumalik sa hapag kainan. "Anong nangyari kay Luca apo?" Tanong ni Lola. "Pagod lang siguro siya. Hayaan niyo pagbalik niya kakausapin ko ulit siya." "Kawawang bata. Mukhang walang pahinga sa trabaho. Ipagpatuloy niyo na ang pagkain niyong dalawa." Tumango ako at tumabi kay Kyle. Ano kayang nangyari sa lalaking yun? ---------- "Tapos anong nangyari?" Tanong ni Kyle. "Yun yung araw na naaksidente ka. Magkakasama na sana tayong dalawa ngunit sadyang pinaglalaruan tayo ng tadhana. Ang alam namin patay kana. Hindi ako nag-abala na silipin ka kasi hindi ko alam ang magiging epekto sakin at sa anak natin kapag nakita kitang nasa ganung sitwasyon." Maluha luhang kwento ko. "Kilala niyo ba kung sino ang may kagagawan sa nangyari?" Umiling ako. "Case closed na, kasi aksidente daw ang nangyari." Huminga ako ng malalim. "Kahit naman patay ka na noon, hindi ka nawala sa puso't isipan namin. Araw araw akong nagdarasal na sana bigyan ako ng diyos ng pagkakataon na mayakap ka ng mahigpit at masabi ko sayo lahat ng hindi ko nasabi noon. Sobrang hirap Kyle." Hinimas niya ang likuran ko. "Hindi ko alam na ganun kahirap ang pinagdaanan niyo." Humarap ako dito. "Please Kyle, mangako kang hindi kana aalis. Hindi mo na kami iiwan ulit." "Pero..." Tila sinaksak ng maraming karayom ang bandang dibdib ko. Alam kong nag-aalangan siya kasi may naiwan siyang pamilya sa baguio. Binitawan ko ang kamay niya. "Hindi mo kaya?" Bakit feeling ko kung papipiliin ko siya, hindi kami ang pipiliin niya? Na sa isang iglap possibleng mawala ulit siya sakin. "Kailangan kong uminom ng tubig." Sabi ko at dire-diretsong naglakad ngunit bigla akong tinawag nito. "Dale." Tumingin ako sa kanya at umiling. Ayokong makipagplastikan sa kanya na okay lang ako, kasi nasaktan ako sa reaksyon niya. Parang nabalewala ang lahat ng efforts ko. Kahit pala ibigay mo ang lahat, kahit wala ka ng itira sa sarili mo, wala ka parin mapapala. Sa bagay limang taon din silang nagsama ng babaeng yun. Sino ba namang tao ang makakalimot kaagad? Kung tutuusin mas matagal pa silang nagkasama ni Kyle kesa samin. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD