Chapter 16

1269 Words
Dale's POV "Hey, stop it." Sabi ko sa dalawa nang makita silang naghaharutan sa may sala. "Diba sabi ko magbihis na, may dinner tayo kay Mamita." "Dad is biting me." Tumatawang sabi ng anak ko. Ngayon lang ako nakakita na inaasar na tawa parin ng tawa. "Take a bath na baby." Tumakbo ito nang akmang hahabulin ni Kyle. "Ikaw rin Kyle. Nandun na yung susuotin mo, susunod na ako." Sabi ko. Niligpit ko muna ang ibang laruan na nakakalat sa sala. Doble talaga ang trabaho kapag may bata sa loob ng bahay, nakakapagod pero masaya. Sa totoo lang, para sakin sila ang nagbibigay kasiyahan sa mga mag-asawa. Kung yung iba pagkakamali ang turing sa biglaang pagbubuntis, para sakin hindi. Siguro hindi lang nila ineexpect kaya naiisip nilang pagkakamali, pero kung lalawakan mo lang ang pagiisip mo. Maiisip mo na nasa tama kang oras, nasa tama kang panahon. Si God ang nakakaalam ng lahat, binigyan ka niya ng isang regalo kasi alam niyang handa ka na. Umakyat na ako sa kwarto para maligo at makapag-ayos narin. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Paglabas ko sa cr nakita ko si Kyle na naiinis na dahil hindi nito alam kung paano ang tamang pag-aayos ng necktie. "Ganito kasi yan. Ipasok mo itong tali sa kabila tapos dito yung isa." Umiiwas ito ng tingin sakin. Nakatuwalya lang kasi ako sa harapan niya. "Okay na." "Salamat. Mauna na ako sa labas para makapagbihis ka." Pasasalamat nito pagkatapos lumabas na ng kwarto namin. Akward para sa kanya, pero sakin hindi. Normal lang naman sa mag-asawa ang ganitong bagay. Naglagay lang ako ng konting make up para simple lang, sinuot ko narin ang formal dress ko pagkatapos tinali ang buhok ko na parang messy ban. "Mom you are so beautiful." Puri sakin ng anak ko pagbaba ko ng hagdan. "Thank you baby." "Maganda ba si Mommy? Dad." Natawa ako sa tanong ni Kyle Jr. Wala talagang preno ang bibig nitong batang ito. "Oo." Napatingin ako kay Kyle. "Tara na baka malate tayo." Nauna silang pumunta sa sasakyan. Kakaiba ang t***k ng puso ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa sagot niya. "Apo, tara na. Baka malate na tayo." Tumango ako. Sabay kaming lumabas ng bahay ni Lola. Mabilis kaming nakarating sa venue ng birthday ni Mamita. Akala ko simpleng dinner lang, bakit may pa stage. Tapos nandito rin ang mga empleyado ng kumpanya namin, pati narin ang mga board of directors. Umakyat ng stage si Mamita. "Magandang gabi sainyong lahat. Ikinagagalak ko ang pagpunta niyo sa aking kaarawan." Huminga ito ng malalim. "Alam ko nagulat kayong lahat kasi ngayon lang ako nagcelebrate ng ganito kabonggang birthday party." "Simple lang naman akong tao, makasama ang pamilya ko sa aking kaarawan, masaya na ako. Pero ngayon kakaiba ito." Tumingin ito banda samin. "Limang taon nabalot ng kalungkutan ang aming mga buhay, limang taon siyang nawala samin." Tila nagulat ang mga tao sa sinabi nito. "At ngayon na bumalik siya, hindi ko na sasayangin ang oras at panahon na makasama ito. Everyone, I would like you to meet my son. Kyle Mayer." Nagpalakpakan ang mga tao at hindi makapaniwala sa sinabi ni Mamita. Tinutok kay Kyle ang spotlight. "I love you anak and this is the best gift ever." Lumapit si Mamita kay Kyle pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit. Welcoming party at birthday party pala ang celebration ngayong gabi. Alam kong masaya sila na bumalik si Kyle, na bumalik ang dati nilang boss. Hinawakan nito ang kamay ko. "Magpapicture tayo bilis." Sabi ni Lola, hindi talaga mawawala ang picture taking nito. "1, 2, 3, smile." "Everyone enjoy the food." Sumabay narin kami sa pagkain ng mga guest. Halata sa mukha nila ang labis na kasiyahan. Pagkatapos namin kumain, naiwan lang kaming dalawa ni Kyle sa table namin. Naisipan ko itong yayain na sumayaw. Slow dance lang naman ito para sa couples. "Tara sayaw tayo." "Ha? Hindi ako marunong sumayaw." "Akong bahala sayo." Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa kanya. Parang ako na tuloy ang lalaki sa relasyon namin. Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay ito sa magkabilang bewang ko. "Mag-sway ka lang ng dahan dahan." "Ganito." Tumango ako at ngumiti. "Hey, are you okay? Kumalma ka lang, isipin mo tayong dalawa lang ang nandito." Bulong ko. "Sa totoo lang nahihiya ako." Nalilito akong napatingin sa kanya. "Hindi ko naman sila kilala. Natatakot akong ikumpara sa dating Kyle. Ano bang panlaban ko dun, eh wala nga akong maalala." "Hindi mo naman kailangan matakot. Tanggap nila kung ano man ang gusto mong baguhin sa sarili mo." "Naninibago parin ako sa buhay na ganito. Akalain mong isang araw magigising ka nalang na hindi ka na nakahiga sa papag, na nakakain mo na yung mga pinapangarap mo lang na pagkain noon." "Kaya nga tanggapin mo kung nasaan ka ngayon." Sumandal ako sa balikat niya. "This is your moment Kyle. Ito ang tunay mong buhay, ito ang totoong ikaw. Kalimutan mo na ang nakaraan sa baguio at pangako ko sayo na magiging maayos ang lahat." Humarap ako dito. Tila hinihila ako ng titig niya na halikan ang kanyang labi. Pinikit ko ang aking mata at dahan dahang nilapit ang labi ko sa labi niya. Akala ko pipigilan niya ako o kaya naman itutulak pero nakatayo lang siya. "I'm sorry." Sabi ko at patakbong umalis sa harapan niya. Biglang pumasok sa utak ko ang masasaya naming alaala noon. Bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal niya sakin? Siguro dahil hindi parin niya nakakalimutan ang babaeng yun. "Dale." Tawag ni Kyle sakin. Pinunasan ko ang luha ko. "I'm sorry. Hindi dapat kita hinalikan, please wag kang magalit sakin." Ikinabigla ko nang hatakin niya ako at kaagad na hinalikan ang labi ko. "May kakaiba sa labi mo na parang kilalang kilala ko." Bulong niya. "Bumalik na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Kyle Jr." ---------- Binaba ni Kyle sa kama ang anak namin. Nakatulog na ito kalalaro sa party, dito kami magpapalipas ng gabi. Buong hotel naman ang inarkila ni Mamita para sa mga guest na hindi na makakauwi. Inayos ko ang kumot ni Kyle Jr. at humalik sa pisngi nito. Sabay kaming mag-asawa na pumunta sa kabilang kwarto para makapagpahinga narin. Pagkatapos maligo ni Kyle, ako naman ang sumunod. At humiga na ako sa tabi niya. "Goodnight Kyle." Sabi ko at humalik sa pisngi niya. "Goodnight." ---------- Nagising ako nang may katawan na nakayakap sakin. Napangiti ako nang makilala kung sino ito. Ang aga pa pala, 7AM palang ng umaga. Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan ito ng mabuti. "Mahal na mahal kita Kyle." Bulong ko at dahan dahang humalik sa labi niya. Biglang gumalaw ang labi niya, kesa pigilan siya mas lalo ko itong hinatak papalapit sakin. Pumatong ito sa katawan ko habang patuloy lang sa paghalik sa labi ko. Tinanggal niya ang suot niyang t-shirt, ganun din ang ginawa ko sa suot kong damit. Tila nawala ako sa katinuan. Ang gusto ko lang ay maramdaman ang presensya niya sa aking katawan. Naramdaman ko ang labi nito sa aking leeg pababa sa dibdib ko. Napapapikit ako sa labis na sensasyon na naidudulot sakin ni Kyle. Wala na kaming suot na kahit na ano. Napalunok ako nang maramdaman ang pagkalalaki nito sakin. Sigurado akong masakit na naman ito. Ang tagal ng huli naming ginawa ang bagay na ito. "Ohhh!" Napaluha ako hindi dahil sa sakit kundi sa labis na kasiyahan. "I love you Kyle." Bulong ko sa kanya. Hindi man siya magsalita pero ramdam ko ang pagmamahal na binigay niya sakin sa mga oras na ito. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD