ALEX POV
Hindi pa rin maalis -alis sa isip ko ang guwapong mukhang ng boss ko, para akong nahihipnotismo pag nasisilayan ko mukha nito. Grabe ang lakas ng karisma nito. Nakakamagneto ang pisikal nitong anyo, dagdagan pa ang husay at talas, as if God gave him all the wonderful things in the world. Ang swerte ng mapapangasawa nito.
"Ginabi ka ata , best" Best ,tama ba narinig ko, teka bakit nagkaboses ata imahinasyon ko, tsaka bakit best, pang bestfriend material lang ba ako? pero boses ni Mitch yung bestfriend ko ang narinig ko pero teka lang ang bestfriend ko kasi na si Michelle ay nasa Ilocos, kababata ko yun. Since my diaper days inseparable na kami, sabay kami sa lahat ng bagay from ligo, gang sa pagkain, magkasama kami hanggang sa mag -aral na kami from kinder to college, same school and same course din, communication arts, dangan nga lang at nagkahiwalay na kami nitong nakatapos na kami, ako kasi pangarap ko talaga ang magtrabaho sa Mcorp, samantalang si Best naman ay nagtratrabaho ngayon sa munisipyo ng Ilocos Sur. Pero teka nga self talaga bang naghahalucinate na ako, kung sabagay sarili ko nga kinakausap ko na, ano ba yan, mahirap pala mag ka crush, nakakapraning, pati boses ng bestfriend ko naririnig ko na ganon ba katindi ang effect ni Sir David sa akin, halaka! naku paano na yan pag napraning ako paano na ang pangarap kung pag-ibig, mawawala na pabahay namin ni mama. IKAW kasi Alex, pantasya pa more, yan kung ano-ano na naririnig mo, Ano ba ito pati ba naman utak ko sinisita na ako.
"Hoooy best ano ba binubulong mo jan, kanina ka pa jan? nakakatawa ka ng tignan" sabi pa ng boses na umaawat sa pag daday dream ko. Pero bakit parang tunay yung boses eh saan ba galing un?
Kunot noon tuloy ako na napatingin sa pinanggalingan ng boses at di naiwasang panlakihan ng mata ng makita ang bestfriend ko na prenteng-prenteng nakaupo sa salas habang umiinom ng juice at tumatawang nakatingin sa akin.
"O ano best, parang nakakita ng Diyosa diyan" wika pa nito habang di pa rin humuhupa ang pag ngisi nito.
"Besssssssst, bessssssst ikaw nga ba yan, namiss kita" sabay takip ko pa ng bibig upang mapigilan ang pagtili ngunit di ko na napigilan ay napatakbo at yakap na rin ako sa kanya, parang hirap pa ako maniwala kaya hinawakan ko pa mukha nito at sinipat-sipat, andito nga talaga bestfriend ko. tuwang-tuwa ako kaya todo yakap ako sa kanya.
" Best, pakawalan mo na ako nahihirapan na ako huminga"
" Ay sorry , sorry best," sabay layo sa kanya.
Ano ba yan best parang ang tagal natin di nagkita ah, OA ka na makayakap, " sita nito sa akin.
" Totooo naman namiss kita almost 4months na kaya since grumadweyt tayo ng huli kitang nakita" ang simangot kung tuwiran dito ngunit sabay yakap ulit sa kanya.
"Namiss talaga kita." Sabay yakap muli sa aking bestfriend.
Ma, di mo sinabi sa akin na darating si best, di sana inagahan ko uwi" nakasimangot na sita ko kay mama habang natatawa lamang itong nakatingin sa amin magbest friend at kibit balikat na tumingin kay best.
"Suprise daw kasi kaya hindi namin pinaalam sa iyo., anyway gabi na iiwan ko muna kayong dalawa at ako ay matutulog na, maaga pa ako bukas, magdedeliver ako ng mga longganisa at tapa sa palengke"
" Sige po ma, ako na bahala kay Best. Good night Ma"
"good night po tita"
Tumango lamang ito at tumayo na pagkatapos namin bigyan siya ng good night kiss para pumasok na sa kanyang kuwarto.
Nang makatalikod na si Mama ay nagkatinginan muli kami ni best at natawa na lamang.
Pumasok na kami ng kuwarto at muli ay dito namin tinuloy ang kuwentuhan, nalaman ko na hanggang bukas lamang pala dito si best may pinuntahan lamang itong seminar kaya napaluwas siya at dahil sa pwedeng matulog sa labas ang mga participant minabuti ni best na dito na lamang sa bahay tumuloy at yun nga sinekreto nila ito sa akin.
"Ang daya mo talaga best hindi mo ako ininform"
" bakit pag ininform ba kita eh, susunduin mo ako?
"oo naman," ang walang kagatol-gatol kung sagot.
"Weh, di nga kanina lang hindi mo na ako pinansin eh, ang layo ng iniisip mo, siguro may bumihag na jan sa manhid mong puso" ang tudyo sa akin ni bess na siya naman pinamulahan ko kaagad..
"Sus best bawal pa ako jan, ibibli ko pa ng bahay at farm si mama, " ang sabi ko naman.
"Best 22 na tayo baka naman pwede ka nang tumanggap ng manliligaw" ang panghihikayat pa nito sa akin.
"Bawal pa ako" ang sagot ko naman kaagad dito
"Sus di ka naman binabawalan ni tita Cassandra ah, tinatanong na nga ni tita bakit wala kang pinapakilalang manliligaw sa kanya nag-iisip na nga yung ale baka tomboy ka daw kasi hindi niya maisip na wala kang manliligaw kasi maganda ka naman daw" ang sambit pa nito.
"Best.... wala na ba kayong naiisip paguusapan ni mama kung hindi ako hayyyys, best ayaw ko pa kasi ientertain yung mga ganyang bagay, need ko mag focus sa goal ko."
"Ganon, hindi totoo yan! nakakadagdag kaya sa inspirasyon pag may love life, Best kahit ba crush wala kang makita sa office niyo."
"Hayyyys, ang kulit,sige na sige inaamin ko may crush ako sa office namin."
"talaga,wow guwapo ba, matangkad ba, anong itsura bakit mo siya naging crush" namimilog pa ang matang tanong nito
"Sabi mo nga guwapo, mataas at matalino may hawig nga siya sa model na si David Gandy"
"Wow talaga best, ang guwapo nga niya malay mo pag close na kayo magustuhan ka nito"
"Malabo yun mangyari , masyadong napakataas niya para abotin"
"Naku best sa ganda mung yan, kung di ka nga lang ba manang at mahiyain eh di sana either super model ka ngayon tulad nila gigi hadid o kaya beauty queen tulad ni Queen P. Kahit manang ka, campus crush ka kaya, since elementary days natin, ewan ko nga ba sayo bakit sa ganda mung yan eh ayaw mo jumowa, kung ganyan ako kaganda tulad sayo, mestisa na nga, tapos may mga labing napaka pula kahit walang lipstick ang pula padin at mga mata mo na kukay brown tulad sa isang manika naku baka di lang dalawa jowa.ko baka nga pati prinsipe pa ng Brunei eh asawa ko na, sabi nga eh mintis lang walang ganti sa mga guwapong lalake sa buong mundo."
"Best, grabe ang litanya mo, and ang exage mo mag define sa akin, una hindi ako maganda, cute lang, okay na yun, pangalawa hindi ko alam sa sinasabi mo na crush ako ng bayan, hindi naman siguro, pangatlo best ayaw ko pumasok sa relasyon na may nagmamay ari na ng iba, kaya ang prinsipe ng Brunei, big NO sa akin, tsaka Best yung crush ko kasi sa company namin executive kaya bawal talaga"
"Eh Best crush lang naman kaya walang masam kahit pa Presidente mg kompanya niyo, tsaka malay mo, makahanap ka ng potential.forever sa company niyo, ganda mo kaya!
tsaka Yung crush ng bayan, tunay yun, diba may narereceive kang flowers and letter sa kanila at ganon din ang chocolates, yung iba nga kulang na lang suhulan ako para ibenta ko sila sayo." Ang sagot nito,habang pahikab-hikab pa.
"Best, tulog na tayo ha, hayaan muna yung crush ko for sure maraming nag aadmire dun para mapansin pa ako. " ang sabi ko naman habang naksubsob ang aking mukha sa aking unan at unti-unti na rin pinipikit ang aking mga mata
"No we need to find a prince charming for the princess in distress." ang pabulong pang sabi nito habang unti unti ay hinahatak na ito sa mundo ng panaginip.
"But I am not a Princess in distress, I am Shera the warrior princess"
Tanging mumunting hilik na lang narinig ko na sagot ng aking matalik na kaibigan, na siya naman nag pangiti sa akin hanggang sa hatakin na rin ako ng isipirito ng antok.
------------
SIX in the morning nang bigla na lang napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa malakas na sigaw ng kaibigan ko.
"Best, magpaliwanag ka sabi mo ang crush mo hawig ni David Gandy, Pakshet best mag kapangalan sila totoo pero anak ng tokneneng di mo sinabi na anak ni Zeus ang Jowa mo" ang naghihisterikal na wika nito. Habang ako naman ay hilong- hilo sa sinasabi nito.
"Ano ba pinagsasabi mo best, nanaginip ka ba o sadyang hindi ka natunawan sa kinain mo kagabi kaya parang nagdedeliryo ka ngayon, ano ba nangyayari sayo, ang aga-aga ang boses mo parang tumatawag na ng sunog sa lakas, muntikan pa ako mahulog sa kama sa ingay mo" kunot noo ko pang tuwiran sa kanya.
"Aba ako pa nagdedeliryo puwes tumayo ka jan sa pagkakahiga mo sa kama at tignan mo kung sino ang nasa labas para sabihin mo sa akin kung hindi ako dapat lumuhod sa Baclaran sa oras na ito na ipagpapasalamat ko na may JOWA ka na sa wakas, at guwapo pa ha" sabay hatak nito sa akin upang palabasin ako sa kuwarto ko.
"Sus, baka naman si Kaloy yung tinutukoy mo na kaibigan ni mama na inspector ng karne sa palengke, guwapo din yun, alam ko yun yung mga gusto mo na itsura eh" ang sabi ko pa dito,
Lumabas na ako ng kuwarto na hindi alintana ang suot ko na damit, ni hindi na rin nagsuklay, dahil sanay naman na si kaloy sa suot ko sa umagang short-shorts at isang malaking jersey shirt na abot na hanggang tuhod ko.
"Good morning, Kaloy!" ngunit bigla rin naman para akong nabusalan ng makita ang taong nakaupo sa harapan ng aming hapag kainan. Kahapon pa ako ginugulat ng mga bisita na hindi man lang nagsasabi na bibisita sila o papunta na sila. Tuloy hindi presentable suot ko, bigla tuloy naconscious ako sa suot ko na pantulog.
"Good morning, Sir! Pasensiya na sir hindi ko inaasahan kayo ngayon akala ko si Kuya Ruel ang dadaan sa akin ngayon dito"ang bati ko dito while not looking at him directly.
"Well I have informed you last night that will be early today, because I don't want to deal with the traffic woes" sabi nito while staring at me hard as if he is reading what's in my mind.
"Sorry Sir, I will prepare fast ,just give me 10minutes top and I will be done" ang kabado ko na sagot dito. Lumipas pa ilang minuto eh hindi ko pa rin naririnig ang sagot ng boss ko, kung kayat't inangat ko na ang aking paningin, na siya rin naman ikinainit nang pakiramdam ko , because he was staring at me intensely, para tuloy akong sinisilaban sa oras na ito, His eyes met mine and I need to break this staring competition or else I might lose myself in his intense gaze. Nagbaba ako ng tingin at bago mapasulyap sa iba eh I saw him smirk and just check his cellphone, Binaling ko ang.tingin ko sa ginagawa ni mama at kitang kita ko kung paano maging aligaga sa pag luluto ng agahan ito, naamoy ko pa ang bango ng longganisang Vigan na dala ni bestfriend at ang mabangong sinangag , napansin ko rin na nakaluto na ito ng itlog at nainit na rin nito ang kanyang binake na butter garlic bread. "ang dami naman prinipare ni mama, para naman magaagahan pa kami dito eh nagmamadali nga itong boss ko." naputol ang aking pagiisip nang maalala ko na dapat na nga ako gumayak ng mabilis at huwag na hintayin sagot nito, baka magsimangot na ang guwapo kung boss
"Sir, I will be done in 10minutes, pasensiya na po talaga" papasadahan pa sana niya ng salita kaso inunahan na siya ng kanyang best friend na ngayon lang niya na pansin eh katabi na ng kanyang boss.
"Naku best maniwala ako, eh mahigit dalawang oras ka kaya sa pag-aayos sa sarili mo, kung nagmamadali naman ay isang oras" ang walang preno nitong pagbubuko sa akin habang bigay todo ngite naman sa aking boss. Ngani-ngani kung busalan ng tinapay ang bibig nito sa pagbubuko sa akin
"Sir,10mins okay na po ako, promise!" aalis na sana ako ng awatin ako ng boss.
" take your time, I am enjoying this coffee, na prinipare ng mom mo sa akin, parang coffee bean ito ng Davao, am I right ma'am?"
"Oo sir, from Davao po yan,padala ng ninang ni Alexandra, Sir breakfast muna kayo and mag preprepare ako ng coffee na babaonin niyo sa biyahe"
"Naku baka mapalitan ko na si Alexandra, Mrs. Carreon, hahanap hanapin ko na itong coffee niyo" sabi nito while giving my mom the winning smile he had.
"Hmmp, flirt ka din eh ano, talagang sa nanay ko pa nagflirt, kasing edad na kaya yan ng mommy mo, tsaka duh, same timplada kami sa kanya ko kaya natutunan ang pagtimpla ng kape na may halong cinnamon stick, kaimbyerna ka" ang naiirita kung sumbat sa kanya, pero siympre sa sarili ko lang, ayaw ko pa mafire out ano, wala pa akong pag-ibig contribution.
"Sige sir, enjoy your coffee, magpreprepare lang po ako, masamid ka sana sa kape hmmmp, magaling din naman ako ,kaya nga pinagtitimpla niya ako ng maraming beses".
"May sinasabi ka ba, Alexandra?"
"wow, first name basis talaga, good mood dahil sa kape ni modra, hmmp, Wala po sir, sabi ko lang bibilisan ko na po maligo" sabay talikod ko at deretso sa banyo ng kuwarto namin.
_________
Pag pasok ng banyo naghubad kaagad ako ng damit ko and grab my Victoria secret cloud wash foam , squirt a little of it in my loofah and watch as it foams up into a full, creamy lather and scrab it in my body. morning shower refresh me a lot, kaya talagang nanghihinayang ako kasi I have to skip some of my beauty routine sa banyo.
I am now washing my hair when I heard a whining, dahil mabula pa ang ulo ko at hindi pa din nababanlawan katawan ko hindi ko na lang pinansin ito.
When I am finaly done washing my body I took my bathrobe and went out the bathroom, while drying my hair with the towel I have.
I was checking my clothes from the pants and blouse that I will wear, up to my undergarment, when I notice that something is missing from the clothes that I will wear, then I realized my new Victoria secret red lacy panty is gone, asaan na yun?
Tinignan ko ang paligid ng kuwarto ng nakita ko ang isang malaking aso na mas mataba pa sa akin, na may pagkakawangis sa isang lobo ang nakaupo sa tabi ng nakaawang na pintuan ng kuwarto ko ang titig na titig sa akin, nanindig ang balahibo ko hindi dahil sa takot kung hindi sa kagat-kagat nitong bagay, that's my panty for goodness sake!.
"here kitty, kitty, tangek bakit kitty kitty eh aso yan, OO nga pala, dapt tsutsu o doggy"
"Doggy, mabait ka diba palit tayo ha mamaya bibigyan kita ng pagkain, promise" akma ko nang lalapitan ang malaking lobo, I mean malaking aso ng bigla itong tumalikod sa akin at ang maliit na uwang ng pinto ay lumaki na.
"Asong lobo, ano ba pangalan mo? come doggy" ang natataranta ko na tawag dito habang papalapit dito.
"Grrrrrrrr"ang galit na tugon nito sa akin kung kaya't hindi ko na nagawa pang hatakin ang panty ko na kaga't kagat pa rin nito. Lumabas na ito ng kuwarto ko at sinundan ko ito, kung saan papunta, lakad takbo na nga ang ginawa ko para masundan lang ang dambuhalang aso. Nakita kung pumasok ito sa dinning area, which make me feel relieved for sure the dog smell the food and gutom na kaya for sure idadrop niya na ang panty ko sa sahig. Siguro naman tapos nang mag agahan sila kaya wala nang makakita sa pangyayaring ito.
"my gosh kanino ka bang aso ka, malaman ko lang kung sino amo mo sisiguradohin ko pagbubuhulin ko kayo nang bonggang bonga. Malalate ako sa ginagawa mo eh"
Finally the dog stop, tama nga ako sa dining area nga pumunta ito, I follow the canine animal and to my horror my underwear is no longer in his mouth but with someone's hand.
"Is this yours?" ang tanong nang baritonong boses sa akin.
"okay, breath in,breath out, basta huwag kang aamin, hindi iyo yan sabihin mo di mo alam saan nakuwa ito, oh my gosh maalala ko wala pa pala akong panloob ,waaah sana hindi mahalata " sasagotin ko na sana ang tanong ng boss ko ng ang magaling kung best friend pinutol ang akma kung pagsasalita.
"Best, diba yan yung latest edition ng Victoria secret underwear na binili mo"
"Huh, ah eh , ahhh" ang. namumula kung sagot.
"So this is yours" sabay tingin sa panty ko na hawak-hawak nito, here have it though I don't think you can still wear it kasi nabutas na ni Bruno ang panty mo" he said while trying not to laugh on my horrific situation. Pinamulahan ako sa pagkakatingin niya sa underwear ko, OA man pero feeling ko part of me was been expose dahil nakita na nito ang underwear ko.
" O, anak bakit hindi ka pa nakakabihis,, naghihintay na si Sir sa iyo"
"Yes Ma,magbibihis na po ako, kung wala lang monster wolf sa room ko nakadamit na ako, pag alis ko mamaya ma, paki insensohan ang bahay ha , to drive away bad spirit" ang simangot ko dito. Tumalikod na ako at akmang lalakad na papasok sa kuwarto ko ng marinig ko pa ang natatawang komento ng bestfriend ko.
"Told you best you need a prince charming, to save you from your distress"
Humarap ako aa kanila, sabay pinanlisikan sila ng mata, then I saw my boss still holding my underwear, wala ng respe- respeto sabay hablot sa panty ko.
"Akina nga ito ang mahal mahal ng bili ko tapos sisirain lang ng aso niyo! at ikaw best, I am not a Damsel indistress, so I don't need any prince charming, che!
And walk straight to my room, while I can still here them laugh.
Itutuloy......