Chapter 10- A Night to Remember

1560 Words
Alex POV Isang gabi nang kasiyahan at puno ng pagmamahalan ang tanging masasabi ng dalaga ng makilala niya ang pamilya ng boss niya napakabait ng mga ito, hindi niya sukat akalain na kahit sobrang yaman ng pamilya nito at tinitingala ng buong mundo eh napanatili nito ang pagiging down to earth at pagiging close knitted family, na kung titignan dapat ay hind nila maisasabuhay ito dahil kahit my dugong Pilipino sila di hamak naman na sa ibang bansa sila lumaki, ngunit kung ito ay sisipatin maigi ang dahilan ng pagiging close knitted family ng kanyang binatang amo ay dahil sa Ina nito, Si Ma'am Veronica Maxwell ang dahilan ng pagiging mapagkumbaba ng mga ito. Napalaki nang ginang ang kanyang mga anak na maayos, although ang boss niya eh sadyang lapitin ng babae at kilakang notorious na businessman at top 1 eligible bachelor in the world eh hindi pa rin matatanggi na pag dating sa ina ay tiklop ito. Mukhang mahihirapan ang babaeng babakod sa boss niya, dahil mahaba-habang pag papaamo ang gagawin sa ina ng binata. Naawat lamang ang kanyang pag-iisip ng ang binatang boss ay tawagin siya. "Sir, bakit po?" "It's getting late, I suggest you sleep here na lang kaysa umuwi ka pa " "Ahmm, sir, hindi po pwedeng hindi ako umuwi tonight, wala po kasing kasama ang nanay ko sa bahay". "Ganon ba, okay sige we'd better get going para hindi tayo lalo gabihin" habang tinitignan ang wrist watch nito. "Naku huwag na sir mag gragrab na lang po ako, huwag niyo na po ako ihatid." ang pigil pa niya sa binata. "I insist, ganito na lang, isasama ko si Ruel yung driver namin para may kahalili ako sa pag -mamaneho, okay ba yun, tara na"? sabay talikod sa kanya na hindi man lamang hinihintay ang isasagot nito at pinuntahan na nito ang pamilya na sa oras na iyon ay nag aayos na rin para makapasok na sa loob ng tahanan. "Ano pa nga ba gagawin niya mukhang desidido na ang boss niya na ihatid siya, kung kaya't nilapitan na niya ito upang magpaalam na rin sa mga magulang at kapatid,/kamag-anak nito." Akmang tatalikod na ito ng lumapit si Russel sa kanya "Hey, pauwi ka na ba? Pupunta kasi ako ng office tomorrow, baka pwede kitang masundo sa inyo and mainvite na rin kita for an early breakfast?" ang nakangiting pagiinbita nito sa kanya "Ahmm, Pwe" ang hindi natuloy na sagot ng dalaga dahil sa pag putol ng binatang amo sa sasabihin nito. "Tara na Ms.Carreon, baka magabihan na lalo ikaw sa pag-uwi " aya nito "O,Russel,why are you still here? hindi ba dapat ay umuwi kana sa condo mo dahil maaga pa meeting mo sa mga coffee growers, I am telling you, Kalinga Apayao coffee is insanely delicious, amoy pa lang nito nakaka halina, simple ang dating pero super rich ang fragrant you will get addicted on it that your mind will go crazy and look forward in tasting it" ang tugon nito, ngunit ang mata nito ay nakatitig naman sa dalaga. Para naman nag rigodon ang puso ni Alex ng marining ang mga salita ng binatang amo, pakiwari niya ay siya ang tinutukoy ng binata, ang mga salita nito ay nagbigay ng ibayong init sa kalooban niya, hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam parang may nabuhay sa katawan niya na hindi niya maidipina, sabayan pa ng nakakaakit na tingin ng binata sa kanya na naging sanhi ng pagka asiwa niya sa sitwasyon. samantalang ang binata naman ay naka ngising naka tingin sa kanya at parang natutuwa sa kanyang naging reaksiyon. "Hala ka Alex ikaw ba ang tinutukoy niya....., namumula kaya ako sana nanan hindi,....nabasa kaya niya iniisip ko?, feeling ka naman jan sister, makapag panik naman wagas, take note produkto ng isang probinsiya ang tinutukoy niya hindi ikaw ang sita sa kanya ng bully niyang utak " Naputol lamang ang ganitong alalalahanin ni Alex ng agawin ni Russel ang atensiyon nila. "Damn man, kung hindi ko lang alam na kape ang pinaguusapan natin iisipin ko someone captured your playful heart" sabay hagod nito sa buhok habang natatawa sa pag puna sa sinabi ni David. Nginisian lang ng binatang amo ang tinuran nito. "Anyway see you tomorrow Russel, we need to go, gagabihin na ng husto si Alex and don't bother to fetch her tomorrow maaga ko siya pupuntahan for the occular inspection ng planta ntin sa batangas." "May occular inspection kayo sa batangas, but I thought that activity will be conducted by our engineers, bakit ikaw na pupunta? ang naguguluhan tanong nang binata, ang dalaga man ay napaisip din dahil alam nito ay walang outside meeting ang boss niya, ngunit sino ba siya para pangunahan ito. "Yeah, suppose to be I'll just let the engineers do their job but then again I am eyeing a world class coffee mill here in PH kaya dapat matutukan ko ang upgrading nang mill natin sa Batangas" ang walang emosyon na sagot nito. "oh, okay" Ang sagot namn ni Russel. "Have a nice trip then!" pahabol pa nito at bingyan pa nito ng malamyos na ngiti ang dalaga.Sabay talikod na nito sa kanila. "Tara na Ms. Carreon" ang tawag naman nang binatang amo sa kanya at giniya na siya nito sa sasakyan na nag aabang sa kanila. _____________ Habang nasa daan ay para naman masasakal na ang dalaga dahil sa pigil na pigil nitong paghinga, amoy na amoy kasi nito ang bango ng binata. Naalala pa niya nang makasakay na siya sa sasakyan ay nagulat pa siya ng maupo ang binata sa tabi niya imbes na sa passenger seat ito pumuwesto, kung kaya't heto siya ngayon namamawis ang mga kamay at malakas ang t***k ng puso at pigil na pigil ang paghinga dahil sa pagkakatabi nito sa kanya. Sinipat niya ang kanyang boss sa pamamagitan ng peripheral vision niya at napansin niya na mukhang nakatulog na ang binatang amo, kaya humarap na siya dito at pinakatitigan mabuti ang mukha nito , napadako ang mata niya sa mga pilik mata nitong mahaba na para bang naka eyelash curler, dito ay paki wari niya ay masyadong unfair ang mundo dahil siya umeeffort pa para lang mag karoon ng korte ang eyelashes niya at para kumapal at para humaba ito ay gumagamit pa siya ng clear eyelash mascara samantalang ito effortless. Gumapang pa ang paningin niya sa perpektong pagkakahulma ng ilong nito, habang ang manipis at mapulang labi naman ng kanyang boss ay para bang nangeengganyo na halikan ito at para bang nangangako pa ito ng bolta boltaheng saya, ang pangain mukha naman nito ay parang nagsisimbolo ng isang lalaking mababakasan ng katatagan , isang Zeus ang nasa tabi niya ngayon , isang lalaking parang hindi mo aakalain ay sa pantasya lamang pwedeng mabuhay dahil higit pa sa mga GQ models ang mukha nito. Napatingin pa ang dalaga sa buhok nito na medium length ang gupit na may widows peak na nagbigay lalo ng malakas na dating sa binatang amo, " "Ang sarap siguro hawakan at laruin ang buhok nito sa kanyang nga kamay. Naalala ko pa ganitong-ganito ang mukha niya ng una kung nasilayan siya at parang mas triple pa ata ang kaguwapohan nito ngayon" ang usal niya pa sa kanyang sarili, tinignan muli niya ang mukha ng binata at hindi inaasahang nakamulat na ang mga asul na mata nito at ito ay nakatitig din sa kanya, para namang binuhusan ng mainit na mantika ang katawan niya nang makita na nakatitig din ito sa kanya , bigla niyang iniiwas ang tingin at tumingin siya kung saan lugar na sila, "Gaano na kaya katagal siyang gising, ano kaya iniisip nito sa akin, Diyos ko huwag naman po sana siya magalit sa akin" piping panalangin nito. Mukha naman hindi ito pinansin ng binata dahil hindi nito pinuna ang kapangahasan niyang pag titig dito. Ganon pa man ay hindi na siya tumingin sa kanyang amo at nanatili na lamang itong nakasilip sa bintana. Nang makita na nito na malapit na sila sa tinitirhan ay nagsabi na ito na malapit na sila sa kanyang lugar. Huminto naman ang sasakyan mismo sa tapat ng kanilang bahay. "Sir dito na po ako, maraming salamat po sa paghatid" ang nakayukong pagsasabi nito. "Baka gusto niyo po muna mag kape" ang aya pa niya sa mga ito. "Hindi na, saka na lang Ms.Carreon" ang tugon naman ng binatang boss na nagbigay nang isang hindi maintindihan na pakiramdam, lungkot, na kanyang pinagtatakahan. "Sige po sir, maraming salamat po ulit" at yumuko pa ito sa amo niya. " kuya maraming salamat po, ingat po kayo" ang pamamaalan din niya sa driver . Nagulat pa siya ng pinagbuksan pa siya ng binata ng pintuan. Nang makababa na ay pumasok lamang ito sa gate at hinintay muna nito na makaandar at makalayo ang sinakyan bago pumasok sa tahanan. Sa pagpasok sa tahanan, pagkasara pa lang ng pinto at napasandal na kaagad ito sa nakalapat na pintuan, habang inaalala ang guwapong mukha nang amo. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti. " Di bale Alex bukas muli ay masisilayan mo muli ang mukha niya, pero ngayon ay baunin mo muna sa iyong pagtulog ang imahe nito" itutuloy.... Authors Note: Sorry for the slow update, I'll try to update more chapters next week , hopefully magaling na hand injury ko by then. Stay safe everyone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD