Chapter 9 - The Buena Pamilya

2940 Words
Alex POV Ilang minuto na rin nang matapos ang meeting nila at nandito na nga sila sa chairman's office ng walang kaabog -abog ay bumakas ang pinto ng opisina at iniluwa duon ang Regional Director nang Asya si Ms.Yvonne. Ang akala niya ng una ay andun ito para sa request nito na one-on-one meeting ngunit nagkamali siya nang ito ay biglang tumakbo sa among naka upo sa harap ng lamesa at sabay upo sa hita nito at agresibong yumapos sa binata at sabay madiing hinalikan ang labi nito. Na parang walang ibang tao sa paligid. "Daviiid, honey, I miss you, it's been a while, when are you going to visit me in my condo? My bed misses you so much. Your working so hard, wala ka nang oras para sa playtime natin, dont you miss my coooochie boooo" malanding wika nito habang lingkis na lingkis ito sa katawan ni David na parang pusang hindi mapaanak . Hindi naman malaman ni Alex kung matatawa sa naririnig o mahihiya ito sa natutunghayan kung kaya't nagbaba na lang ito ng tingin, para na rin mapagtakpan ang pamumula ng mukha. Hindi siya makapaniwala na ang isang magandang babae katulad ni Yvonne ay kikilos na parang desperadang babae para lamang makuwa ang attensiyon ng binata. Napaka ganda pa naman nito para siyang si Jennifer Aniston kung sisipatin, ang pagkaka alam niya nga ay modelo ito nuong kabataan pa nito. Napagdesisyonan na lang ng dalaga na iwan na lamang ang dalawa para magkaroon ng pribadong oras ang mga ito. Akmang lalabas na ito ng narinig ang baritonong boses ng binatang amo. "Ms.Carreon, where do you think your going?" "Uhmm, lalabas muna po sir, ichecheck ko lang po kung may dumating pa po na unexpected visitors" ang pagdadahilan niya.. "Don't leave, kaya nga may cctv monitor ka jan sa lamesa mo para macheck kung may bisita sa labas, hindi ka ba tinuruan ng IT sa bagay na yan? Inalis nito sa pqgkakakandung ang bisitang babae at tumayo upang pumunta sa lamesa nito. Samantalang na panguso naman ang babae at lumakad upang habulin ang binata. Nang maka habol ang babae ay biglang yumapos ito sa likuran niya at parang pusang kiniskis ang katawan sa likuran ng lalake. Kitang-kita naman ni Alex ang nangyari na lalong ikina ilang nito.Habang mababakas naman ang pagka irita sa binata. hinarap nito ang dalaga at iritableng kinausapi ito. "Yvonne, kanina pa tapos ang meeting bakit andito ka pa? Umuwi ka na I don't have time for you. "Ang ma otoridad na salita nito sabay lapit sa computer table at chineck ang monitor ni Alex upang tignan kung may tao pa sa labas. "Wala nang tao sa labas kaya iligpit mo na gamit mo may appointment pa ako at isasama kita." ang pukol na tingin nito sa kanya "okay po sir" sagot nito. Na putol pa ang sasabihin nito ng narinig ang boses ng bisita. "Nag request ako ng meeting sa secretary mo pero unfortunately hindi ka daw available, how come you have the time to attend to another business meeting. " sabay tingin nito kay Alex ng nakairap. "Yes, I have a 7pm appointment, I can't have the meeting you want. And Yvonne for the record, this will be the last time you will step on my office without an appointment. "But David, daddy wants to have a talk with you, regarding his investment and also about us" "THERE'S NO US Yvonne, If you still want to be part of this company, then I suggest alisin mo sa utak mo ang salitang tayo, it's a one time thing at wala na yun, at parehas natin alam na both of us benefit on it" ang walang kaemosyon emosyon na sagot nito. "Ms. Carreon, tara na, will be late for the dinner meeting." sabay labas nang pinto na hindi hinihintay ang dalaga. Nagmamaktol naman at nagpapapadyak na lumabas si Yvonne at ng mapalapit ito kay Alex, ay inirapan lamang siya nito at lumabas nang padabog. Napailing na lang ang dalaga sa inakto ng Direktor at sinara nang maayos ang pintuan ng opisina bago.puntahan ang binatang boss. _____________ Pag kalabas ng main entrance ng opisina isang mamahaling sasakyan ang nagaantay sa kanila. Binuksan ni David ang passenger door upang paupuin siya pagkasarang- pagkasara ng pintuan ng passenger seat, umikot naman ito para maupo sa driver seat. Binalot ng katahimikan ang buong sasakyan, habang abot kaba naman ang nararamdaman ni Alex at upang libangin ang sarili ay pinanuod nito ang kakalsadahan, at ang mga matatayog na gusali na nadadaanan, maigi na lang walang traffic kung hindi ay malamang nasa Makati pa rin sila. Binabagtas nila ngayon ang lugar na pa South super highway at sa isang ekslusibong subdovision pumasok ang kanilang lulan na sasakyan, huminto ang sasakyan sa isa sa mga pinaka malaking bahay na nakita niya, isang mansion sa kanyang paningin. Nag bosina ang binatang amo at sa pag bosina nito ay isang security guard ang nag bukas ng mataas na gate. Dumaan ang sasakyan sa isang malawak na hardin na mayroon daanan na pakurba na para sa mga sasakyan, huminto ito sa harap mismo ng isang malaking bahay, sinalubong sila ng isang butler na agad-agad na bumaba para pagbuksan sila ng pinto. "Good Evening Master David and Madamoiselle, may I take your coat sir? "Thank you, Robert" "How about you Madamoiselle, may I ask for your bag? ang pagtatanong nito sa kanya. "No, thank you sir, I can manage" pagtugon ni Alex na bakas na bakas pa rin ang pagka mangha sa mukha dahil sa nakikitang karangyaan ng tahanan. "Kanino kayang tahanan ito napakaganda, isa kaya sa board of directors ito, grabeng rangya nang tahanan na ito, tunay kaya ang mga cryatals na naka palibot dito? Gold ang pinaka main color ng bahay na bumagay naman sa grandiosang itsura ng tahanan Naagaw lamang ang atensiyon ng dalaga ng narinig ang pagtatanong ng binata. "Where are they,Robert" "Master David, they are at the garden/conservatory room. Tumango naman ang binata at tumingin kay Alex, na para bang naaaliw sa nakikitang pagka mangha ng dalaga. "let's go?" ang ngiti nito sa kanya. at humakbang na ito papunta sa binanggit na lugar ni Robert. "Tama ba nakita ko ngumiti ba talaga ito sa kanya, mas lalo pala gumagwapo ito pag ngumingiti, ang sarap naman panaginipan ng ngiti na yan, sana lagi na lang, ALEX KANINA KA PA, dreaaaaamer, tse!!! Ang sita nito sa sarili. Sumunod na lamang ito sa dinaanan ng binatang boss, sa paglabas nila sa isang malawak na hallway ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa labas ng isang malawak na garden puno ng iba't ibang halaman, ang bango ng paligid at sa gitna nito ay may isang malawak na lamesa at mukhang may mga tao rito na nagkakasiyahan. Nilapitan nila ang grupo, may limang katao lahat ang nandito na nagkakasiyahan. Inabutan pa nila na naghaharutan ang mga nandun. Nang makita ang pagdating nila may isang maliit na batang babae edad 5 siguro ito at nagsisigaw na lumapit sa kanila. "Uncle David, Uncle David!!! carry please" sabay halik nito sa tiyohing dumating. "Alexia, your uncle just arrived let him rest first l, he must be very tired". Ang pagsuway ng isang magandang babae sa batang nagpakarga sa amo. "Are you really tired uncle? am I heavy? ang tanong ng paslit habang pinapakita ang malungkot na mukha nito at ang naka pout na nguso sa tiyohin. Napangiti naman ang binata at sabay halik sa batang pamangkin. "No I am your mighty Uncle right? I dont easily get tired, sweety, later will play, okay? "Yes Uncle! your the best" sabay pupug ng halik nito sa mukha ng binata, bumaba na ito.para ituloy ang paglalaro nito. Pangalawang beses na niyang nakitang ngumiti.ito sa araw na ito, ngiting may halong haplos sa kanyang puso. She never thought a notorious businessman like his boss can also be a charmer, though mukhang naka reserved.lang ito sa pamangkin at pamilya nito. "Your spoiling her" ang sita ng babae sa binata. "why not unang pamangking ko yan sa kapatid "sabay akbay sa babae. "Hey David, whose that angel beside you" tanong ng isang mestisohing.lalake sa binata. Parang bigla naman naalala ng binata na may kasama nga pala silang ibang tao, tumikhim muna ito bago pinakilala ang dalaga. "Guys, I'd like you to meet my new secretary and PA" siya ang pwede niyong kontakin if hindi niyo makontak ako. Pinakilala ng boss niya ang mga nasa lamesa si Rose ang kapatid nito at ina ni Alexia, Si Jake ang asawa ni Rose na country director din ng Europe branch, Si Claude ang bunsong kapatid nila na sa palagay niya ay kasing edad niya at si Russel ang mestisong guy na nagtanong sa pangalan niya na Country Director namn ng US Branch. "Wow, are you sure she is your secretary?, akala ko nasa langit na ako eh, parang may anghel na dumating kasi" sabay lapit nito kay Alex at biglang hinawakan ang kamay nito. "let me personally introduce myself to you, I am Russel Adam and I think I need an Angel that will lighten my days.to come. Will you come with me and be my secretary?" Naistatwa naman ang dalaga sa pahayag nito at pinamulahan sa pag bibigay ng estranghero ng isang mapang akit na ngiti. "Russel..." Ang pag puna naman ng boss nito ngunit hindi ito natuloy sa pag agaw ng isang komento galing sa isang babae. "If the young lady here will become your angel, then I must say your mom and I will no longer visit the vatican to light up a candle nor offer a mass sa Manaog just to make sure that you will be forgiven for your sins. " Ang komento pa nito. "Auntie, hindi lang naman ako ah, even David here and Claude have the same naughtiness like me." Ang nakakalokong ngisi nito sa dumating na tiyahin sabay lapit sa bagong dating na ginang at masuyong humalik sa pisngi nito lahat naman nang nasa harap ng lamesa ay tumayo rin upang lumapit sa bagong dating na ginang at daluhan ito ng halik. Sinipat ni Alex ang bagong dating na ginang hindi mababakasan ang edad nito kung ito ay pagmamasdan maigi. Kung titignan ay para lamang nasa edad 40s ito, ang ayos nito ay napaka sopistikada, naka updo hair bun ito, simple make up, morena skin and simple elegant jewelry, sa damit nito ay napaka casual lamang na emerald green dress and a 2inches close high heel shoes. dahil mataas din ito para sa isang Pilipina, kung huhumain ang taas ay parang nasa 5'6 ito. Napaka perpekto ng image nito parang si Meryll Streep sa Devils wear a Prada. Nabasag ang pagsipat nito sa ginang ng marinig muli ang malamyos nitong tinig. "Why are you all standing? common, all of you, please take a seat, and let's have our dinner" I'm so hungry already, I forget to have my lunch ng pumunta kami ng Mama mo Russel sa Pink Sisters sa Tagaytay. "What are you doing there?" taas kilay na tanong ng binatang boss. "Of course nag tirik kami ng kandila, para mapasukan na kayo ng mabuting hangin at nang maisipan niyo ng magsipag asawa, hindi na ako bumabata David, gusto na namin mag ka apo ng Auntie Maritess mo" "Mom, you have Alexia as your grand daughter, anong sinasabi mo na wala kang apo" "What I mean is OO may apo na akong babae but I also wanted an apo from you two and ganon din si Auntie Maritess niyo para kay Russell. Gusto ko lumagay ka na sa tahimik at makitang may mag alaga sa iyo hindi yung puro ka work, don't follow your father's foot step son." "Mom, ano ka ba , si Dad na yata pinaka mabait na Chairman, malabong sundan ni kuya dahil si Kuya terror sa work, terror pa sa babae, " sabay tawa ng nakababatang kaptid nitong si Claude. "Ma, asaan nga ba si Dad?" parating na yun, kinausap lang muna si Robert, may binilin lang for we are leaving tom.morning." "So tuloy ang biyahe niyo tomorrow sa New York, ma? ang tanong ni Rose. "Yes sweetheart kaya nga problemado ako sa kuya mo, unlike kay Claude anjan ka para silipin itong bunso ko pero kuya mo sino titingin sa kanya." "I can managed myself ma, I am a big boy" ganting sagot nito sa ina. "Oo nga auntie, malaki na yan, pwede na nga makagawa ng anak kung hindi lang nag cocon" hindi na naituloy pa salita nito ng pinanlisikan ito ng mata ng kanyang tiyahin. Si Alex naman ay parang naiilang na ng mga sandali na yun para kasing hindi tama na andun siya sa dinner na yun , masyadong pampamilya ang usapan kaya nahihiya siya na mapakinggan ang usapan nila. "Anyway how rude of me not to notice our beautiful guest here, Iha, what is your name? ang pagtawag pansin sa kanya ng ginang. "Hi ma'am, I'm Alexandra, secretary po ako ng anak niyo." ang sagot niya sa ginang na sinamahan niya ng magandang ngiti. "Your beautiful you look like my Alexia" habang titig na titig sa kanya. 'I'm beautiful Lola just like the girlfriend of my Uncle David, Lola? ang sabi naman ng bata. "Whose your Uncle David girl friend, iha?" ang tanong ng ginang dito, lahat ay napatingin din sa bibong bata at naghihintay ng sagot. "Tita Alexandra, is Tito Davids girlfriend. I hope to be as beautiful as she is when I grew up". sabay tingin ng bata kay Alexandra na sa mga oras na iyon ay umiinom ng tubig. Muntikan ng maibuga ni Alex ang iniinom na tubig nito kung di lamang ito nabigyan ni David ng table napkin na pinagtakip nito sa bibig nito. "No baby, Tita Alexandra is not Uncle David girlfriend" ang paliwanag nang ina. "Okay, monmy then tita Alexandra is Uncle Davids wife? na lalo naman ikinaubo ni Alex at tanging iling na lamang ang kayang isagot nito. "Hay Josmeo bakit kasi ako na isama ni Sir David dito tuloy kung ano-ano na ang iniisp ng mga ito sa kanya lalo pa ng bata. "Well Alex,.dont mind the little kid she's young and imaginative" ang pagpapahupa naman ng ginang sa kanya. "Please take care of my David, remind him of his meals and huwag na huwag mo papayagan na lumapit ang Yvonne na yun sa kanya, I don't want a slut for my iho. I hope you get what I mean" ang bilin nito sa kanya. "woooow slow down sa pag bibilin mo sa anak mo sweety" ang ani ng isang lalake na hindi nila napansin ay nakatabi na sa ginang. Umupo ito sa sentro ng upuan katabi ang ginang at nag bigay ito ng ngiti kahit na mukha itong seryoso at mababakasan na ang edad sa mukha ay masasabing napaka guwapo pa rin nito. Older version siya ni Sir David niya. "By the way Alexandra, I am your boss Father, I am Juan Miguel" Ang wika pa nito." "Nice to meet you Sir" nagtatakang pagsagot niya dito dahil hndi naman sila pormal na nag kakilala pero parang kilala siya nito. "I hope you are having a good time meeting my family, and my loving wife, which is a monster mom to my kids" "Naku sir, okay lang po napaka close knit ng family niyo, nakakatuwa si ma'am dahil napaka maalalahanin nito sa mga anak niyo" "Kaya nga never ako nagkamali ng pagpili ng mapapangasawa, sabay halik sa misis". natutuwa naman sila tignan ng mga anak sa paglalambingan ng matandang Maxwell sa ginang nito. "By the way Alexandra, how old are you?" tanong ng ginang sa kanya. "22 po" "Very young , my boyfriend ka na ba? ang saad ng ginang. "Wala pa maam, wala pa sa isip ko ito ako muna po at ang mother ko focus ko for now." "that's good iha , I can see a loving daughter in you". at ngumiti ito sa kanya. "Sana itong mga lalake namin eh magsipag asawa na rin lalo na yang boss mo na yan , 33 na yan , while si Russel 31 pero look, at them wala pa din mga siniseryoso puro kalokohan ang alam sa buhay kaya talagang dapat mamanata kami ng husto ng kapatid ko para saniban naman ng matinong hangin ang mga ito." pailing -iling pa nitong sabi. "Anyway enough of me ,lumalamig na pagkain , let's pray and eat" after saying grace ay kumain na nga ang mga ito. Nasarapan si Alex sa mga pagkain na nasa hapag niya, na hindi niya na pansin ang pag pukol na tingin ng mga kasma nito sa kanya. "Alexandra nakakatuwa na you have a good appetite, you don't starve yourself just to have a good body" ang ngiti ng ginang sa kanya while ang boss naman nito ay nakatingin lang sa kanya. "I have no problem in gaining weight, kaso hindi po talaga ako tumataba, actually ito nga po ang naging past time ko sa college I cook foods and baked cookies and cupcakes para may kaunting earning na pwedeng magamit sa mga expenses sa school "You like to cook?" "Yes ma'am, sige pag balik namin New York let's do some cooking, okay. "sige po ma'am" at ngumiti na ito sa ginang. Maramin pa silang napag usapan at natutuwa siya na nakilala niya at naging malapit siya sa pamilya ng boss niya na nagbigay naman nang magandang ngiti sa kanyang mukha ng umuwi ito sa kanilang tahanan. Itutuloy.... hi ! thank you for reading my story. kindly comment below para mas maimprove ko pa writing ko and if you like the story please vote na rin po. stay safe everyone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD