“Azrael: Ang Unang Persona. ( 1 )”

3513 Words

KABANATA 8 Yael Excited ako at aligaga na hindi mawari sa nararamdaman ko. Ngayon ko na lang ulit kasi na naramdaman ang ganitong saya sa puso ko. Nakakatakot pero hindi ko kasi mapigilan. Tinamaan talaga ako ng matindi kay Gabriel. Unang beses ko pa lang na masilayan ang mukha nito ay may kakaiba na akong naramdaman sa kanya. Na nakapagtataka pa dahil hindi naman ganito ang nararamdaman ko kay Hariel sa kakambal nito. Ang eksaktong replika ni Gabriel. Kahit nga ako ay nagulat dahil npag hihiwalay ko sila. Alam ko kung si Gabriel ba o si Hariel ang kaharap ko. “Mukhang inspire ka, Anak ah. Sino ba ang nag papangiti sayo ngayon. Isa ba sa mga anak ko?” Tanong ni Nanay Ising sa akin. Sa ilang araw pa lang na pananatili ko rito sa bahay nila ay napaka gaan na agad ng turing nito sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD