bc

SUGAPA ( Stage 1 )

book_age18+
1.5K
FOLLOW
7.7K
READ
revenge
dark
twisted
bisexual
mystery
straight
gay
like
intro-logo
Blurb

“Wala akong anak na bakla. Kaya tigil tigilan mo ako ng kalandian mong putang ina ka. Kapag hindi mo pa inayos ang kilos, at pananalita mo ay hindi lang yan ang mangyayari sayo, tang ina ka..! Kabaklaan mong hayop ka. Kanino ka ba nag mana? Sarap mong patayin. Sana ikaw na lang ang namatay hindi si Rael. Huwag kang lalabas dito, ah. Malilintikan ka talaga sa akin.” Galit na sambit ng ama ko pagkatapos ay hinataw muli ako ng sinturon nito.

chap-preview
Free preview
“Alter.”
KABANATA 0 Yael “Wala akong anak na bakla. Kaya tigil tigilan mo ako ng kalandian mong putang ina ka. Kapag hindi mo pa inayos ang kilos, at pananalita mo ay hindi lang yan ang mangyayari sayo, tang ina ka..! Kabaklaan mong hayop ka. Kanino ka ba nag mana? Sarap mong patayin. Sana ikaw na lang ang namatay hindi si Rael. Huwag kang lalabas dito, ah. Malilintikan ka sa akin.” Galit na sambit ng ama ko pagkatapos ay hinataw muli ako ng sinturon nito. Napa aray na lamang ako sa isip ng lumatay na naman ang malaking latay sa balat ko. Nahuli kasi ako nitong suot suot ang bestida ni Mommy, habang nakaharap sa salamin sa loob ng silid ko. Nang makalabas na ito ay saka lamang akong napahagulgo na sa pag iyak. Palagi na lang ako nitong binubugbog. Bawat kilos ko ay naka tingin ito. Bawal makipag kaibigan sa babae.  Hindi ko naman pinili na maging ganito. Kusa ko na lang naramdaman na ganito ako. Kung pwede ko nga lang hilingin na wag akong maging malamya ay hiniling ko na. Kaya lang ito na ako, eh. Pinilit ko naman na gawin ang sinasabi ni Daddy sa akin. Kaya lang iba talaga ako, eh. Ito na ako. Kahit anong gawin ko ay ito na ako. Hindi ko na mababago. Masama na bang mag pakatotoo. Kailangan ba laging yung gusto nila ang masusunod. Paano naman ang gusto ko? “Mahina ka kasi.” Rinig kong boses na hindi ko alam kung saan nag mula. Tumingin tingin pa ako sa palagid. Wala naman akong nakitang tao roon maliban sa akin. Inisip ko na lamang na guni guni lang  iyon. “Kaya ka binubugbog ni Daddy, eh. Ano forever ka na lang bang iiyak. Ipapakita na mahina ka? Pati ako nadadamay sa kahinaan mong gago ka, eh.” Tinig muli na narinig ko.  Napatayo na ako sa isang sulok. Pinahid ang mga luha kong nag landas at naglakad. Sa nahihirapan na pagkilos bunga ng mga pasa sa katawan ko ay sumilip ako sa bintana. Wala naman akong nakitang tao roon. Binuksan ko rin ang pintuan ng silid ko pero wala rin akong nakitang tao sa labas na maaaring mag salita roon. Nababaliw na ba ako? Lumapit ako sa aparador para damputin ang sinira na bestida ni Daddy. Nang marining ko na naman ang misteryosong tinig na iyon. “Ano, aayusin mo pa iyan? Tang ina ka kaya ka nasasabihan na mahina eh. Nag papakita ka ng kahinaan. Nabubuwisit ako sa iyo…!” Wika muli nito na talagang sa akin ipinaparating. Nang tumingin ako sa salamin na nakadikit sa aparador ko ay nabitawan ko na lamang ang nadampot kong bestida ni Mommy. Kitang kita ko roon ang repleksyon ko na asar na asar sa akin. Paanong nangyari iyon? Pero nakikita ko talaga ang repleksyon ko sa salamin na parang may sariling buhay. Ngumisi pa nga ito sa akin ng mapagtanto nito na nagugulat ako. “Gulat ka noh? Ang weak mo kasing gago ka. Itatanong mo kung sino ako? Ako si Azrael. Ang kabaliktaran ng pagiging mahina mo.” Sambit nito sa akin na nakangisi. “H-Hindi ka t-totoo.. Hindi ka totoo..” Wika ko rito pero mas lalo lamang itong ngumisi sa akin ng nakakaloko. “Kung hindi ako totoo. Anong tawag mo sa akin?” Sagot nito na itinaas baba pa ang kilay habang natutuwa at natatawa sa pagkatakot na bumakas sa aking mukha. Sa takot na naramdaman ko ay sinapak ko ng paulit ulit ang salamin upang mawala na ito roon. Habag ginagawa ko iyon ay patuloy ko lamang narinig ang malalakas na pag tawa nito. Tila nang iinsulto. Iniinsulto ako. Nang mabasag ko na ang salamin ay kasabay na rin iyon ng pag dugo ng kamao ko. Ang pagkawala ng imahe sa salamin na eksaktong replika ko at sa hindi maipaliwanag na pakiramdam ay bigla na lamang sumakit ang ulo ko. Para iyong pinupukpok ng kahoy sa sobrang sakit. Napahiyaw na nga alang ako sa sakit. Ilang saglit pa ay nagdilim na lamang ang paningin ko. Hindi ko na alam pa ang mga nangyari pa. Basta ang alam ko lang, pakiramdam ko ay napaka himbing ng tulog ko.  “Salamat, Yael. Diyan ka lang at  ako na muna ang bahala sa katawan natin.”  ------------------------------------------- “Hahaha. Ano ulit ang sabi mo?” Tanong ni Terrence sa akin. Nang mga oras na iyon ay gusto ko na lamang lamunin ng lupa. Lalo na ng hatakin nito ang mga kamay ko at pumunta sa gitna. Kung saan may mga estudyante na nag pa practice ng sayaw. Napatingin tuloy sa amin lahat ng estudyante ng makita nilang hatak hatak ni Terrence ang kamay ko. Ang pinaka gwapo sa school namin ay kasama ng isang nerd na gaya ko. Sino ba naman ang hindi mag tataka. “Anong meron rito, Sweety?” Tanong ni Katrina. Ang nachichismis na syota ngayon ni Terrence. Napangiti agad ang lalaki ng makita nito ang babae. “Halika rito, Sweety. Para marinig mo ang natuklasan ko kay Nerdy. Yeah. Nerdy ang bansag sa akin ng mga taong nakakilala sa akin sa school na ito. Tigyawatin kasi ang mukha ko. May makapal na salamin sa mata. Baduy o makaluma raw pumorma at higit sa lahat ay mahiyain dahilan para madalas na nabubully. Sa kabila ng pagiging matalino ko sa school ay wala pa rin iyon nagawa para hindi nila ako asar asarin. “Come on, Nerdy. Tell them. Sabihin mo sa kanila kung ano ang nakalagay sa notebook mo. Bilis na. Wag ka ng mahiya pa.” Pang uudyok sa akin ni Terrence. Ang lakas na ng t***k ng puso ko. Idagdag pang hinihintay ng mga kapwa ko estudyante ang gagawin ko sa sinabi ni Terrence. Mahigpit na hinawakan ko ang notebook na hindi sinasadyang naibigay ko kay Terrence. Isa kasi itong si Terrence na madalas mag pagawa ng assignments o ng mga projects nito sa akin.  Kanina pag pasok pa lang ay inihatid ko na sa klase nito ang notebook na nasugutan ko na may assignment nito. Kaya lang sa katangahan ko, imbes na notebook ang matanggap nito ay yung notebook ko na naglalaman ng mga personal na sulat ko ang naibigay ko sa kanya. Nataranta kasi ako ng ngitian niya ako kanina. Hindi siya masasabing diary. Mga pinagsama samang mga hiling, na nais kong gawin sa kanya sa pangarap ko. Crush na crush ko kasi itong si Terrence. Bukod kasi sa napa kagwapo nito. Maganda rin ang katawan nito. May malaki rin daw itong kargada. Obvious naman iyon, lalo na kapag naka jersey short lang ito. Bakat na bakat talaga ang kargada nito roon. “W-Wala yun.” Sambit ko at akmang aalis na sana sa lugar na iyon ng harangan ang daanan ko ng mga alipores ni Katrina. “Saan ka pupunta? Tinatanong ka ni Papa Terrence, kaya sumagot ka. Chakang Baklang to..!” Sambit sa akin ni Veronica Supsop. “Ano ba kasi iyon, Sweety? Ano ba kasi ang sasabihin ni Nerdy?” Malambing na tanong muli ni Katrina kay Terrence. Ngumiti lang ang lalaki. Ang gwapo talaga. Kahit na naiinis ako sa ginawa nito ay feeling ko mapapatawad ko pa rin siya, basta ngitian lang niya ako. “Hindi ko kasi sinasadya na mabasa ang wish list niya o diary ba yan. Basta ayun. Hahaha.” Natatawa pero maikling paliwanag nito kay Katrina. Tumaas naman ang kilay ni Katrina at napatingin sa akin. Bumaba ang tingin nito sa notebook na hawak ko. Itinago ko iyon sa likuran ko para hindi nito iyon makita pero mas mabilis ang mga alipores nito. Mabilis na naagaw sa akin ni Veronica ng notebook ko at iniabot kay Katrina. “Notebook ko yan. Please, akina yan.. Katrina, akina yan. Wala lang yan, please..” Nakikiusap na sambit ko rito. Ngunit hindi ako nito pinapansin. Akmang kukunin ko iyon rito ng harangan ako ng katawan ng mga alipores nito lalo na si Veronica. “Hahahaha,.. Oh my gooooood..! For real ito, Sweety? Jusko. Hindi ka pa natatakot sa mga sinulat mo dito, Bakla ka..! Que horror. Ang lakas naman ng loob mo.. Hahahaha.” Natatawang panghahamak nito sa akin. Mas lalo lang tuloy na curious ang mga tao sa paligid. Sentro na talaga kami ng atensyon sa buong campus.  “Ano ba ang nakasulat diyan, Kat?” Tanong ni Veronica sa babae. Ngumisi lang ang babaeng impakta. Nilapitan ako nito at binasa ang mga sinulat ko roon ng malakas. Gustong gusto ko na lang mag laho sa mga oras na iyon. “Wish number 5: Wish ko sana ay maamoy ko ang brief ni Terrence pagkatapos niyang mag practice ng basketball. Siguradong masarap ang malalanghap ko roon. Masarap daw kasing amuyin ang brief na pinagpawisan na sabi ng kaklase ko. Magkahalong pawis at natural na aroma ng p*********i raw ang malalanghap mo roon. Sana talaga maamoy ko iyon.” Pagbasa ni Katrina sa isa sa mga kahilingan ko.  Pulang pula ang mukha ko lalo na ng makita at marinig ko na halos lahat ay pagtawanan ako. Maging si Terrence ay tawang tawa sa binasa ni Katrina. “OMG talaga. Mayroon pa ba, Kat?” Tanong ni Veronica kay Katrina habang tiningnan ako nito na tila diring diri at may nakakahawa akong sakit. “Oo naman. Ito mas malala. Wish number 8: Wish ko sana maisubo ko ang p*********i ni Terrence habang nag kaklase ang teacher namin sa history na si Prof Magbutay. Nakaka libog kasi ang ganoong set up. Na nasa likuran lang kami ng upuan, habang busy ang mga estudyante sa pakikinig dito. Ako naman ay busy sa pag chupa sa b***t niya. Sh** nakaka libog iyon. Kaya lang alam ko naman na hanggang pangarap lang iyon.” Pagbabasa muli ni Katrina sa nakasulat sa notebook ko. Halos mapasinghap ang lahat sa gulat. Tatawa tawa naman ang mga barkada ni Terrence na naroon din pala sa gilid. Nag lalagkit na ako sa sobrang pawis at hiya sa nangyayari pero wala pa rin atang balak itigil ni Katrina ang pagbabasa. Mukhang nais talaga nito akong ipahiya sa buong campus. “My gaaaawd. Chaka ka na nga, napaka libog mo pang bakla ka. Kay Terrence pa talaga. Mabuti naman at alam mong hindi ka papatulan niyan. Kahit bayaran mo pa siya ng milyon. Grabe ka, Nerdy. Napaka manyak mo…!” Pang lalait sa akin ni Veronica na tinaggap ko lang.  Hindi ako makaimik sa kahihiyan na sinasapit ko. Sabayan mo pa na iniiwasan ko na sumakit ang ulo ko. Kahit nararamdaman ko na ang biglaang pag pintig nun. “Hindi pa pala iyon ang malala. Mas malala ito. Wish number 10: Wish ko na sana ay kantutin ako ni Terrence sa sa office mismo ng Dean ng college of business administration. Gosh.. Ang sarap siguro sa pakiramdam nun, habang sa office ng daddy niya kami nag kakanaan. Tiyak nakakataas lalo iyon ng libido. Sh*t.” Bigkas muli ni Katrina sa pagbabasa sa notebook ko. Tumingin muna sa akin ito at ngumisi ngisi. Bakas sa mukha ang pandidiri. Habang ang mga estudyante ay natatawa. Kabilang na ang mga barkada ni Terrence at ang mismong lalaking crush na crush ko. “Ang lala mo, bakla. Hindi ko akalain na may tinatago ka palang kamanyakan na putang ina ka. At sa boyfriend ko pa talaga. Hindi ka na nahiya. Eiw..!” Wika ni Katrina sa akin sabay sampal sa mukha ko ng malakas dahilan para ikatumba ko.  Hindi pa ito nahinto roon dahil naramdaman ko na lamang ang lamig sa ulo ko. Binubuhusan na pala ako nito ng gatorade na kinuha nito sa kamay ni Terrence. Nang maubos iyon ay dinuraan pa ako nito.  “Hahaha. Deserved..! Bagay lang sa iyo yan, Nerdy. Anong masasabi mo? Baka may masasabi ka pa. Gandahan mo na ang speech mo at maipopost ito sa twitter at f******k ng malala. Sisikat ka bakla ka. Manyak. Hahaha.” Natatawang sambit ni Alicia na kanina pa pala dinodokumento ang pangyayaring iyon.  Tinapat pa nito sa mukha ko ang cellphone nito para mas makita ang mukha ko. Napa pikit, napa yuko at napa iyak na lamang ako sa mga oras na iyon. Wala naman na akong magagawa. Kapag lumaban pa ako ay mas lalo lang akong mapag titripan. Hindi pa nakuntento si Katrina sa ginawa niya sa akin dahil pinunin nito sa harapan ko ang notebook na iniingatan ko. Tinatapakan pa nito iyon. Pagkatapos ay hinatak nito si Terrence. Sa gitna ng hilam kong mga mata dahil sa pag iyak ay nagawa ko pa rin tingnan ang mga ito. “Kailanman ay hanggang pangarap ka na lang, dahil hinding hindi mo matitikman ang b**** ni Sweety. Ako lang ang may karapatan rito. Manyak na bakla.” Wika ni Katrina sa akin at dinakma ang nakabukol na kargada sa short ni Terrence. Saka hinalikan nito sa labi ang lalaki. Doon na tila mas pumitik pa ang pananakit ng ulo ko. Ang huling naalala ko ay napalugmok ay napasigaw ako ng malakas sa sobrang sakit bago ako nilamon ng kadiliman. “Tang ina, may pasigaw sigaw ka pang bakla ka. As if naman na may pake kami at kaya mo kami. Hahaha.” Natatawang sambit ni Veronica sa akin. Tumayo ako ng dahan dahan at inalis ang salamin na nasa mukha ko. Pinalis ko ang mga luhang nag landas sa mukha ko at pinaka titigan ang dalawang tao na nasa harapan ko. Nakataas ang kilay ng babae habang ang lalaki naman ay nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Pagkatapos ay dinampot ko ang notebook na sinira at inapak apakan ng babae kanina. Nang matipon ko lahat iyon ay humarap muli ako sa kanila at ngumisi ng matindi bago nag salita. “Ang sabi mo kanina ay kailanman ay hanggang pangarap lang na matikman ko ang b***t ng boyfriend mo?” Tanong ko rito ng nakangisi.  “Wow. Nabaliw na yata ang gago. Oo, at uulitin ko sa iyo para maunawaan mo. Hinding hindi mo mati---” Hindi na nito natapos ang sasabihin nito ng itaas ko ang kamay ko para patigilin ito. Nagtataka na huminto naman ito. “We’ll see.” Sambit ko rito bago ko sila tinalikuran. Hinarangan pa ako ni Veronica pero tinabig ko lang ito ng malakas para umalis ito sa daraanan ko. Tumba ito sa gilid na gulat na gulat sa ginawa ko. “Aray kooo…! Tang ina, bakla ka talagaaaa..!” Sigaw nito pero naglakad lang ako na parang wala lang. Natahimik na lang din bigla ang mga estudyante sa paligid. Nag bigay pa nga ng daan ang iba sa kanila. Lalo na ng tingnan ko ng masama isa isa. “Kung si Yael ay pumapayag na mag paapi ng ganun. Pwes, ibahin nila ako. Hindi ako papayag. At hindi rin ako papayag na hindi ko nakukuha ang gusto ko. Gusto ni Yael si Terrence. Wish granted. Kukunin ko si Terrence para rito. Mali sila ng taong pinag tripan. Magpahinga ka lang diyan, Yael. Ako naman ngayon ang bahala.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook