bc

Henderson's Proposal

book_age18+
18.0K
FOLLOW
70.7K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
drama
sweet
bxg
office/work place
friendship
friends
passionate
like
intro-logo
Blurb

Russell Venedict Henderson story.

Heaven was cheated by her fiancé for three years. Kaya naman nagtungo siya sa isang bar at naglasing. Nang malasing siya hindi niya alam kung ano ng mga nangyari. Nagising na lang siya na may katabing gwapong lalaki.

Then she heard the most shocking question early in the morning, "will you marry me?"

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
PINIGILAN ni Heaven ang umiyak dahil sa kaniyang nakikita sa kaniyang harapan. Ang sweet sweet ng dalawang pinapanuod niya. Masayang nagsusubuan ang dalawa. Hindi alam ng mga ito na may nasasaktan na pala silang ibang tao. Ang mahalaga lang sa mga ito ay ang kasiyahang nararamdaman nila at walang pakialam sa ibang tao. Pinunasan ni Heaven ang luha. Huminga siya ng malalim. Hindi niya dapat iniiyakan ang walang kwentang tao. Kinuha niya ang cake na binili niya para sa lalaki at ang mga pictures na naipon niya. Kalmado siyang naglakad palapit sa dalawa. "Vincent." Tawag niya sa pangalan ng fiancé niya. Yes. Her fiancé for three years. Na hindi niya alam na matagal na pala siyang niloloko. Nagbulag-bulagan lang siya dahil sa pagmamahal niya rito pero tama na dahil masakit na. She already gave him a second chance pero ito ang taong hindi dapat binibigyan ng second chance. Nanlaki ang mata ni Vincent nang makita si Heaven. "H-Heaven, magpapaliwanag ako." Umiling si Heaven. "Hindi na kailangan, Vincent. Sapat na ang mga nakita ko at naipon ko." Walang emosyon niyang saad at itinapon sa harapan nito ang mga larawan. "Itago mo 'yan. Remembrance mo sa panloloko mo sa akin." Ngumiti siya ng matamis at itinapon rito ang dalang cake. "The wedding is off. Pero pwede mo pa ring ituloy ang kasal," tumingin siya sa babaeng kasama nito, "siya na lang ang ipalit mo sa akin." "Heaven, I'm sorry. Let me explain." Tangkang hawakan ni Vincent ang kamay niya pero tinabig niya ang kamay nito. "Noong una hindi ako naniwala sa mga kaibigan ko pero," tumulo ng luha ni Heaven, "totoo pala na niloloko mo ako. Akala ko hindi mo ako lolokohin pero hindi na bale. Hindi na matutuloy ang kasal natin." "Heaven—" Tinignan ni Heaven ng masama si Vincent pati na ang babae nito. "Enjoy your lunch." Tinalikuran na niya ang mga ito at umalis sa restaurant na 'yon habang pinagtitinginan siya ng ibang customer pero wala na siyang pakialam. Pagdating ni Heaven sa kotse, pumasok siya sa loob at doon humagulhol siya. Hinampas-hampas niya ang manibela habang patuloy ang pag-agos ng luha niya. Ang sakit-sakit. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa sakit. Minahal niya si Vincent pero niloko lang siya nito. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaniyang matalik na kaibigan. "Hello, Heaven." Pagsagot ng kaibigan sa tawag niya. "Crystal," umiiyak niyang tawag sa kaibigan, "ang sakit-sakit." "Heaven, bakit anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Crystal. "Crystal, ang sakit talaga." "Langit, bakit ka umiiyak?" Sabad ni Jackie, ang kaibigan nilang bakla ni Crystal. Langit ang tawag nito sa kaniya. "May nanakit ba sa 'yo? Sabihin mo at resbakan natin." Pinunasan ni Heaven ang luha at kinalma ang sarili. "The wedding is off. Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Vincent." "Iyon lang naman pala e—Ano?! Bakit anong nangyari?" Tanong ni Jackie. "Oo nga, Heaven. Anong nangyari? Sabihin mo." Ani Crystal. "Niloko ako ni Vincent. Nakita ko sila mismo ng babae niya. Nagsusubuan sila, nagyayakapan at naghahalikan—" "Ano?! Tarantado siya! Bubugbugin ko siya!" Galit na sabi ni Jackie. "Saan ka ngayon, Heaven?" Tanong ni Crystal. "Nandito sa labas ng restaurant pero paalis na ako dahil may papalapit na bacteria." Sabi niya nang makita si Vincent na nagmamadaling naglalakad palapit sa kaniya. "Pupunta ako diyan sa bahay niyo." Pinatay ni Heaven ang tawag at pinaandar ang kotse. Nang makalapit si Vincent, kumatok ito sa bintana ng kotse niya pero pinaharurot niya ang kotse at umalis sa lugar na 'yon. Nagtungo siya sa bahay nila Crystal. Nakita naman niyang nasa labas ng gate si Crystal at kasama nito si Jackie. Jack ang tunay nitong pangalan. Nang makalabas siya ng kotse kaagad siyang yumakap sa dalawang kaibigan. "It's okay to cry, Langit." Alo sa kaniya ni Jackie. "Ilabas mo lang 'yan." "Nandito lang kami ni Jackie para sa 'yo." Sabi ni Crystal na ikinapanatag ng loob ni Heaven. Pumasok silang dalawa sa loob ng bahay ni Crystal. Doon umiyak siya ng umiyak. Hinayaan naman siya ng dalawang kaibigan na ilabas ang sakit na nararamdaman niya. "Kapag nakita ko ang Vincent na 'yan. Naku talagang susuntukin ko siya." Sabi ni Jackie. "Talaga? Kaya mo ba?" Tanong naman ni Crystal. "Itong si Salamin talaga, oh. Kahit naman bakla ako kaya ko namang resbakan ang nanakit sa kaibigan natin." Sabi ni Jackie kay Crystal. Salamin ang tawag ni Jackie kay Crystal. Napailing na lang si Heaven at napagdesiyunan niyang umuwi na. Gabi na rin kasi at baka mag-alala pa sa kaniya ang mga magulang niya. Hindi pa pala alam ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Vincent. Hindi na bale, sasabihin na lang niya sa mga ito na wala ng mangyayaring kasal pagkauwi niya sa kanila. "Uuwi na ako. Salamat sa pag-comfort niyo sa akin." Sabi niya sa dalawang kaibigan. "Ihahatid na kita." Prisinta ni Jackie. "Huwag na." Tanggi ni Heaven. "Kaya ko naman. Sige. Alis na ako." "Mag-iingat ka." Sabi ni Crystal. Tumango si Heaven at niyakap ang kaibigan. "Salamat sa inyong dalawa." "Basta. Kapag ginulo ka ni Vincent, sabihin mo sa akin, girl. Ako ang bahala." Napangiti si Heaven. "Sige ba." Niyakap niya rin ito. Sumakay na si Heaven sa kotse. She started the engine. Nagbusina muna siya bago siya umalis. Kumaway naman ang dalawang kaibigan. Habang pauwi si Heaven, napadaan siya sa isang bar. Itinigil niya ang kotse at bumaba. Pumasok siya sa loob ng bar. May mga nag-iinuman at may mga nagsasayawan rin. Nagtungo si Heaven sa isang bakanteng upuan. Ayaw niya sa counter. Ang taas ng stool baka mahulog pa siya kapag nahilo siya. Nakakahiya 'yon panigurado. May lumapit naman sa kaniyang waiter. "Five shots of vodka." "Ma'am?" "Five shots vodka." Ulit ni Heaven. "Gusto kong maglasing ngayon." "Yes, Ma'am." Kaagad namang tumalima ang waiter at binigyan siya ng vodka. Hindi sanay na uminom si Heaven. Umiinom man siya pero patikim-tikim lang. Habang umiinom ng vodka, may nakita siyang naghahalikan sa bandang kaliwa niya. Heaven rolled her eyes. Maghihiwalay rin kayo. Wala ng loyal na lalaki sa panahon ngayon. Nakatatlong shots na siya ng vodka ng makaramdam siya ng pagkahilo. Nasapo ni Heaven ang ulo pero kahit nahihilo na siya, pinipilit niyang maubos ang natitira pang dalawang shots ng vodka. She was about to drink the fourth glass when someone stopped her. "Kung hindi mo na kaya, huwag mo ng pilitin." Sabi ng lalaki at umupo ito sa tabi niya. Heaven tsked. Kinuha niya ang isang baso na may laman rin vodka at parang tubig na ininom ang laman. Inilapag niya ang baso sa mesa at tumingin sa lalaki. "Huwag mo akong pakialaman." Gwapo ang lalaki. Mas gwapo pa kaysa kay Vincent. Natawa si Heaven. "Hindi naman kita pinapakialaman. Sinasabi ko lang ang napansin ko. Mukhang nahihilo ka na kasi. Kanina pa kita tinitignan." Sabi ni lalaki at ito na ang uminom sa vodka na inigaw nito sa kaniya. Umirap si Heaven. "Gusto kong maglasing." Napatitig sa kaniya ang lalaki. "Bakit?" Umiling si Heaven. "Wala ka na do'n, brad." "Russell Venedict Henderson ang pangalan ko, hindi brad. RV for short." Sabi ng lalaki. Heaven just tsked. Pero sinabi naman niya ang pangalan. "Heaven. Hindi tayo close kaya hindi ko sasabihin ang apelyido ko." "It's okay." Sabi ng binata. "Pero ang haba ng pangalan mo, pwede bang Ven or Venedict na lang. Ayaw naman kitang tawaging RV, pakiramdam ko 'yon ang tawag sa 'yo ng lahat. Ganun kasi kapag dalawa ang pangalan ng isang tao. Tinatawag na lang sa initials." "Bahala ka." Nagkibit ng balikat si RV. Tumango si Heaven at sinenyasan niya ang waiter. "Five shots of vodka please." "Yes, Ma'am." "Lasing ka na." Sabi ni Venedict kay Heaven. "Hindi pa. Basta gusto kong maglasing para makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit kasi ng ginawa niya e." Hindi napigilan ni Heaven ang luha na tumulo na naman. Nakinig naman si RV sa dalaga. "Niloko na niya ako noon pero binigyan ko siya ng chance." "Kaya lang ginawa niya na naman." Tumango si Heaven. "So the wedding is off. Hindi na matutuloy ang kasal." Tumingin siya kay Russell at may dumaan na kislap ng mata nito. Hindi niya alam kung para sa'yo 'yon, hindi na lang niya pinansin. Kaagad siyang kumuha ng isang baso ng vodka na kabibigay ng waiter. "Bakit kayong mga lalaki? Hindi kayo nakukuntento sa isang babae?" Halatang nasaktan niya si Russell dahil sa sinabi niya. "Hindi lahat ng lalaki ganun." "Really?" Tumango si Russell. "Hindi lahat ng lalaki katulad ng ex mo." Natawa si Heaven at nagpatuloy sa pag-inom ng vodka. Hindi uminom si RV at binantayan na lang ang dalaga na naglalasing. Lasing na si Heaven. Tumingin siya kay RV. Ngumisi siya at lumapit rito. "Heaven, tama na ang pag-inom mo. Lasing na lasing ka na." Sabi ni RV at inalalayan ang dalaga. "Pare-pareho kayong lahat. Mga...manloloko..." Lasing na sabi ni Heaven. "Sinabi ng hindi kami pare-pareho e." Naiiling niyang sabi pero natigilan siya nang makitang lumuluha si Heaven. Kumuha ng pera si RV sa pitaka at inilagay sa mesa. Pinangko niya ang dalaga. Kaya lang may problema. Hindi niya alam kung saan ang bahay nito. RV sighed. He had no choice. Sa condo niya muna ang dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook