KIM JASON Lulan na ako ng sasakyan ko pabalik ng Hotel Trevino. Kasalukuyan ko nang binabaybay ang kalsada. Nasa daan lang ang tingin ko. Swabe lang din ang takbo ko. Medyo rush hour na pero hindi pa naman gano'n kabigat ang trapiko. Tuloy-tuloy pa rin naman ang daloy ng mga sasakyan. Hanggang sa biglang huminto ang mga nasa unahan ko gawa ng stop light na naka-kulay pula. Napatigil din ako. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Naalala ko bigla si Celestine. Masaya ako na makita siya muli. Aaminin kong na-miss ko siya kaya napasugod ako sa kanila. After kasi nang nangyare rito noong nakaraan ay wala na akong naging balita pa sa kanya. Kahit pa na medyo okay na ito bago ko siya pinahatid sa kanila. Nag-aalala lang ako sa kanya. Hindi ako mapanatag. Hindi siya maalis sa isip ko hangga

