CELESTINE Pareho na kaming nakaupo muli ni Sir Kim sa sala. Kasalukuyan na nitong suot ang damit na binigay ko. Actually damit niya iyon na pinahiram sa akin noong nabasa ako ng ulan. Hindi ko na naibalik pa sa kanya. Nilabhan at tinago ko iyon. Mabuti na lang talaga at naalala ko pa. Wala akong maipapahiram na damit sa kanya 'pag nagkataon. Puro maliliit at pambabae ang mga damit ko, gano'n din ang kay Mama. Wala ring tao sa bahay nila Tito Arman na pwede kung hiraman sana. Buti na lang talaga, kung hindi ay baka kanina pa nakabuyang-yang ang matipuno nitong katawan sa harapan ko. Baka hindi rin akong nakatagal na pakiharapan ito. Tuluyan akong nawala sa konsentrasyon. Nakatingin lang ako kay Sir Kim. At gano'n rin ito sa akin. Walang nagtangka na magsalita man lang. Kapwa nagpapakiramd

