CELESTINE
Nakalabing mukha ang ipinaskil ko saka ako tuluyang humarap dito. Nagtatampo pa rin kasi ako dahil sa nagyare kanina sa cafeteria.
Nakita ko si Sir Kim na nakatayo sa may pinto ng opisina nito habang naka-pamewang at may hawak na folder na nirolyo sa kanang kamay. Naka-tingin siya sa akin. At mukhang naghihintay nang isasagot ko. Gaya pa rin ng dati ay seryoso na naman ang gwapong mukha nito at never na yata iyong mababago pa.
"Magsi-cr lang po sana, Sir," pagsisinungaling ko. Kung saan naman talaga uwing-uwi na ako saka naman dumating ito. Wrong timing talaga.
"Ah, gano'n ba? Akala ko uuwi ka na, eh. Sige na bilisan mo na. Tumuloy ka na lang sa office pagbalik mo," sabi nito at tuluyang pumasok ng opisina nito.
Sasagot pa sana ako pero bigla namang pumasok sa ito loob. Tanging ang sumarang pinto na lamang ang naabutan ko. Ni hindi man lang ito nag-abalang pakinggan ang sasabihin ko pa.
"Hays! Kung hindi lang talaga kita crush ay ewan ko na lang," gigil kong sabi.
"Sinong crush 'yan?"
"Ay butiki!" Nagulat kong reaksyon nang marinig ko ang nagsalita mula sa likod ko. Kinabahan ako bigla. Kinalma ko muna ang sarili ko bago humarap sa nagsalitang iyon. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita na si Sir Ryan pala ang naroon at narinig ang sinabi ako. Nakatayo ito sa may 'di kalayuan sa akin at mukhang naintriga ito sa sinabi ko.
"Ha? Tin? Sinong crush mo?" tanong pa nito na may kakaibang ngiti at tingin.
"Ha? Sorry po, Sir kayo pala. Wala po, Sir, ah," tanggi ko pa kahit huli na ako. "May sinabi po ba ako?" pagkukunwari ko pa. Baka kasi makalusot pa.
"May narinig kasi akong sinabi mong crush."
"Naku, Sir! Nagkakamali po yata kayo ng dinig, Sir. Wala pong gano'n," tanggi ko pa rin.
"Tin, hindi pa naman gano'n kahina ang pandinig ko at isa pa 'di pa naman ako gano'n katanda para hindi makarinig. Kakasabi mo lang."
Mukhang wala na yata akong kawala pa. Napakamot na lang ako sa ulo at napangiwi na lang din.
Bakit ba kasi nasabi ko pa 'yon? Pahamak talaga 'tong bibig ko.
Hindi ko naman kasi akalain na bigla na lamang susulpot ito at maririnig iyon. Akala ko naman walang tao rito sa hallway kaya confident pa akong nasabi iyon pero ayon na nga narinig pa nito --- loud and clear. Nahiya tuloy ako kay Sir Ryan. Tama nga ang kasabihan ng mga matatanda na nahuhuli ang isda sa bunganga. Nakita ko pa ang ekpresyon sa mukha nito na napapangiti na lang ito.
"Mukhang kilala ko na kung sino 'yang crush mo," nai-intriga nitong sabi at mukhang manunukso pa.
"Sir Rye..." nasabi ko na lang. Ni hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya talaga ako.
"Si Sir Kim, no? Tama ako 'di, ba?" hula pa nito. "Uy! Crush niya si Sir Kim."
Hindi na ako nakaimik pa. Wala na. Buko na talaga ako. Mukhang wala na ring silbi kung itatanggi ko pa. Tumango na lang ako bilang sagot na tama ito sa hula nito. Napangiti ito nang malaman iyon.
"I knew it. Sabi ko na, eh," reaksyon niya pa na parang tumama sa lotto.
"Sir, 'wag niyo sasabihin kay Sir Kim, ha?" pakiusap ko sa kanya. Ayokong malaman nito iyon. Baka bigla na lamang niya kasing ipatigil ang pagre-report ko sa kanya. Hindi ko na siya makikita pa pagnagkataon. At ayokong mangyare iyon. Malulungkot talaga ako ng bongga.
"Oo, naman. Hindi naman ikaw 'yong una na nagka-crush kay Sir Kim. Sa dami ng dumaan na nag-ojt dito sa hotel hindi ko na mabilang kung pang-ilan ka na. Kaya don't worry hindi ka nag-iisa."
"As in gano'n karami, Sir?" hindi makapaniwala kong reaksyon. Pero naisip ko rin hindi naman imposible iyon. Kaya nga ako nagka-crush dito kasi nga ang gwapo nito.
"Yup! At wala naman siya do'ng pakialam. Kaya okay lang 'yan. Natural lang na magka-crush sa kanya. Pero ewan ko ba balita ko wala raw girlfriend 'yan."
"Weeh? Sa pogi niyang 'yon, Sir? Parang imposible naman po yata 'yan." 'Di ako makapaniwala sa sinabi ni Sir Ryan. Parang anlabo yatang mangyare iyon.
Pero natutuwa akong malaman iyon.
"Ayon sa bali-balita 'yan pero 'di rin ako sure diyan. Wala pa kasing dinala or pinakilala rito 'yang babae. Pero malay natin 'di, ba? Hindi natin alam. Hindi naman natin siya personal na kilala."
"Kunsabagay tama po kayo diyan, Sir," sang-ayon ko.
"Pero sa gwapo ni Sir Kim malamang meron 'yan. Baka hindi niya lang dinadala rito."
"Korek ka diyan, Sir. Basta Sir Rye, promise n'yo po sa akin 'wag na 'wag niyo pong sasabihin sa kanya, ha?" pakiusap ko. "Nakakahiya 'pag malaman niya."
"Oo naman. Makakaasa ka walang makakarating sa kanya. Atin-atin lang 'to. Your secret is safe with me."
"Thank you, Sir Rye." At ngumiti ako ng napakatamis.
Nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil do'n. Mas nakahinga ako ng maluwag. Finally hindi ko na kailangan kimkimin ng mag-isa ang feelings ko. Mas gumaan pa ngayong may nakaalam na. Hindi naman ako nagkamali na kay Sir Ryan ko inamin 'yon. Thankful din ako rito sapagkat marami pa akong nalaman kay Sir Kim. Nakakatuwa lang talaga. May pwede na akong source ng mga impormasyon tungkol kay Sir Kim at pwedeng pagsabihan ng mga nararamdaman ko.
"May plano ka pa bang umuwi Ms. de Castro?"
Sabay pa kami napatingin ni Sir Ryan sa pinanggalingan ng seryosong boses na iyon. Parang kulog iyon sa na umalingawngaw sa buong hallway.
Si Sir Kim na hindi maipinta ang mukha.
Nakatayo ito sa nakabukas na pinto ng opisina nito. Saka ko lang naalala na hinihintay niya pala ako. Baka ay nainip na ito. Sabi ko kasi ay magsi-cr lang ako pero hindi na agad ako nakabalik.
"Sige po, Sir Rye. Salamat po ulit," sabi ko kay Sir Ryan at tinalikuran ko na siya saka nagmadaling lumapit sa poging HR Manager na busangot na naman ang mukha.
Muli itong pumasok sa loob ng opisina nito. Muntik pa akong tamaan ng pinto ng sumara iyon. Tuloy ay napilitan akong buksan muli iyon at tuluyang pumasok sa loob.
"Sir, sorry na po," sabi ko agad nang makapasok ako.
Nakaupo na ito sa mesa nito. Nakita kong nakahanda na rin itong umalis pero dahil nga sa hinihintay niya ako ay hindi agad ito nakaalis. Mas lalo yata itong na-bad trip dahil sa akin.
"Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang oras ko. I have a lot of things to do," seryoso at medyo iritado nitong sabi.
"Alam ko po at humihingi po ako ng paumanhin, Sir. Hindi ko po intensyon na paghintayin kayo ng matagal," hinging paumanhin ko. Kinakabahan ako ng slight. Galit na yata ito.
"At nakuha mo pa talagang makipag-chismisan kay Ryan."
"Naku, Sir hindi po. Hindi po ako nakikipag-chismisan kay Sir Ryan. Wala pong kasalanan si Sir Ryan. May tinatanong lang po ako sa kanya," paliwanag ko.
"Ano bang tinatanong mo? Pwede mo namang itanong sa akin."
"Sir?" pagtataka ko. Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi nito.
Ano ba, Sir?! Nakakahiya! Crush lang naman kita.
"Tungkol lang po sa mga proper procedures sa Housekeeping po. Medyo may naguguluhan lang po ako," pagsisinungaling ko.
"Still!" Na mas lalo pang naging seryoso. "Ano pang purpose kung pinagre-report kita rito kung hindi ko rin naman masasagot ang mga tanong mo." At tuluyang tumayo na ito mula sa pagkakaupo. "Anyway, so far so good daw ang performance mo sabi ni Ryan. Kaya pagbutihan mo pa. Continue the good works."
Natunaw ang kabang nararamdaman ko. Napangiti ako nang marinig ko iyon. Medyo umaliwalas na rin ang mukha nito. Hindi na rin magkasalubong ang mga kilay nito. Natuwa akong makita iyon. Ang pogi na nito ulit sa paningin ko. Gusto ko na namang mangarap ng gising dahil dito.
"Thank you po, Sir Kim." Pinasigla ko ang boses ko.
"That's it for now. You can go now." At tumalikod na ito.
"Okay, Sir. Bye po," paalam ko pa.
Nagmadali na akong lumabas. Pakiramdam ko ay parang lumulutang ako. Ang gaan-gaan ng feeling ko. Tuluyan na ring nawala ang tampo ko sa kanya. Ang saya-saya ko today sobra. 'Di baleng mahirapan na akong sumakay at late na makauwi bawing-bawi naman sa binigay nitong compliment.
Kinagabihan.
Kasalukuyan kaming naghahapunan ni Mama at ini-enjoy ang niluto nito. Sarap na sarap ako dahil favorite ko ang ulam namin ngayon walang iba kundi ang specialty nitong Tinolang Manok. Ginaganahan at napaparami talaga ako nang kain 'pag iyon ang ulam namin. Alam na alam talaga ni Mama ang mga gusto ko.
"Gusto mo pa ba?" tanong ni Mama sa akin. "Meron pa ro'n. Kukuha pa ako."
"'Wag na po, 'Ma! Busog na busog na po ako," tanggi ko dahil sa totoo lang halos lumubo na ang tiyan ko sa dami ng nakain ko. Baka pumutok na ako 'pag pinilit ko pang umisang round.
"Sigurado ka?" aniya.
Tumango ako bilang tugon. May tira pa sa plato ko na karne at gulay pero hindi ko pa ginagalaw. Hinihimas ko na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.
"Ang sarap talaga ng luto, 'Ma," saad ko sa kanya.
"Hmm! Binola mo pa ako. Masarap naman lagi luto ko, ah."
"Totoo nga, 'Ma. Promise. Basta tinolang manok wala nang tatalo pa sa 'yo. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang luto mo kahit kanino," puri ko kay Mama. Na-master na kasi nito ang pagluluto niyon kaya naman hinding-hindi ako magsasawa rito. Nahuli na niya ang panlasa ko.
"Talaga, 'Nak?" Na halatang natuwa sa sinabi ko. Nakita kong may sumilip na munting ngiti sa mga labi nito.
"Yes, 'Ma! Basta tinolang manok lang, ha?"
Nawala ang ngiti bigla.
"Bakit 'yong ibang luto ko hindi mo ba gusto?"
"Gusto naman kaso iba pa rin ang tinola mo. Walang katulad sa sarap. Kahit araw-araw ka pang magluto nito tiyak mapaparami kain ko at never ako magre-reklamo."
"Weeh?"
"Seryoso nga, 'Ma."
"Baka naman tubuan na tayo ng pakpak niyan 'pag araw-araw na tinolang manok ulam natin."
"Eh, 'di lumipad din tayo saka mangitlog," birong sagot ko pa.
Biglang natawa si Mama sa sinabi ko. "Loko ka talaga, Anak."
"Totoo naman, 'Ma, eh."
"Naku, epekto yata ng tinola 'yan kaya kung anu-ano tuloy naiisip mo."
"Siguro nga po," sang-ayon ko. "Pero the best pa rin talaga ang tinola mo."
"Dapat lang ano."
Dahil do'n ay kapwa pa kaming natawang dalawa.
"Oo nga pala, 'Nak. Kamusta na pala ang ojt mo?" pag-iiba ng topic ni Mama.
Napangiti ako dahil sa tanong nito. Muli kong naalala ang mga nangyare sa Hotel Trevino at siyempre ang aking apple of the eye na si Sir Kim. Akala ko talaga ay papagalitan niya ako dahil sa nagawa kong eksena kanina sa cafeteria, gano'n din ang pinaghintay ko siya at makita niya akong nakikipag-chismisan kay Sir Ryan sa hallway pero hindi naman pala. Medyo wala lang siguro ito sa mood kaya nakabusangot na naman ito which is hindi na rin bago pa sa akin. Medyo nasasanay na rin naman na ako at nasasakyan ko na ang ugali nito. Pero kahit gano'n ay pinuri niya pa rin ako dahil sa maganda kong performance. Nawala ang tampo ko rito. Super happy ko talaga kanina dahil do'n. Still bawing-bawi pa rin after nang lahat ng nangyare.
"Ayon, 'Ma. Okay naman. Medyo nakakapagod lang pero at the same time challenging siya pero ayos lang din. Ine-enjoy ko naman," masayang sagot ko.
"Ah, gano'n ba? Normal naman iyon basta just do your best. Alam ko kayang-kaya mo 'yan. 'Kaw pa ba?"
"Yes! Ako pa, 'Ma. At kailan pa ako sumuko?" saad ko.
"Basta pagbutihan mo lang lagi," sabi pa nito.
"I will, 'Ma. Makakaasa kayo na hindi ko kayo bibiguin ni Tito Arman."
"Dapat. Kaya go lang nang go. At ubusin mo na 'yang pagkain mo nang makapag-ligpit na tayo at makapag-pahinga ka na rin."
"Sige, 'Ma," sagot ko at saka inubos ang natitirang pagkain sa plato ko.
Nakaharap ako sa salamin at nag-a-apply ng cream sa mukha ko para iwas pimple, oily face at dry skin ang fezlak ko. Daily routine ko na ito gabi-gabi bago matulog. Isa sa mga beauty rituals ko para naman gumanda ako. At infairness naman sa ginagamit kong brand effective siya. Maganda ang result sa balat ko. Mga two weeks ko na siyang ginagamit at feeling ko talaga ay nag-glow up ako dahil dito. Char!
Ngayon pang palagi at kailangan kong humarap kay Mister Pogi kapag magre-report ako sa kanya bago umuwi. So, kailangan ko talagang maging presentable at maging maganda sa paningin nito. Ano na lamang ang iisipin nito 'pag nakita niya akong chaka. Baka ma-turn off ito sa akin at ipatigil niya ang pagre-report ko. Ayokong mangyare iyon. Kaya talaga hangga't maaari ay nagpapaganda at inaalagaan ko ang mukha ko para naman mapansin niya ako. Sana!
Nakahiga na ako at scroll lang nang scroll sa bookface account ko. Pasado alas-nuebe na ng gabi. Nagpapantok lang din ako para matulog. Maaga pa ako bukas at ayokong ma-late. Pahirapan pa naman ang sumakay lalo na sa umaga. Panay like at comment lang ako sa mga nakikita kong mga post ng mga kakilala ko ng biglang may nagvi-video call. Nakita kong si Banina ang tumatawag. Napilitan akong sagutin iyon. Bumungad agad ang mukha nito sa screen. Siyempre agaw pansin ang kilay nito na na-perfect nito.
"Anong oras na, Girl pero nambubulabog ka pa?" saad ko sa kanya.
"Grabe naman, 'to! Ngayon nga lang tayo magkaka-usap uli tapos ganyan ka pa," ani Banina na may himig nang pagtatampo.
"Oh, anong balita? Ba't napa-video call ka?" tanong ko.
"Wala naman. Eto, start na rin ako bukas ng ojt ko," balita nito.
"Talaga? Naks! Goodluck."
"Salamat," walang gana nitong sagot at naging Biyernes Santo ang mukha.
"'Yan naman pala, eh. O, ba't ganyan ang mukha mo?" pansin ko sa pag-iiba ng hilatsa ng mukha nito. "Hindi ka ba masaya? Hindi ka ba excited na magsa-start na kayo?"
"Paano ako magsasaya, Girl? Eh, solo mode rin ako katulad mo."
"Ay hala! Bakit?" pagtataka ko.
"Hindi ko makakasama sina Alexa at Devon."
"Bakit anong nangyare?" malungkot at hindi makapaniwala kong tanong. "Bakit hindi mo sila makakasama?" Ang pagkakaalam ko kasi ay magkakasama silang tatlo at iisang establishment ang pag-o-ojt-han nila.
"Ayon nga dapat magkakasama kami tapos sabay-sabay din kami nagpasa do'n sa Crown Vista Hotel pero silang dalawa lang ang natanggap tapos ako hindi," naiiyak na kwento ni Banina.
"Ay bakit naman gano'n?"
"Hindi ko nga alam."
"Ay gano'n? Eh, sina Alexa at Devon kailan sila magsa-start?"
"Hindi ko alam. Hindi ko na nga sila nakakausap, eh. Hindi ko rin ma-timing-an na naka-online kaya wala rin akong balita sa kanila." May bahid ng lungkot ang boses nito.
"Ayon tuloy napilitan akong lumipat sa iba at maki-join kasama ang iba pa nating mga classmates."
"Ayon naman pala, eh. Kasama mo naman ang iba nating mga classmates. Hindi ka naman mag-iisa. Hindi ka naman solo mode talaga.May kakilala ka pa rin naman. Maswerte ka pa rin, no? Eh, ako nga as in ni isa wala talaga. Saling-pusa lang nga ako ro'n, eh pero keri lang. Pakisama na lang talaga."
"Kahit na, no!? Hindi ko naman sila ka-close at siyempre mas gusto ko kayong kasama kaysa sa kanila. Iba pa rin 'pag kayo ang kasamo ko."
"Eh, wala ka namang choice. Kaysa naman mag-inarte ka diyan mas lalo ka lang matatagalan matapos niyan pagnagkataon," saad ko kay Banina.
"Ano pa nga ba? Wala talaga akong choice kundi ang maki-join forces sa iba. Bakit ba kasi hindi ako pumasa ro'n?" aniya na halatang hindi pa maka-move on sa naging rejection sa kanya. "Panget ba ako?" dugtong pa niya na ginaya ang linyahan ni Liza Soberano sa movie nitong My Ex and Why's.
"Hindi," mariing sagot ko naman ala Enrique Gil.
"Katanggap-tanggap ba ako?"
"Oo, naman. Baliw 'to!"
"Then why?"
"Ay 'yan ang hindi ko alam, Girl. Baka naman kasi panget ang kilay mo sa picture mo kaya hindi ka nila tinanggap. Hindi pantay o 'di kaya tabingi ang isa," sabi ko.
"Niloloko mo naman ako, eh," ani Banina at napasimangot.
"Joke lang. Binibiro lang kita. Baka lang naman."
Narinig kong napabuntong-hininga ito ng malalim mula sa screen. Halata talagang disappointed ito. Asang-asa talaga siguro ito na sama-sama silang tatlo nila Alexa at Devon kaso na-ligwak ganern siya. Tuloy napahiwalay ito sa grupo. Napilitan itong makisama sa iba para lang makapag-start na rin sa ojt nito. Dahil pagnagkataon ay lalo itong mahuhuli at baka mapurnada pa ang pag-martsa nito. Baka nagga-graduation na kaming lahat pero ito ay gumagawa pa lang ng report nito.
"Kinakabahan ako para bukas," ani Banina.
"Natural lang naman na kabahan kasi first day. Pero kaya mo 'yan, Girl. Ano ka ba?! Kung anong pinag-aralan natin sa school gano'n at gano'n din ang gagawin mo. Kumbaga ina-apply mo na ang lahat ng natutunan mo. Saka don't worry sigurado naman ako na may mag-a-assist pa rin naman sa inyo at tuturuan pa rin naman kayo niyan. Hindi naman agad kayo isasalang ng ora-orada. Kaya tiwala lang. Remember parang pagki-kilay mo lang 'yan. Kung gaano ka katiyaga, parang gano'n din 'yan, okay? Kaya 'wag ka nang kabahan diyan," pagpapa-lakas ng loob ko sa kanya.
"Naku, Girl! Sana nga kayanin ko," aniya.
"Goodluck, Girl. Balitaan mo ako kung kumusta first day mo. Videocall uli tayo. Sama rin natin ang dalawang bruha." Na ang tinutukoy ko ay sina Alexa at Devon.
"Sige, sige. Salamat uli, Girl."
"No worries. O, siya. Good night na at maaga rin ako bukas," pagtatapos ko.
"Good night." At saka pinindot ko ang end call button.