CELESTINE Katatapos ko lang kanina na makompleto lahat ng mga requirements ko. Medyo maaga pa naman kaya napagpasyahan kong dumaan muna ng mall para bumili ng mga personal needs ko. Tinawagan ko rin ang mga kaibigan ko para sana magkita-kita kami kaso ayon ni isa kanila ay walang available. Si Alexa ay no'ng nakaraan pa nakauwi. Nasa probinsya na nila ito at nagbabakasyon. Si Devon naman ay may sakit kaya nasa bahay lang ito at nagpapahinga. Samantalang si Banina naman ay masakit daw ang puson sapagkat meron daw siya. Wala akong choice kundi ang magsolo pero kahit gano'n ay okay lang din naman. Sadyang hindi lang talaga pwede ang mga ito at naiintindihan ko naman iyon. Balak kong i-treat na lang ang sarili ko. Total naman ay deserve ko naman iyon para sa sarili ko. Pagkatapos kong mab

