CELESTINE "Sir?" "Bilis na. Get in," utos nito. Agad akong sumakay sa tabi nito. Panay na kasi busina ang kasunod niyang mga sasakyan. Nang maisara ko 'yong pinto ay agad din nitong minaniobra ang sasakyan. "Sir, thank you, ha?" nasabi ko habang tumatakbo na kami. Lihim akong natuwa. At parang gustong lumundag ng puso. Parang si Superman si Sir Kim minus the cape na bigla na lamang dumadating kung saan talaga hirap ako. Kung saan kailangan ko ng tulong, nang sasagip sa akin sa alanganin. Ang bilis nitong maka-detect. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang lahat pero kahit gano'n ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya. Kasi palagi siyang andiyan para tulungan ako. Parang naulit lang 'yong nangyare noon na hirap na hirap akong sumakay ng bus tapos pinasakay niya ako. Tandang-tanda ko

