CELESTINE Kakatapos ko lang inumin ang gamot na binigay ni Sir Kim. Nakahiga na ako ulit. Ilang oras din ang tinulog ko simula kanina kaya siguro hindi pa ako inaantok ulit. Wala na sa loob ng kwarto si Sir Kim sapagkat lumabas na ito. Hindi ko alam kung sa'n ito nagpunta. Wala naman itong sinabi. Matapos nitong niligpit ang pinagkainan ko at mapainom ako ng gamot ay umalis na ito. Hindi ko rin sigurado kung babalik pa ba ito. Nakangiti lang ako habang nakahiga at nakatingala sa kisame. Hindi ko lubos maisip na aabot ako sa point na 'to. Imbes na sa hospital ako isugod ay sa hotel ako dinala. Iba rin! Baka sa taranta na rin ni Sir Kim kanina kaya naisip nitong sa hotel na ako idiritso sa halip na sa ospital sapagkat may mga naka-standby namang mga doktor at medic ang hotel. Medyo mal

